Baixar aplicativo
97.56% Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 1524: Cloudy Brook Academy (1)

Capítulo 1524: Cloudy Brook Academy (1)

Editor: LiberReverieGroup

"Spirit Jade Palace? Sigurado ka ba sa narinig mo? Pinili ng bata ang Spirit Jade Palace?" Sa loob ng Cloudy Brook Academy, nakaupo sa courtyard ang matandang lalaki habang umiinom ng tsaa. Hindi siya makapaniwala sa balitang kaniyang natanggap.

Sumagot naman ang lalaking may dala ng balita: "Tama. Malinaw ko pong narinig na Spirit Jade Palace nga ang kaniyang pinili."

Nagulat ang matandang lalaki sa kaniyang narinig, saglit itong tumitig sa hawak nitong tsaa bago humagalpak ng tawa.

"Hahaha! Natalo ng malaki ang Twelve Palaces sa pagkakataong ito! Ang batang iyon, hindi ko mawari kung sinasadya niya ba o hindi na mahanap ang Spirit Jade Palace. Tiyak na hindi maipinta ang mga mukha ng mga taga-Twelve Palaces dahil doon." Aliw na aliw ang matanda sa kaniyang narinig.

Simula nang marinig niya ang tungkol sa Spirit Reinforcement na ginawa ni Jun Wu Xie, alam niyang gagawin lahat ng Twelve Palaces para mapunta sa kanila ang kakayahang iyon ni Jun Wu Xie. Ngunit walang nag-akalang lahat sila ay uuwing luhaan dahil wala sa kanilang makakakuha kay Jun Wu Xie. Sa halip ay pinili ng batang iyon ang Spirit Jade Palace na para sa mga Middle Realm ay matagal nang burado.

"Mukhang matalino talaga ang batang iyon." Tumatawa pa ring saad ng matandang lalaki habang nagsasalin ng tubig. 

"Panginoon...ano pong ibig niyong sabihin?" Gayong maaaring ikapahamak ni Jun Wu Xie ang kaniyang desisyon, kumpara sa Twelve Palaces walang binatbat ang Spirit Jade Palace. Matagal nang nagtatago ang Spirit Jade Palace at mahihirapan silang protektahan si Jun Wu Xie kung sakali. Kahit na sinong taong nasa normal na pag-iisip ay alam na mali ang piliin ang Spirit Jade Palace.

Sumandal ang lalaki sa kaniyang upuan at pinanood ang mga koi fish na nasa pond.

"Ano bang alam mo? Maaaring mahina nga ang Spirit Jade Palace pero may advantage iyon. Kapag pinili ng batang iyon ang isa sa Twelve Palaces, paniguradong mag-aani iyon ng galit mula sa labing-isa na hindi pinili. Bago pa man makalabas ng Cloudy Brook ang bata, buburahin na siya ng sinuman sa labing-isang palasyo. Matindi ang alitan ng Twelve Palaces kaya imposibleng papayag silang maungusan sila ng isa sa kanila. Kahit pa na ang pinakamalakas na Palace of Flame Demons ang kaniyang piliin, habang nasa loob siya ng Cloudy Brook Academy, siguradong pagkakaisahan siya ng iba pang mga kandidato. Huwag mo ring kakalimutan na mayroon mga taga ibang palasyon ang Cloudy Brook Academy na maaaring umatake sa bata."

Nakangiti ang matanda. Hanga siya kay Jun Wu Xie dahil sa taglay na talino nito.

"Pero iba ang mangyayari dahil sa Spirit Jade Palace ang kaniyang pinili. Kahit pa na piliin ng batang ito ang Spirit Jade Palace, alam ng lahat na wala nang pag-asang makabangon ang palasyong iyon kahit pa nasa kanila na ang bata. Isa pa, dahil sa pagpili niya sa Spirit Jade Palace, hindi lang niya maiiwasan ang galit ng labing-isang palasyon na hindi pinili kundi magpapatuloy rin ang Twelve Palaces sa pag-aagawan sa kaniya. Hindi ba't napakatalino niya?"


Load failed, please RETRY

Presentes

Presente -- Presente recebido

    Status de energia semanal

    Rank -- Ranking de Poder
    Stone -- Pedra de Poder

    Capítulos de desbloqueio em lote

    Índice

    Opções de exibição

    Fundo

    Fonte

    Tamanho

    Comentários do capítulo

    Escreva uma avaliação Status de leitura: C1524
    Falha ao postar. Tente novamente
    • Qualidade da Tradução
    • Estabilidade das atualizações
    • Desenvolvimento de Histórias
    • Design de Personagens
    • Antecedentes do mundo

    O escore total 0.0

    Resenha postada com sucesso! Leia mais resenhas
    Vote com Power Stone
    Rank NO.-- Ranking de Potência
    Stone -- Pedra de Poder
    Denunciar conteúdo impróprio
    Dica de erro

    Denunciar abuso

    Comentários do parágrafo

    Login