Mayroong ilang daan ang bilang nitong mga Soulless Metal Humanoid. Sa ilalim ng liwanag ng Night Illumination Pearls, sa halip na itim ay parang naging pula ang mga mata ng mga ito na nagbigay sa kanila ng napakanakakatakot na itsura. Pakiramdam nila ay parang biglang bumangon ang napakaraming bangkay sa kanilang paligid sa gitna ng isang sementeryo.
"Masama ito!"
Sa pagkabahala, mabilis na nagsama-sama ang grupo bago tignan nang maigi ang kanilang paligid.
Dahil nasara ng Dragon Severing Lock ang kanilang pinasukang pinto, imposible na makatakas sila mula sa kanilang pinanggalingan. Ang tangi lang nilang magagawa ay magpatuloy, pero kasabay nito, mukhang mayroong mas maraming mga Soulless Metal Humanoid sa kanilang dadaanan at imposible na maitataboy nila ang mga ito nang sabay-sabay!
Huala!
Bago makabawi ang grupo mula sa kanilang gulat, isang Soulless Metal Humanoid ang biglang sumugod sa kanila bago ipinang-atake ang palad nito.