Ang tunog na iyon ay mahina habang umaalingawngaw ito sa hungkag na libingan, ngunit ang
tunog na iyon ay nagdala ng kilabot sa sinumang makakarinig at ang pusang itim ay
nahintakutan agad na hinimatay, nalaglag mula sa balikat ni Jun Wu Xie. Mabuti na lamang at
naging maagap si Jun Wu Xie kaya nasalo niya ang nalaglag na pusa sa kaniyang mga kamay.
Nang makita ang pusang itim na walang malay sa kaniyang braso, walang mahanap na salita si
Jun Wu Xie kung ano ang nararamdaman niya ng mga sandaling iyon.
Bilang isang spirit body, ang mahimatay sa matinding takot dahil sa isang hamak na mahinang
ingit, gaanong "kahingiyawan" iyon. (Translator Note: patawad, hindi mapigilan. Patawad sa
salitang ginamit.)
Muling kumilos si Poppy na parang isang pulang liwanag habang pabalik sa madilim na
daanan.
Nang siya ay nakatayo na sa harapan ni Jun Wu Xie, may hawak si Jun Wu Xie na hindi
matukoy sa kaniyang kamay.
"Isang munting bagay lamang. Walang dapat ikatakot." Saad ni Poppy at napataas ang
kaniyang kilay nang makita ang pusang itim na nawalan ng malay sa braso ni Jun Wu Xie dahil
sa takot habang inaalog ang hindi mawaring bagay sa kaniyang kamay.
Ang kakatwang ingit ay muling narinig.
"Squeak… Squeak…"
Si Poppy ay may hawak na balahibong bola na nilalang sa kaniyang kamay. Ang munting
mabalahibong bola ay may kulay na parang sa isang hinog na trigo na may mga bakas ng ginto,
ang sukat nito ay kasinglaki ng palad.
Dahil sa mahigpit na pagkakahawak ni Poppy, ang kulay trigo na mabalahibong bola ay walang
tigil sa panginginig.
Tinitigan ni Jun Wu Xie ang mabalahibong bola at ang sulok ng kaniyang bibig ay napangiwi.
Ang munting balahibong bola ay hindi nakakatakot maski bahagya kahit saan iyon tingnan at
ang pusang itim ay nawalan ng malay dahil tinatakot lamang nito ang sarili. Sa totoo lang iyon
ay…
"Ano iyan?" Tanong ni Little Lotus habang mausisang kinurap ang mga mata, interesado
tungkol sa mabalahibong bola. Tungkol sa katapangan, si Little Lotus ay higit na mas
matatakutin kumpara sa pusang itim. Ngunit bilang isang spirit body, hindi lang ito takot sa
"multo"! Para sa kaniya bilang isang ring spirit, ang mga "multo" sa diwa ay katulad din niya,
at wala siyang maisip na dahilan upang matakot siya doon.
"Multo ba iyan?" Tanong ni Little Lotus habang tinutusok ang mabalahibong bola. Nang
tusukin ang mabalahibong bola, ay agad itong nanginig at ang kaawa-awang ingit nito ay
muling narinig.
"Maaring isa itong ring spirit." Saad ni Poppy habang inilalagay ang mabalahibong bola sa
kaniyang palad, at hinagis iyon sa ere.
Nang makita ang sarili na nakabitin sa ere, nagulat ang mabalahibong bola at agad na inunat
ang sarili!
Sa wakas ay malinaw na nakita ni Jun Wu Xie kung ano ang mabalahibong bola.
"Isang dagang costa?" Bulalas ni Jun Wu Xie na nakataas ang kilay dahil sa pagkagulat.
Nakatingin sa nilalang sa ere na nahulog sa palad ni Poppy, ang apat na munting binti nito ay
patag na bumuka habang tahimik na nanginginig. Nagsimulang maghinala ni Jun Wu Xie na
nakakakita siya ng mga bagay-bagay.
Ang hindi matukoy na mabalahibong bola na takot na takot ay isang dagang costa tulad ng
mga daga na inalagaan niya sa tindahan ng mga hayop sa nakaraang buhay niya?
Ngunit iyon ay higit na mas malaki sa karaniwang dagang costa ngunit ilang beses na mas
maliit kaysa dagang-puti.
"Dagang costa? Ano iyon?" Tanong ni Little Lotus, itinaas nito ang ulo upang tumingin kay Jun
Wu Xie, ang malaking mata nito ay puno ng katanungan.
Ginamit ni Poppy ang kaniyang daliri upang tusukin ang dagang costa na halos mawalan ng
diwa sa sobrang takot at sinabi: "Maaring ito ay isang uri ng Hell Rodent na ring spirit. Isa rin
itong uri ng ring spirit ngunit matagal na nang ang ganitong uri ng ring spirit ay nagpakita.
Maging sa Spirit World, ang ganitong uri ng ring spirit ay malapit na mawala at hindi ko naisip
na makakakita ako ng isa dito. Ayon sa kuwento, ang Hell Rodent na uri ng ring spirit ay tugma
sa mga tao na mula sa pambihirang angkan ngunit ang angkan na iyon ay malapit na din
mawala at ang mga Hell Rodents ay sabay na mawawala ng mga ito."
"Pambihirang angkan?" Tanong ni Jun Wu Xie habang nakamasid kay Poppy. Marahil sa
pananakot na ibinigay ni Jun Wu Yao dito noo ngunit si Poppy ay tila mas disiplinado na
ngayon.
Tumango si Poppy at nakangiting sinabi: "Tulad ni Hua Yao na mula sa Bone Shifters Tribe. Ang
mga tao mula sa angkan na iyon kadalasan ay tugma sa ring spirits na may kinalaman sa buto
habang ang mga tao mula sa angkan ng Spirit Soul ay madalas na kaparis ng spirit type nsa
ring spirit."