Para sa ilang mga takas na ibinuka ang mga bibig nila kanian upang sabihin sa City Lord ang
mga naganap, ang mga mukha nila ay biglang namutla, ang mga mata nila ay matindi ang
gulat.
"Oh?" Bahagyang napataas ang kilay ni Jun Wu Xie habang nakatingin sa City Lord na hindi na
kayang pigilan ang sarili at sumagot ng di-nababahala: "Walang nangyaring ganoon. Kung
hindi naniniwala ang City Lord sa akin, malaya kang makakapaghagilap sa bawat sulok ng lugar
na ito at kung may mahanap kang bangkay dito, bukas sa loob ko na mahatulan na
mamamatay tao."
"Mga kawal! Halughugin ang buong lugar! Nais kong gawin ninyo iyon ng maayos! Wala dapat
malaktawan maski isang lugar!" Saad ng City Lord sa nangangalit na ngipin habang nakatitig
kay Jun Wu Xie. At sa utos na iyon, ang mga kawal na isinama ng City Lord ay naglapitan
papunta sa kaniya.
Ang mga takas ay nanatiling nakatayo sa kanilang kinatatayuan at tahimik dahil sa takot. Ang
ilan sa kanila na matabil kanina, ngayon ay namumutla, nagtatagis ang mga bagang habang
nanginginig ang tuhod, ang puso ay puno ng walang katapusan na pangongonsensiya. Hindi
nila naisip maski minsan na ang utak nilang isip-bata ay magdadala ng kapahamakan sa
kanilang tagapagtaguyod, at ang mas di-inaasahan ay ang kanilang "mabuting" City Lord ay
biglang nagbago at naging ibang tao, ang baliktarin ang kaniyang mga sinabi ng hindi man lang
kumukurap!
Saglit lamang ang kinailangan upang ang mabuting imahe ng City Lord ay tuluyang masira sa
puso ng mga takas. Ang akusasyon na ibinato kay Jun Wu Xie ay mabilis at tuwirang sinalungat
ni Young Master Jun at ang City Lord ay idiniin ang krimen na pagpatay sa ulo ni Jun Wu Xie.
Maliban na lang kung ang isa ay tunay na hangal, dahil sino ang hindi makakapansin na
sinasadya ng City Lord na maghanap ng kasalanan kay Jun Wu Xie?
Ang sulyap ng mga takas na nakatuon sa City Lord ay sinasabi ang nilalaman ng kanilang mga
puso sa mga sandaling iyon. Ang mga pares ng mata na nakatingin lahat sa City Lord ay hindi
na kakikitaan ng paggalang at pasasalamat.
Ngunit wala nang pakialam ang City Lord. Sa kaniyang paningin, lahat ng mga takas na ito ay
hindi na mabubuhay ng ilang araw pa at ang mga ito'y nakatakdang mamatay kalaunan. Sa
oras na ang grupong ito ay mamatay na lahat, sa mata ng mga parating na mga takas sa
siyudad, ay mananatili siyang muli na "mabuting" City Lord.
Ang City Lord ay determinadong makulong si Jun Wu Xie sa piitan at sa oras na maidiin niya
ang krimen na pagpatay sa binatilyo, ay magkakaroon siya ng magandang dahilan upang
kumpiskahin lahat ng magagandang kabahayan na ito.
Ngunit matapos ang dalawang oras na paghahanap ng mga kawal at maingat na pagsisiyasat
sa bawat tagong dako at mga sulok ng mga kabahayan mula sa itaas hanggang baba, ay wala
silang nahanap kahit kaunting bakas ng anumang bangkay. Hindi rin nila nagawang makakita
maski isang patak ng dugo.
Dahil sa reultang iyon, ay natigagal sa matinding gulat ang City Lord. Si Liu Er at mga tauhan
nito ay pinaslang ni Jun Wu Xie kanina lamang at ayon sa sinabi ng mga takas, si Liu Er at mga
tauhan nito ay namatay ng kahabag-habag na kamatayan at ang dugo ng mga ito ay sumaboy
sa lupa. Nangyari iyon ilang oras lamang ang nakakaraan at kahit na naging handa si Jun Wu
Xie, ay napakaimposible na lahat ng mga bakas ng kamatayan ng mga iyon ay tuluyang
nabura.
"Maghanap kayong muli! Ngayon, hukayin ninyo bawat lupa sa lugar na ito!" Nagtagis ang
bagang ng City Lord at masamang tinitigan si Jun Wu Xie. Ang mukha ni Jun Wu Xie ay
malamig pa rin tulad ng dati. Ang kawalang-bahala na kalmang iyon, ay mas lalong ginatungan
ang nagliliyab na apoy sa kaibuturan ng City Lord.
Ngunit matapos maghukay ng mga kawal ng tatlong talampakan sa lupa, ay wala pa rin iyon
naging resulta. Napilitang manatili ang City Lord sa hilagang siyudad hanggang sa maging
maulap ang buwan ngunit hindi pa rin nito nagawang makakita ng ebidensiya na kaniyang
hinahanap.
Walang nakuha na kahit ano, ang City Lord ay halos nais nang daklutin ang kuwelyo ni Jun Wu
Xie upang tanungin kung saan nakatago ang mga bangkay na iyon!
"Nasiyahan ka na?" Tanong ni Jun Wu Xie na naka-krus ang mga braso sa dibdib, kalmado at
mahinahon habang nakatitig sa City Lord na nakangiw ang bibig, ang malinaw na mga mata
niya ay nakakakilabot.
Lihim na nilangutngot ng City Lord ang kaniyang ngipin ngunit walang nahanap na
pagkakataon upang gumawa siya ng gulo at ang tanging nagawa ay pandilatan si Jun Wu Xie
bago tumalikod at umalis na bahag ang buntot.
Hindi lamang sa kakaiba iyon para sa City Lord, ngunit lahaqt ng mga takas na nakasaksi
mismo sa pagpaslang kay Liu Er at grupo nito ay talagang naguluhan kahit anong pag-iisip ang
gawin nila. Hindi nila maunawaan kung kailan at paano nagawang burahin ni Jun Wu Xie ang
bawat bakas ng ebidensiya.