Baixar aplicativo
92.63% Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 1447: Baliktarin ang Katotohanan ng Kasinungalingan (3)

Capítulo 1447: Baliktarin ang Katotohanan ng Kasinungalingan (3)

Editor: LiberReverieGroup

Ang biglang pagpapakita ni Ye Sha ay naging dahilan upang ang mukha ng City Lord ay

dumilim. Ang mataas na anyo ni Ye Sha kasama ang malamig at mabagsik na mukha ay

nagdulot sa mga tao ng hindi makitang uri ng panggigipit.

"Sa kung kanino talaga ang lugar na ito ay mahahantad sa lahat maya-maya." Saad ni Jun Wu

Xie na may masamang kislap sa mata.

Biglang nakaramdam ng masama ang City Lord sa kaniyang puso.

Biglang naglabas si Ye Sha ng makapal na bunton ng mga papel at nang mailabas ang mga

papel na iyon, agad na nag-iba ang kulay ng mukha ng City Lord!

"Narito ang mga titulo ng mga kabahayan at ito ang titulo ng lupa kung saan itinayo ang mga

bahay. Ito ang mga kuwenta para sa pagtatayo ng lahat ng mga kabahayan at bawat isa sa

mga papel na ito ay tinatakan ng bakas ng kamay ng nagbenta." Saad ni Jun Wu Xie habang

malamig na nakatitig sa namumutlang mukha ng City Lord bago siya lumingo at tumango kay

Ye Sha, at isa-isang ipinakita ni Ye Sha ang mga kontrata sa lahat ng naroon.

Ang mga nakasulat sa itim na tinta ay malinaw sa puting papel na bawat pulgada ng lupain

doon ay pag-aari ni "Jun Wu", na maaring pangalan na ginawa ni Jun Wu Xie!

Dahil sa malinaw at di-maipagkakailang ebidensiya, ay agad naging sampal iyon na tumama sa

mukha ng City Lord. Ang mga takas na nag-alinlangan ay biglang napuno ang mata ng

matinding pagkagulat matapos makita ang mga kontrata, ang pagdududa sa kanilang mga

mata ay mabilis na napalis habang nililingon ang City Lord.

"Kung hindi ka naniniwala sa akin, maaring sunduin ng City Lord ang tagabantay sa tindahan

na nakatayo sa tabi ng opisina ng mahistrado upang patibayin na ang mga bakas ng kamay na

ito ay mula sa kaniya." Saad ni Jun Wu Xie na bahagyang nakataas ang baba. Nang bilhin niya

ang mga lupaing ito, ay gumawa siya ng buo at matibay na paghahanda para pangalagaan ang

kaniyang sarili sa mga pangyayaring tulad nito!

Biglang natahimik ang City Lord habang ang mata ng mga takas na nakapalibot sa kanila ay

nagdududang tinitigan siya. Sa simula ay nais niyang gamiting dahilan na ang mga asyendang

nakatayo doon ay tinibag at nais na kunin ang mga lupa doon, ngunit nakalimutan niya na si

Jun Wu Xie ay gumastos ng napakaling halaga noon, hindi lamang upang bilihin ang mga titulo

ng mga asyenda!

Hawak din niya ang titulo ng mga lupa sa susunod na limampung taon!

Ang pagganti ni Jun Wu Xie ay isinagawa ng mabilis at malinis, napakahusay na agad nitong

binarahan ang mga dahilan ng City Lord.

Nakita ang mukha ng City Lord na sa matinding pamumutla ay naging berde na ito, ang tuwa

na natanggap niya sa pagtanggap ng mga barang ginto ay tuluyang nawala ng mga sandaling

iyon, at ang naiwan lamang ay ang matinding udyok sa kaniyang utak, walang ibang hangad

kundi ang kaladkarin ang tagabantay ng tindahan sa kaniyang harapan at bugbugin iyon

hanggang sa mamatay!

"Kung wala ka ng ibang sadya ay maari nang umalis ngayon ang City Lord." Saad ni Jun Wu Xie

habang ang sulyap ay natuon sa City Lord na ngayon ay sobrang putla na ng mukha dahil sa

pagpipigil sa sarili, ang mata niya ay nakakakilabot na kumislap.

Ang subukan ang mga walang-kuwentang panlilinlang tulad ng paglalang sa isang tao para sa

isang krimen, ang matabang baboy na iyon ay hilaw pa.

Nang makita na tumalikod na si Jun Wu Xie at paalis na, ang puso ng City Lord ay biglang nag-

alab. Bilang Lord ng Clear Breeze City, hindi mahala kung sa nakaraan o kasalukuyan, sa

harapan ng kagalang-galang at ni Luo Xi lamang siya magpakumbabang luluhod! Hindi

kailanman siya dapat magdusa ng ganoong walang-pakundagang kahihiyan!

Ang binatang ito na bigla na lamang dumating mula sa kawalan at lakas loob na sampalin siya

nang napakalakas sa mukha niya ngayon! Paano niya tatanggapin lahat ng iyon na parang wala

lang!?

"Sandali lang!" Naningkit ang mata ng City Lord habang nakatitig kay Jun Wu Xie, nag-aapoy

ang mata ng makamandag na kilabot.

"Young Master Jun, ang mga sinabi ko kanina ay paraan ko lamang upang bigyan ka ng

pagkakataon na makawala sa kahiya-hiyang sitwasyong ito dahil hindi iyon ang tunay na

dahilan kung bakit kita hinahanap! Ang mga taong narito ay sinabi sa akin na nilusob at

pinaslang mo ang higit sa sampung mamamayan ng Clear Breeze City! Tungkol dito! Ano ang

masasabi mo!?" Galit na galit ang City Lord at wala na siyang pakialam sa kahit ano pa man,

agad pinunit ang mabuti at mapagkawanggawang maskara.

Ang mata ng lahat ng mga takas na nakatayo sa paligid nila ay biglang nanlaki. [Hindi… Hindi

iyon ang sinabi ng City Lord kanina!!!]

Dahil sa paniniwala na ang "mabuting" City Lord ay nagtungo doon upang pasalamatan si

Young Master Jun para sa pagpapakabayani na ginawa nito kung saan binura niya ang mga

sanggano, ang mga takas ay hindi makapaniwala na naging isip-bata silang masyado at itinulak

ang kanilang tagapagtaguyod sa pangil ng tigre!


Load failed, please RETRY

Presentes

Presente -- Presente recebido

    Status de energia semanal

    Rank -- Ranking de Poder
    Stone -- Pedra de Poder

    Capítulos de desbloqueio em lote

    Índice

    Opções de exibição

    Fundo

    Fonte

    Tamanho

    Comentários do capítulo

    Escreva uma avaliação Status de leitura: C1447
    Falha ao postar. Tente novamente
    • Qualidade da Tradução
    • Estabilidade das atualizações
    • Desenvolvimento de Histórias
    • Design de Personagens
    • Antecedentes do mundo

    O escore total 0.0

    Resenha postada com sucesso! Leia mais resenhas
    Vote com Power Stone
    Rank NO.-- Ranking de Potência
    Stone -- Pedra de Poder
    Denunciar conteúdo impróprio
    Dica de erro

    Denunciar abuso

    Comentários do parágrafo

    Login