Si Wen Xue ay isang receptionist sa tanggapan ng Apothecary Guild. Ang pangarap niya ay maging isang apothecary. Subalit, nakakalungkot na kulang siya ng talento at sa kabila ng ilang ulit na pagsubok, hindi pa rin siya nakakapasa sa pagsusulit upang maging isang apprentice.
Wala siyang magawa kundi magtrabaho na lang sa tanggapan habang ibinibigay ang lahat ng makakaya niya sa pag-aaral niya.
Mukha mang balewala lang ang pagtatrabaho bilang isang receptionist sa tanggapan ng Apothecary Guild, ngunit ang pasahod dito ay hindi naman na masama. May makukuha siyang komisyon sa bawat piraso ng gamot na mabebenta at kahit na hindi ganun kalaki ang komisyon, kapag mas maraming gamot ang naibenta, mas malaki ang kikitain niya. Kaya naman, ang sahod niya sa loob ng isang taon ay karaniwang mas malaki ng anim o pitong beses kaysa sa mga taong may ganito ring trabaho.