Ang mga takas na nagsalita kanina ay napagtanto ang kamailan sa kanilang mga nagawa at
nais lumapit kay Jun Wu Xie upang humingi ng tawad ngunit walang lakas ng loob na harapin
ito. Bago nagawa ni Jun Wu Xie ang di-maipagkakailang ebidensiya, sila ay bahagyang
nagdududa at nag-aalangan at ilan sa kanila ay paniwalang-paniwala sa mga sinabi ng City
Lord ng mga oras na iyon, bulag na naniwala. Silang lahat ay nasampal sa mukha at ngayon ay
nakita ang mga sarili na wala silang lakas ng loob upang magsabi kahit isang salita lamang kay
Jun Wu Xie.
Sa kabilang banda, si Jun Wu Xie ay walang sinabi sa halip ay tumalikod na upang umalis. Ang
mga takas na naiwan ay walang magawa kundi ang masdan siya, pinanood ang papalayong
anyo ni Jun Wu Xie sa lugar na iyon.
Ag City Lord ay nagmumura sa buong daan nito pabalik. Siya ay talagang napahiya sa
pagkakataong iyon. Hindi na nga siya nagtagumpay na makuha ang mga kabahayan na iyon sa
kamay ni Jun Wu Xie, napilitan pa siyang ipakita ang tunay na pagkatao sa harapan ng mga
takas na iyon na mas lalong nagpangitngit sa City Lord.
"Kayong lahat ay mga walang kuwentang basura! Napakaraming tao ang pinaslang at wala
man lang sa inyo ang nagawang makahanap maski isang palatandaan! Ano pang ginagawa
niyong lahat dito!? Magsilayas kayo sa harapan ko! Nayayamot akong makita kayo!" Bulyaw
ng City Lord, kinagalitan niya lahat ng mga kawal na iyon habang palusob na pumasok sa City
Lord's Manor.
Napakatahimik sa loob ng City Lord's Manor. Nakabalik na ang City Lord ngunit wala parin
siyang nasisilayan maski isang tagasilbi na nagmamadali upang batiin siya, at mas lalong
nagalit ang nanggagalaiti niyang puso.
"Pumanaw na ba lahat ng tao dito!? Wala ba maski isa sa inyo ang lalabas dito ngayon din!?"
Malakas na paalala ng City Lord habang naglalakad papasok sa bulwagan. Ngunit sa sandaling
tumapak siya sa loob ng bulwagan, bigla siyang nanigas sa matinding gulat!
Sa isang upuan sa malaking bulwagan na iyon, isang kabataan na may kaakit-akit na hitsura
ang maginhawang nakaupo sa gitna. At ang kabataan na nakaupo doon ay ang parehong
kabataan na nakasalamuha niya sa hilagang siyudad, si Jun Wu Xie!!
Halos lumundag palabas sa dibdib ang puso ng City Lord!
Nais niyang tumakbo palabas ng pintuan ngunit ang anyo ni Ye Sha ay tahimik na nagtungo na
sa kaniyang likuran at nagtaas ng isang paa, marahas niyang tinadyakan ang City Lord sa
likuran nito, na agad nagdala sa City Lord sa mismong harapan ni Jun Wu Xie na nakasubsob
ang mukha.
Umangat ang mata ni Jun Wu Xie upang masdan ang namumutlang City Lord, bago niya
dahadahang ibinaba sa lamesa ang tasa na tangan niya sa kaniyang kamay.
"Naku, hindi ba't ang kagalang-galang na City Lord ay napakaagresibo at napakahambog kani-
kanina lamang? Bakit ang pangit na ng kulay ng iyong mukha ngayon? Iniisip ko dahil
napakaraming krimen ang nais mo idiin sa akin, marahil ay dalhin ko na mismo ang aking sarili
sa iyo at bigyan ka ng pagkakataon upang usisain akong mabuti. Hindi ba't napakaganda
noon?" Ang mata ni Jun Wu Xie ay bahagyang naningkit at ang boses niya ay mahina lamang.
Ngunit nang ang mga salitang iyon ay nakarating sa tainga ng City Lord, tila isa iyong bulong na
mula sa bibig ng diyablo, nagdala ng kilabot sa kaniyang buto.
"A… Ano… Anong gagawin mo…" Abala ang City Lord sa pagtayo ngunit bago pa man niya
tuluyang mapatatag ang sarili, ay muli siyang tinadyakan ni Ye Sha sa likuran ng kaniyang
tuhod at muli ay nabuwal sa lupa na nakaluhod sa harapan ni Jun Wu Xie.
Ang likuran ng kaniyang tuhod ay pumipintig dahil sa mayinding kirot na parang tuluyan iyong
nadurog ni Ye Sha. Malalaking butil ng pawis ang tumagaktak mula sa noo ng City Lord habang
nagsisikap, pinipilit na makagalaw.
"Kung hindi mo kayang lumuhod ng maayos, hindi ako magdadalawang isip na baliin ang
dalawang binti mo upang manatili kang nakaluhod buong buhay mo." Ang malamig na boses
ni Jun Wu Xie ay tumama na parang kidlat sa puso ng City Lord, sa sobrang takot ay hindi na
ito nangahas na gumalaw maski isang pulgada.
Nasisiyahan na napatingin si Jun Wu Xie sa City Lord at sinabi: "Mabuti, maari mo na simulan
ang interogasyon ngayon."
Walang ibang maramdaman ang City Lord kundi ang pagnais na umiyak. Hindi kailanman nito
nasubukan na tanungin ang kahit sino sa ganoong paraan sa tang buhay niya. Pinanatili siyang
nakaluhod habang ang taong tinatanong ay nakaupo sa kaniyang harapan, tinitigan siya sa
isang mataas na dako.
Ipinatong ni Jun Wu Xie ang baba sa kaniyang palad at tinitigan siya na naniningkit ang mga
mata, maya-maya ay nagtanong si Jun Wu Xie: "Si Luo Xi ba ang nag-utos sa'yo upang guluhin
ako?