Baixar aplicativo
95% Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 1484: Spirit Jade Palace Lord (3)

Capítulo 1484: Spirit Jade Palace Lord (3)

Editor: LiberReverieGroup

"Tingin ko ay wala na tayong dapat pag-usapan pa. Kung wala ng iba pa, maari nang umalis

ang Young Master sapagkat ang Spirit Jade Palace ay hindi kailanman tumatanggap ng taga-

labas." Walang-galang na saad ng Lord ng Spirit Jade Palace, ang tono niya ay hangad na

palayasin na ang panauhin.

Subalit, si Jun Wu Xie ay hindi magmamaktol, sa halip ay nanatiling kalmado sa naharap na

katabangan at itinuon ang kaniyang malinaw at malamig na mata upang sukatin ang tamad na

Lord ng Spirit Jade Palace.

"Ang ipinag-aalala mo lang ay ang hamak na paggamit sa Spirit Jade Palace. Paano kung ganito

ang gawin natin?" Dahan-dahang itinaas ni Jun Wu Xie ang kaniyang kamay, isang mapilak na

puting liwanag ang unti-unting nagningning sa dulo ng kaniyang daliri. Sa ilang sandali, ang

preskong halimuyak ng lotus ay agad pinanaigan ang amoy sa loob ng Spirit Jade Palace. Isang

puro at malinaw na Imperial Snow Lotus ang pumailanlang sa palad ni Jun Wu Xie.

Gulat na napatitig ang Spirit Jade Palace Lord sa eksena na nasa kaniyang harapan, ang bote

ng alak na nasa kamay ay nahulog sa sahig, at ang Jade Nectar ay tumapon.

"Ikaw… Ikaw ay nagtataglay ng isang plant ring spirit?" Tanong ng Lord ng Spirit Jade Palace

habang hindi makapaqniwalang nakatitig kay Jun Wu Xie.

Bihirang makita ang plant type ring spirits at kahit taglay iyon ng isang tao, ngunit ang ilang

tao ay hindi iyon alam. Ngunit sa ibang dakilang kapangyarihan sa buong Middle Realm, ang

plant ring spirits ay kaakit-akit sa kanila.

"Sa nakikita mo, hinding-hindi ako pwedeng kasabay na makita kasama ang Twelve Palaces."

Walang sigla na saad ni Jun Wu Xie.

Hindi mahalaga kung susunod o lalabanan bila iyon, ang bihirang plant ring spirit ay haharap

na maging isang malaking tukso sa Twelve Palaces. Dahil sa oras na lamunin nila ang plant ring

spirit, ay magagawa nilang makamit ang mas malaking paglusong sa kanilang kapangyarihan!

Saglit na natahimik ang Spirit Jade Palace Lord habang tintitigan ang bahagyang nagliliwanag

na Imperial Snow Lotus, sa mata nito'y magkakahalo ang kumplikadong emosyon. Itinaas niya

ang mata upang masdan si Jun Wu xie, ang sulyap niya ay puno ng isang uri ng kilabot.

"Kaswal mo lamang na ipapakita sa aking harapan ang iyong ring spirit? Marahil kaya ay hindi

mo alam na ang aking Spirit Jade Palace ay minsang kabilang sa kasalukuyang Twelve Palaces?

Hindi ka ba natatakot na ako mismo ay gagawa ng pagkilos upang sa halip ay wasakin ka?"

Napataas ang kilay ni Jun Wu Xie, ngunit wala masking isang bakas ng kaba sa kaniyang

mukha.

Lumapit ang Spirit Jade Palace Lord kay Jun Wu Xie. Ang pangangatawan nito ay mataas at

balingkinitan, ang mahabang buhok ay nakalugay sa kaniyang balikat habang ang kasuotan

nitong may mantsa ng alak ay bahagyang nakabukas. Bagaman ang halimuyak ng alak ay

nandito, ang Palace Lord ay naglabas ng malakas na mapaniil na aura.

"Bata, alam kong nagtataglay ka ng mahalagang kapangyarihan. Ngunit sa kaunting lakas na

mayroon ka, ay wala iyong halaga sa lugar na ito." Malamig na saad ng Spirit Jade Palace, ang

kaakit-akit na mata ay bahagyang naningkit.

"Kung hangad ko ang iyong buhay, ay mamamatay ka dito mismo ngayon." Itinaas ng Lord ng

Spirit Jade Palace ang kaniyang kamay at iligay iyon sa leeg ni Jun Wu Xie. Ngunit may isang

sandali na pagpupumiglas sa kaniyang mata at sa huli ay hindi nagawang hawakan maski

kaunti si Jun Wu Xie.

"Kung nais mo talaga na magdusa habang-buhay ang iyong mga disipulo ng Spirit Jade Palace

sa matinding kahihiyan mula sa Twelve Palaces, kung gayon ay maari mo na akong patayin

dito. Ang Spirit Jade Palace ay iyong pagmamay-ari at ang mga dsipulong iyon ay nasa sa iyo

upang utusan dahil sa iyong palagay ay nararapat ka. Ngunit kung hindi mo sila nakikita bilang

tao, bakit kailangan na ang isang tulad ko na taga-labas ay kinailangan na makialam sa iyong

mga gawain?" Walang katakot-takot si Jun Wu Xie, ang malamig na pares ng mata niya ay

diretsong nakatingin sa kaakit-akit na mukhang malapit sa kaniya.

Tahimik na nakatitig ang Lord ng Spirit Jade Palace kay Jun Wu Xie, nakakuyom ang kamao na

nasa gilid at gumawa iyon ng malulutong na tunog dahil sa tindi ng pagkakapisil. At lumabas

ang mga salitang ito sa maliliit na awang sa naninigas niyang labi.

"Kailan ko sinabi na hindi tao ang tingin ko sa kanila?"

Naningkit ang mata ni Jun Wu Xie at tumugon: " Oh? Kung hindi ako dumating sa tamang oras

kanina, natatakot ako na ang iyong disipulo ay walang-awa na pinaglaruan ng grupong iyon

mula sa Twelve Palaces. Masisisi niya lang iyon sa katotohanan na ang kaniyang katapatan sa

isang lugar na duwag na nagtatago sa lungga, ngunit ang puso niya ay hindi matitinag sa

pagtatanggol sa reputasyon ng bulok at di-nararapat na lugar na ito."


Load failed, please RETRY

Presentes

Presente -- Presente recebido

    Status de energia semanal

    Rank -- Ranking de Poder
    Stone -- Pedra de Poder

    Capítulos de desbloqueio em lote

    Índice

    Opções de exibição

    Fundo

    Fonte

    Tamanho

    Comentários do capítulo

    Escreva uma avaliação Status de leitura: C1484
    Falha ao postar. Tente novamente
    • Qualidade da Tradução
    • Estabilidade das atualizações
    • Desenvolvimento de Histórias
    • Design de Personagens
    • Antecedentes do mundo

    O escore total 0.0

    Resenha postada com sucesso! Leia mais resenhas
    Vote com Power Stone
    Rank NO.-- Ranking de Potência
    Stone -- Pedra de Poder
    Denunciar conteúdo impróprio
    Dica de erro

    Denunciar abuso

    Comentários do parágrafo

    Login