"Mag-aaral ka ngayon?"
Nang marinig nila ang sinabi ni Zhang Xuan, napahalakhak sila Lu Xun, Tian Long, at ang iba pa.
"Nagbibiro ka ata!"
"Mag-aaral ka ngayon? Iniisip mo ba na ang Way of Tea ay isang ordinaryong gawain ng mga craftsman sa bangketa? Na magiging bihasa ka dito dahil lang sinabi mo?"
"Hindi ito isang trabaho! Kahit na araw-araw mo itong gawin, kung walang maraming taon ng pagsisikap, imposibleng matutunan mo ito. Nais mong makapasa sa pagsusulit sa pamamagitan ng pag-aaral ngayon mismo… Ikamamatay mo ba kapag nagpakumbaba ka?"
"Subalit, mabuti na rin 'to. Sa ganitong paraan, hindi mo na magagawa pang magmalaki kapag natalo ka mamaya.
Suminghal si Lu Xun.