Habang minamasdan ang mga mural na iyon, ay mas naintindihan ni Jun Wu Xie ang uri ng
estado ng Dark Emperor sa puso ng mga tao sa Dark Regions. Hindi lamang niya ang pinuno
nila, ngunit sa puso ng mga tao mula sa Dark Regions, mas mainam sabihin na isa itong diyos.
Namamangha sila dito, sinasamba ito, iginagalang , at sa kanilang mga mata, ang Dark
Emperor ay isang makapangyarihan na diyos.
Sa mga inukit na bato, bukod sa katotohanan na ang Dark Emperor ay laging nakatayo sa
napakaraming tao, ang ibang tao ay mapagpakumbaba at talagang tapat sa kaniya.
Ang alaala ng mga miyembro ng kulto nakakatakot ang katapatan mula sa nakaraang buhay
niya ay biglang pumasok sa isip ni Jun Wu Xie. Ang mga taong iyon ay hadang isakripisyo ang
lahat para sa diyos na iginagalang nila sa kanilang mga isipan. Ngunit dahil hindi naniniwala si
Jun Wu Xie sa anumang uri ng relihiyon, hindi siya nakaramdam ng anumang pagtutol doon.
Bagaman hindi siya naniniwa sa mga iyon, ay iginagalang niya ang pananalig ng iba.
Ang libingan ng Dark Emperor ang napakalawak at nang siya ay nasa loob na nito saka niya
naramdaman kung gaano iyon kalaki. Kalahating oras naglakad si Jun Wu Xie bago niya
narating ang dulo ng isang pasilyo at ngayon ay natingin siya sa isa na namang daanan na tila
walang katapusan. Sa ilalim ng mapanglaw na liwanag ng apoy, ang daanang iyon ay nakalatag
na tila wang katapusan, ang haligi at biga ay maayos na nagsalitan. Imposibleng malaman
kung saan siya patungo bago pa niya makita ang daan palabas. Doon napansin ni Jun Wu Xie
na sa magkabilang-panig ng mga pader ay mayroong patungan na hugis mga kuko at may
nakalagay na purple orbs. Ang mga orbs ay napakagandang pagmasdan at lahat ng mga iyon
ay kasinglaki ng bola ng tenis. Ang makinis na ibabaw nito ay mapapansin sa malamlam na
sinag ng apoy.
Hindi iyon isang perlas, o isang gem. Hindi iyon matukoy.
Ang dalawang maayos na hanay ay mahigpit na nakalagay sa mga pader, ang bawat purple orb
ay pare-pareho ang sukat. Sa isang dako lamang ng pasilyo, ay may ilang libo ng mga iyon at
hindi na mahalaga kung sa anong materyal gawa ang mga orb na iyon, ang antas ng
kayamanan na ipinapakita ng mga orbs ay isang bagay na hindi kailangang pagdudahan.
Ang Dark Emperoray minsang kinamkam ang mga kayamanan ng Middle Realm at nang ito'y
pumanaw, ang kaniyang mga tao ay inilibing ang bawat isang kayamanan kasama ang libingan,
hindi nag-iwan maski isa. Sa unang tingin, ang loob ng libingan ng Dark Emperor ay hindi
ganoon karangya, ngunit kung mamasdang mabuti, ay matatanto na sa bawat sulok ng lugar
na ito, ay makikita mo ang lahat ng uri ng mahahalaga at walang-katumbas na mga
kayamanan.
Ang mga ginto at pilak sa lugar na iyon ay masasabing hindi ganoon kahalaga sapagkat ang
mas mahalagang Black Gold at Black Silver ay makikita sa buong lugar, ginamit na palamuti sa
loob. Minsang sinabi ni Fan Zhuo na ang halaga ng Black Silver kumpara sa ginto ay higit na
mas mataas ng ilang beses.
Ang piraso ng bato na napanalunan ni Jun Wu Xie sa auction na nagkakahalaga ng pitong
daang libong taels ay umani lamang ng napakaliit na Black Silver ngunit dito sa libingan ng
Dark Emperor, maging ang hugis kuko na patungan na nasa may pader ay gawa sa Black Silver.
Ang halaga ng isa sa mga patungan na iyon ay siguradong nagkakahalaga ng kulang-kulang
isang milyong taels.
At sa loob ng libingan ng Dark Emperor tila ang mga patungan na iyon ay nililok sa Black Silver
na may bilang na sampung libo o kaya daang libo.
Ang yaman na mayroon ang Dark Emperor ay hindi kayang isipin ng isang pangkaraniwang tao.
Ayon sa kaniyang kalkulasyon, tantiya ni Jun Wu Xie na ang kasalukuyang posisyon niya ay
nasa labas na dako pa ng libingan ng Dark Emperor at ang pinakamalayo. Ngunit ganun pa
man, ang mga nakita niya sa lugar ay talagang gumulat na sa kaniya.
"Hindi na nakakapagtaka kung bakit ang mga tao sa Middle Realm ay iginagalang ang Dark
Emperor na may matinding alab." Komento ni Jun Wu Xie habang minamasdan lahat ng
kaniyang madaanan. Ang halaga ng mga bagay sa isang pulgada dito ay sapat na upang
pakainin ang isang pamilya buong buhay nila na hindi kailangan alalahanin ang tungkol sa
pagkain at damit.
Ang maghari sa anumang lugar, ang kapangyarihan ay isang aspeto na hindi maaring wala sa
isang tao, ngunit gayundin, ang yaman ay isang bagay na mahalaga rin.
Hindi pa babanggitin kung gaano karaming magical artifacts ang pinag-iimbutan ng mga tao sa
libingan ng Dark Emperor, ang mga yaman lamang ay magdudulot na sa isang tao na kabahan
at maging balisa.