Baixar aplicativo
83.16% Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 1299: Pag-aayos ng Marka (9)

Capítulo 1299: Pag-aayos ng Marka (9)

Editor: LiberReverieGroup

Crunch crunch…

Ang tunog ng ngipin na ngumangata sa buto ay lumutang sa ere sa ituktok ng Heaven's End

Cliff habang kinakagat ni Little Jue ang hantad na tadyang ni Elder Hui.

Hindi magawa ni Elder Hui na gumawa ng kahit anong tunog, ang sakit ay dumadaloy sa bawat

ugat sa kaniyang katawan, ang pagpapahirap na iyon ay nagpaputla sa kaniyang mukha, ang

mata niya ay agad namula.

Ang tadyang ay kinagat isa-isa sa ilalim ng malakas na puwersa ng mga ngipin at ang puso na

nawalan ng kahuli-hulihang depensa ay hantad sa ere.

'Piak!'

Kinuha ni Little Jue ang noo'y pumipintig pa ring puso at inilagay sa kaniyang palad at gamit

ang kaniyang kuko na parang kalaykay at kasing-talas ng talim, ay marahas niya itong pinunit!

Ang kuko ay pumunit sa lahat ng ugat na nasa pulang puso habang patuloy iyon sa pagpintig,

bigla niya itong dinukot mula sa dibdib!

Sa dibdib ni Elder Hui, ay makikita ang isang malaking butas, ang dugo ay walang tigil sa pag-

agos patungo sa kaniyang katawan, hanggang sa dulo ng mga daliri sa paa at sa wakas ay

patungo sa lupa.

Ang munting anyo ni Little Jue ay maliksing bumaliktad at bumagsak sa kaniyang mga paa, ang

puso ni Elder Hui ay mahigpit nitong hawak sa mga kamay habang nakatitig doon, sabik sa

pagpatay.

Sa malinaw na munting mukha na iyon, ay mayroong mga talsik ng dugo, binahiran ang

musmos at batang mukhang iyon, ng isang hitsura ng mananakmal at mabagsik na hayop.

Hindi na rin niya muling tinapunan pa ng tingin si Elder Hui, dala ang puso sa parehong kamay

at naglakad patungo sa kasukalan ng kagubatan.

"Lord Jue, dapat ko ba siyang sundan?" Tapat ang boses na tanong ni Ye Sha habang maingat

na inoobserbahan ang mga kilos ni Little Jue.

Subalit umiling si Jun Wu Yao at sinabi: "Hayaan mo siya. Sabagay…" Ang sulyap niya ay

bumalik sa katawan ni Elder Hui na basa na ng dugo. "Ang lalaking ito ay hindi pa

mamamatay."

Kahit na ang puso nito ay walang awa na dinukot, isang himala na si Elder Hui ay humihinga pa

rin, ngunit ang pasakit ng Blood Fiend ay sumisira pa rin sa kaniya. Hangga't nais ni Jun Wu

Yao, hindi ito mamamatay, ngunit hindi rin mabubuhay!

Si Jun Wu Xie at ang mga kasama niya ay nanatiling naghihintay sa may kagubatan at bagama't

matindi ang pag-uusisa ni Qiao Chu kung ano anmg ginawa ni Jun Wu Yao, ang pakiramdam

niya ay nagsasabi sa kaniya, na ang pagiging mausisa ang pumatay sa pusa at hindi magiging

mabuti ang mga kalalabasan ng mga bagay kung magpipilit siya. Sa huli ay umupo na lamang

siya at nagsindi ng apoy habang ang mga kasamahan ay nagtipon sa palibot niyon, upang

ayusin ang mga bagay na kailangan nila sa kanilang pagbaba sa Heaven's End Cliff.

Maya-maya ay pinamahagi ni Jun Wu Xie sa kaniyang mga kasama ang mga elixir na itinago

niya sa kaniyang Cosmos Sack. Bago siya umalis upang maglakabay, ay naglinang siya ng ilang

uri ng mga elixir ayos sa iba't ibang sitwasyon na nakita niya noon sa Heaven's End Cliff.

"Little Big Brother…"

Biglang narinig ang boses ni Little Jue sa likod ni Jun Wu Xie.

Lumingo si Jun Wu Xie at agad nanigas.

Ang munti at musmos na nilalang, ay nakatayo sa likod niya na hindi gumagalaw. Ngunit sa

katawan niya, mukha at kamay, ay may mga bahid ng maliwanag na pulang dugo. Sa mukhang

iyon na puso bahid ng dugo, ay may isang inosente at maningning na ngiti. Nakatayo lamang

siya doon, ang kamay niya ay may hawak na sariwa at mapulang puso, ang mata niya ay puno

ng pag-asam habang nakatingin kay Jun WU Xie.

Gilantang na nakatingin si Jun Wu Xie kay Little Jue, nakatitig sa munting anyo na nababalot ng

dugo, taliwas sa imahe ng tahimik at walang kakayahan na munting Emperor na sariwa pa sa

kaniyang isip, ngunit ang ngiti sa mukhang iyon ay pamilyar sa kaniya sa kaniyang

pagkakatanda.

Natigilan si Jun Wu Xie, habang si Qiao Chu at ang iba pa ay natigagal nang makita ang estado

ni Little Jue.

Sinong mag-aakala na ang munting bata na laging umiiyak palayo sa tuwing pandidilatan ni Fei

Yan ay biglang magpapakita sa kanila na ganoon ang hitsura.

Ang dugo na nakabalot sa kaniya ay basa pa at ang malapot na likidong iyon ay tumutulo sa

mga puwang sa kaniyang daliri patungo sa lupa.

Sa sandaling katahimikan, ang tunog ay naging napakalinaw sa kanilang pandinig.

Pakiramdam nila ang bawat tulo ay dumadagundong sa kanilang puso.

"Little Big Brother, isang… regalo para sa iyo." Saad ni Little Jue na ang inosenteng mga mata

ay malaki at nagniningning, ang kamay na may hawak na duguang puso ay bahagyang

umangat habang binibigay iyon sa harapan ni Jun Wu Xie at ang sulok ng bibig nito ay

nakangiti. Ngunit ang pinakita nitong kamusmusan, ay nakababad sa maliwanag na dugo.


Load failed, please RETRY

Presentes

Presente -- Presente recebido

    Status de energia semanal

    Rank -- Ranking de Poder
    Stone -- Pedra de Poder

    Capítulos de desbloqueio em lote

    Índice

    Opções de exibição

    Fundo

    Fonte

    Tamanho

    Comentários do capítulo

    Escreva uma avaliação Status de leitura: C1299
    Falha ao postar. Tente novamente
    • Qualidade da Tradução
    • Estabilidade das atualizações
    • Desenvolvimento de Histórias
    • Design de Personagens
    • Antecedentes do mundo

    O escore total 0.0

    Resenha postada com sucesso! Leia mais resenhas
    Vote com Power Stone
    Rank NO.-- Ranking de Potência
    Stone -- Pedra de Poder
    Denunciar conteúdo impróprio
    Dica de erro

    Denunciar abuso

    Comentários do parágrafo

    Login