Baixar aplicativo
1.64% Library of Heaven's Path (Tagalog) / Chapter 37: Ate Huwag po!

Capítulo 37: Ate Huwag po!

Editor: LiberReverieGroup

"Zhang Xuan..."

Sinubukan ni Shen Bi Ru na makalagpas sa harang ni Shang Bin upang iligtas si Zhang Xuan, ngunit siya ay ilang beses ring napigilan.

Kaparehas niya si Shang Bin sa lebel ng cultivation. Maaaring siya ay abusado dahil sa malakas niyang kapit, ngunit ang kanyang lakas ay totoo. Kahit na may lakas si Shen Bi Ru na talunin si Shang Bin, hindi pa rin siya makakalampas sa harang sa loob ng maikling oras, lalo na kung dumedepensa lang si Shang Bin!

"Ako ang nagpahamak sa'yo..."

Nang hindi niya mailigtas si Zhang Xuan, napuno ng pagsisisi si Shen Bi Ru.

Naisip niya na ang dahilan kung bakit inaapi ni Shang Bin ang taong ito na pinakamababa sa Teacher Qualification Examination ay siya!

Kung hindi, bakit magkakaroon ng hinanakit ang isang taong katulad niya na may mataas na katungkulan at apo ng isang elder sa isang taong tinuturing na basura at hindi kilala, kung wala naman silang koneksyon sa isa't-isa?

Ngunit, matapos niyang dalhin sa kapahamakan si Zhang Xuan, hindi man lang niya nagawang iligtas ang binata. Malubha siyang pinahihirapan ng pagsisising kanyang nararamdaman!

"Bakit wala akong naririnig na gumagalaw? Hindi kaya patay na si Zhang Xuan?"

Habang lalo siyang natataranta, lalong hindi siya makalagpas sa harang ni Shang Bin. Dahil nakaharang si Shang Bin sa kanyang paningin, hindi niya tuloy matanaw ang sitwasyon ni Zhang Xuan. Wala siyang ibang marinig kundi ang katahimikan ng paligid, na tila hindi man lang siya nanlaban sa pag-atake ng Sky Shattering Lion.

Isa lamang ang ibig-sabihin nito... Bago pa makapanlaban si Zhang Xuan, ay napatay na siya sa pagsakmal sa kanya ng Sky Shattering Lion!

Kunsabagay, kahit si Shen Bi Ru ay hindi kakayanin ang isang atake ng isang tier 6 savage beast, na katumbas ng isang Pixue realm expert.

"Haha, patay na siya. Huli na ang lahat para may magawa ka pa..."

Nang wala na siyang marinig na paggalaw sa likod niya, kumislap ang mga mata ni Shang Bin. Sigurado siyang hindi kakayanin ng basurang iyon ang isang atake mula sa Sky Shattering Lion. Masayang-masaya siyang humalakhak dahil sa sobrang tuwa. Nang sa tingin niya hindi na niya kailangang harangan si Shen Bi Ru, tumabi na siya.

"Zhang Xuan..."

Nang tumalon si Shang Bin palayo, hindi na nag-aksaya ng panahon si Shen Bi Ru at nagmadaling pumunta kay Zhang Xuan. Nang maisip ni Shen Bi Ru na makikita niya ang kawawang bangkay ni Zhang Xuan nakahandusay sa sarili niyang dugo, natulala siya at napahinto.

"Anong... Anong... Anong nangyari?"

Noong una, inisip ni Shang Bin na luluha ng sobra-sobra si Shen Bi Ru sa kanyang makikita. Subalit, nang makita niya ang ekspresyon sa mukha niya, agad na lumingon si Shang Bin at tiningnan ito. Sa isang sulyap lamang, ay nanlaki ang kanyang mga mata, at halos himatayin siya sa sobrang pagkabigla.

Nakita niya ang napakabangis na Sky Shattering Lion na sumugod kay Zhang Xuan upang pag pira-pirasuhin siya, na nakahiga sa harap ni Zhang Xuan na parang isang aso, at dinidilaan ang kanyang kamay.

Ang isang kamay ni Zhang Xuan ay hinihimas ang ulo at taenga ng Sky Shattering Lion, at isang di maipaliwanag na kasiyahan ang makikita sa mukha ng Sky Shattering Lion.

"Hala? Anong nangyari?"

Halos maluha na si Shang Bin.

Ang Sky Shattering Lion na ito ay ang alaga ng kanyang lolo at ito ay napaka mapagmataas. Kahit na si Shang Bin mismo, ay hindi ito mahawakan dahil baka magalit ito, lalong lalo na ang paghimas sa ulo nito!

Matapos niyang makuha ito sa kanyang lolo, kalahating araw siyang nagsikap para dito, binigyan niya ito ng napakaraming pagkain. Ngunit, hindi man lang ito tumanaw ng kahit konting utang na loob, binabalewala lang siya nito... Ang isang napakamapagmataas na tulad niya ay tila parang aso lang sa harap ni Zhang Xuan?

[Nandito ka para patayin siya! Ang paghiga sa harap niya at dilaan ang kanyang palad, tama ba ito?]

Nakaramdam si Shang Bin ng pagkahilo, at halos mabaliw na siya.

"Sky Shattering Lion, anong ginagawa mo? Dalian mo at patayin mo na siya!"

Ang sigaw niya.

Hindi gumalaw ang Sky Shattering Lion. Nagpatuloy lang itong humiga, at hinayaang himasin ni Zhang Xuan ang kanyang ulo.

"Ikaw... Dalian mo at patayin mo na siya! Kapag ginawa mo yon, Ibibili kita ng kahit anong gusto mong kainin mula ngayon..." Ang nanggagalaiting sigaw ni Shang Bin.

"Ang ingay, patahimikin mo siya!"

Si Zhang Xuan, na hinihimas ang Sky Shattering Lion, ay tumayo at winagayway ang kanyang kamay.

Roar!

Tumayo rin ang Sky Shattering Lion at tiningnan nang masama si Shang Bin.

"Anong binabalak mong gawin?"

Sa takot niya, napaatras nang ilang hakbang si Shang Bin.

Subalit, bago pa siya makalayo, tumakbo papunta sa kanya ang Sky Shattering Lion at hinawi siya ng mga kamay nito.

Peng!

Bago pa makagalaw si Shang Bin, ay tumalsik siya na parang isang saranggola na naputulan ng tali. Tumama ang kanyang ulo sa isang malaking puno at umagos ang dugo na sa kanyang mukha.

"Anong nangyari... Alaga ka ng lolo ko..." Ang sabi ni Shang Bin.

Ang Sky Shattering Lion na ito ay ang alaga ng kanyang lolo na ipinasa sa kanya upang protektahan siya. Kung tutuusin, susunod dapat ito sa mga sasabihin niya upang protektahan siya laban sa ibang tao. Kaya bakit ito sumunod sa ibang tao at inatake siya?

Peng!

Bago pa siya matapos umiyak, bumagsak sa harap niya ang isa pang tao. Ito ay si Cao Xiong.

Nang mapansin ng taong 'yon na lumalala na ang sitwasyon, agad siyang nagtangkang tumakas. Subalit, paano nga ba siya makakatakas mula sa Sky Shattering Lion, na isang tier 6 savage beast? Tumalsik siya pabalik dahil sa isang malakas na sampal.

Roar!

Matapos niyang patalsikin ang dalawa, tumingin ang Sky Shattering Lion na parang may ginawang kahanga-hanga. Lumapit ito kay Zhang Xuan, na tila naghihintay na puriin siya sa kanyang ginawa.

"Un, magaling. Ayos yung ginawa mo!"

Hinimas ni Zhang Xuan ang ulo nito!

Roar!

Kaagad na tumango ang Sky Shattering Lion. Matikas itong naglakad papunta sa dalawang nakahilata sa sahig, binabantayan sila na may tingin na tila nagmamalaki, katulad ng isang responsableng bantay.

"..."

Si shang Bin at si Cao Xiong, na nagbabalak na tumakas, ay halos maluha na sa mga nangyayari.

"Zhang Xuan... Ikaw... Paano mo 'yon nagawa?"

Habang pinagmamasdan niya ang buong pangyayari, ang natulalang si Shen Bi Ru ay nahimasmasan at nagtatakang tumitig kay Zhang Xuan.

"Paano ko nagawa 'yon?" Napakamot na lang si Zhang Xuan sa kanyang ulo. "Madali lang kausap ang Sky Shattering Lion na ito. Siguro, dahil gwapo ako!"

"Gwapo?"

Napakurap si Shen Bi Ru at nanginig ang kanyang katawan.

[Ang Sky Shattering Lion ay isang savage beast. Para dito, ang salitang gwapo ay maiaangkop lamang sa mga lalaking Sky Shattering Lion, kaya anong kinalaman ng pagiging gwapo mo rito?

Isa pa, kung kagwapuhan ang pag-uusapan, mas nakakalamang si Shang Bin kaysa sa 'yo...]

"Sige! Paalam na!" Hindi na itinuloy ni Zhang Xuan ang pagpapaliwanag at tumalikod na para umalis.

Dahil ang Library of Heaven's Path ay may kakayahang makita ang kahinaan ng isang tao, natural lang na kaya rin nitong makita ang kahinaan ng Sky Shattering Lion.

Mukha man itong sobrang lakas, ngunit ang totoo, nagtamo ito ng maraming lihim na trauma. Kung hindi, hindi nito gugustuhin na magsilbi bilang alaga ni Elder Shang Chen.

Nasagap ng library ang mga kahinaan nito. Gamit ito, madaling nagawan ng paraan ni Zhang Xuan ang iba sa mga ito. Kaya ang Sky Shattering Lion ay sumunod sa kanya nang walang pag-aalinlangan.

Kung ikukumpara sa pangako ni Shang Bin, walang masasarap na pagkain at gamot ang makapapantay sa mga naresolbang problema niya.

Syempre, may kinalaman dito ang sikreto niya, kaya hindi niya maaaring sabihin ang katotohanan kay Shen Bi Ru.

"Ikaw... Huwag ka munang umalis, hindi mo pa sinasabi kung bakit sumunod sa iyo ang Sky Shattering Lion..."

Nang nakita niyang paalis na si Zhang Xuan, nagmadaling humabol si Shen Bi Ru.

Habang lalo siyang nalalapit sa binatang ito, ay lalo niyang nakikita kung gaano kakapangyarihan ang lalaking ito. Isa siyang misteryo na lalong humihirap na maunawaan.

Ang kakayahang makapagbasa ng sobrang daming libro sa pagsulyap lamang sa mga ito, ang sadyang pagkakaroon ng mababang marka sa Teacher Qualification Examination kahit alam na niya ang mga sagot, ang pagtuklas na siya ay isang gourmet sa pamamagitan lamang ng isang pagkain at ang pagpapasunod sa isang tier 6 savage beast nang walang kahirap-hirap…

'Yung parang imposibleng magawa ng ibang tao ay madali lang nagawa ng binatang ito, dahilan para matulala at hindi makapaniwala ang ibang tao!

[Paano niya nagawa ang lahat ng 'to?]

Lalong namamangha si Shen Bi Ru sa binata sa harap niya.

"Ate!"

Walang malay sa iniisip ni Shen Bi Ru, nang makita niyang hinahabol siya nito, huminto si Zhang Xuan sa paglalakad at nagmakaawa, "Gusto ko pang mabuhay nang matagal. Baka 'di na ako umabot ng kinabukasan kapag kasama kita! Maawa ka naman sakin..."

"Ate? Ikaw ang ate. Ang buong pamilya no puro ate!"

Namula ang mukha ni Shen Bi Ru.

Maganda siya. Mas matanda man siya ng konti kay Zhang Xuan, mukha pa rin naman siyang nasa labimpito o labingwalong taong gulang lamang. Kaya nang tawagin siyang ate ng taong 'to, bigla na lang siyang nagwala.

"Oo na, ako na yung ate. Hayaan mo na 'kong umalis!"

Umiling na lamang si Zhang Xuan.

"Pft!"

Matapos akuin ni Zhang Xuan na siya nga ang ate, napatawa si Shen Bi Ru at sinabing "Sige, pwede ka nang umalis. Hahanapin na lang kita bukas!"

"..." Zhang Xuan.


Load failed, please RETRY

Presentes

Presente -- Presente recebido

    Status de energia semanal

    Rank -- Ranking de Poder
    Stone -- Pedra de Poder

    Capítulos de desbloqueio em lote

    Índice

    Opções de exibição

    Fundo

    Fonte

    Tamanho

    Comentários do capítulo

    Escreva uma avaliação Status de leitura: C37
    Falha ao postar. Tente novamente
    • Qualidade da Tradução
    • Estabilidade das atualizações
    • Desenvolvimento de Histórias
    • Design de Personagens
    • Antecedentes do mundo

    O escore total 0.0

    Resenha postada com sucesso! Leia mais resenhas
    Vote com Power Stone
    Rank NO.-- Ranking de Potência
    Stone -- Pedra de Poder
    Denunciar conteúdo impróprio
    Dica de erro

    Denunciar abuso

    Comentários do parágrafo

    Login