Ang ganoong sitwasyon ay hindi pa nangyayari noon. Ang Flamboyant Palace ay ipinapadala
ang kanilang mga tauhan dito upang magsaliksik ngunit wala silang nakitang bakas ng kanilang
miyembro. Ito ay isang punto na lubos na kahina-hinala at iniugnay nila ito sa nangyaring
kaguluhan sa Lower Realm noon, nang magsimulang magalit ang iba pang palaces nang
nawala ang kanilang mapa at nagkaroon na sila ng masamang hinala.
Tulad ng naisip nila, nakatagpo lamang nila ang mga tao mula sa Flame Demons sa
paglalakbay na ito at agad nilang sinalakay ang grupo.
Mas naging matindi ang labanan nang lumitaw ang pangkat mula sa Soul Return Palaces.
"Ang anak ng mga lola mula sa Flame Demons Palace ay talagang inaaakala na tayo ay
pagmamay-ari na nila. Tama ang Elders, lahat ng taong ipinadala natin dito ay maaaring
sinalakay ng mga bastardo mula sa Flame Demons Palace." Ang mga tao ng Flamboyant Palace
ay nagngangalit at sila ay handang mamatay sa paghahanap sa libingan ng Dark Emperor. Sa
mga taong naririto, ang tagapagmana ng katapatan at pagmamahal sa Flamboyant Palace ay
nagparamdam sa kanila na ang pagbubuwis ng buhay ay tanda ng pag-aalay ng sarili.
Ngunit ang mamatay sa mga kamay ng mga tao mula sa ibang palasyo ay hindi katanggap
tanggap!
"Wala nang saysay ang mga sinasabi natin ngayon. Wala tayong panahon upang pagaksayahan
ng oras ang mga taong ito mula sa Flame Demons Palace. Samantalahin natin ang
pagkakataon habang ang Lower Realm ay nasa gitna ng kaguluhan at sa halip ay mabilis na
magagambala ang ibang mga palasyo sa paghahananap sa libingan ng Dark Emperor." Maingat
na sinabi ng pinuno ng mga pangkat.
Ang mga tao mula sa Flamboyant Palace ay tumango at matapos nilang kumalma,
naramdaman nila ang sobrang lamig sa ilalim ng Heaven's Cliff at sila ay nangatog at wala
silang nagawa kundi tawagin ang kanilang spirit powers upang painitin ang katawan nila.
Hindi ito ang unang pagkakataon na bumaba ang grupo sa ilalim ng Heaven's End Cliff.
Nagpunta na sila dito noon kasama ng dati nilang miyembro ngunit karamihan sa kanila ay
binawian na ng buhay dito. Hindi nila natagpuan ang libingan ng Dark Emperor ngunit
masuwerte silang nakaligtas at nakabalik sa Flamboyant Palace. Sa pagkakataong ito, ang
Flamboyant palace ay tinipon ang lahat ng mga bihasa upang sila ay magsama-sama at nabuo
ang isang pangkat ng limang daang tao upang bumalik sa sa ilalim ng Heaven's End Cliff.
Ito ay maituturing na isang napakalaking puwersa, ngunit sa kasamaang palad, sa ika-sampung
araw matapos silang makababa sa Heaven's End Cliff ay nakatagpo sila ng isang pangkat mula
sa Flame Demons Palace at nabawasan sila ng mahigit sa kalahati, halos dalawang daan na
lamang ang natira.
Silang lahat ay marami nang karanasan kung kayat ang pagpunta sa Heaven's End Cliff ay
hindi mahirap na atas para sa kanila. Bagaman wala silang hawak na mapa, ngunit batay sa
napakaraming ekpedisyon na ipinadala ng Flamboyant Palace sa lugar na ito sa nakalipas na
siglo at sa mga lugar na unti unting natuklasan ng mga tao , ang grupo ay nakatuklas ng
bahagyang ligtas na daan .
Hanggang sa narating nila ang isang lugar na puno ng yelo….
Ang matalim at matulis na yelo ay naghahatid ng panginginig sa mga taong tumitingin dito.At
ang mas lalo pa nilang ikinagulat ng mga tao mula sa Flamboyant Palaces ay, sa isang pamilyar
na daanan na kanilang tinatahak, sa may makapal na hamog, ay naaaninag nila ang ilang hugis
ng mga tao!
"Sino ang nariyan!" Ang pinuno ng pangkat ay sumigaw at nagbabala, ang mga tao sa likuran
niya ay naghahanda uapang magbantay.
Ngunit matapos maghintay ng matagal ay wala pa rin siyang naririnig na tugon. Ang madilim
at malabong hugis ay nananatiling nakatago sa kadiliman at hindi gumagalaw.
Bumulong ang isa sa mga tauhan at iminungkahi: " Mukhang hindi maganda ang nangyayari.
Subukan kaya muna natin itong silipin?"
Ang mukha ng pinuno ng pangkat ay saglit na nakasimangot paano niya inutusan ang kaniyang
mga tauhan na ihagis ang Spirit Fire Globes, upang mailawan ang ang makapal na yelo sa
harapan nila.
At maaari silang magulat at sumigaw sa kanilang makikita.
"Inay ko po!!!" Ang mahihina ang loob ay agad na napaluhod, ang mukha nila ay takot na
takot at ang kanilang mga mata ay halos lumuwa.
Sa magkakapatong na yelo sa kanilang harapan, ay hindi mabilang ang mga bangkay na
nakatusok sa matutulis na yelo. Ang mga katawan ay nakabaligtad, ang ulo nila ay nakaharap
sa lupa at ang matutulis na yelo ay nakatusok sa kanilang bibig at nagkakalat ang mga dugo
dito!