Nang paslangin ni Jun Wu yao ang lalaki mula sa Palace of All Life, ay inakala ng lalaking
nakaberde na wala ng intensiyon si Jun Wu Yao na gawing mahirap ang mga bagay sa kanila
at ang akalang iyon ay lihim na ikinatuwa niya ngunit nagawa niyang itago ang kinang ng galak
sa kaniyang mata.
Subalit, bago pa man matapos ng lalaking nakaberde na masayang batiin ang sarili, ilang
maitim na anino ang kumislap sa kaniyang balikat, umasinta sa kaniyang likod kung saan siya
nakatayo!
Sa isang iglap, bawat isang tao mula sa Twelve Palaces na nakatayo sa ituktok ng Heaven's End
Cliff ay biglang lumipad ang mga ulo, humiwalay sa kanilang mga katawan!
Bukod sa lalaki na nakaberde na ang ngiti ay nanigas sa mukha at si Elder Hui, lahat mula sa
Flame Demons Palace at Palace of All Life ay pinaslang ng wala man lang ingay!
Ilan sa mga taong naroon ay sabay-sabay na natanggal ang ulo at matinding tilamsik ng dugo
ang sumagitsit sa nakabukang sugat sa kanilang mga leeg.
Bumagsak ang dugo, isang pinong pula ang umambon habang binabasa nito ang lupa ng patak
bawat patak, ang mainit-init pa at malapot na dugo ay binasa ang damit ng lalaking nakaberde
at ni Elder Hui.
Ang lalalking nakaberde at si Elder Hui ay nanlaki ang mata at hindi makapaniwala, hindi
makahuma na lumingon sila kay Jun Wu Yao, ang galak ay naglaho agad. Hindi nila
maintindihan kung bakit ginawa iyon ng lalaki…
Kung iyon ay para sa paghihiganti, bakit pinatay rin nito ang mga tao mula sa Palace of All
Life?
Kung hindi sa paghihiganti, bakit ginawa nito ang biglang pagpatay!?
Sa paglalakbay na iyon patungo sa Heaven's End Cliff, ang Flame Demon Palace at Palace of All
Life ay nagpadala ng maraming bilang ng malalakas na mandirigma at bagama't ang Flame
Demons Palace ay kasama si Elder Hui, ay mahihirapan pa rin sila na lipulin ang buong grupo
ng Palace of All Life sa sandaling oras lamang.
Ngunit itong kaakit-akit at mala-demonyo ang hitsura na lalaking nasa kanilang harapan ay
bahagya lamang ginalaw ang ang kaniyang daliri at agad na kinuha ang ilang buhay ng tao
mula sa dalawang magkaibang palasyo na mayroong malalakas na mandirigma!
Ang walang kapantay at dominanteng kapangyarihan ay nagtapon sa lalaking nakaberde at
Elder Hui sa kalunus-lunos na estado!
"Senior… Senior, anong ginagawa mo…" Ang damit ng lalaking nakaberde ngayon ay basang-
basa na ng dugo ng kaniyang mga kasama habang ang mata niya ay nakatitig kay Jun Wu Yao
at puno ng takot.
Nanatili pa rin itong nakangiti, bagaman ang kamay nito ay namantsahan na ng dugo mula sa
pagpaslang.
Minamasdan ito sa umuulang dugo, habang nakatayo sa kanilang harapan, hindi na iyon tao,
iyonay isang demonyong uhaw sa dugo!
"Ang sabi mo kanina ay may hinahanap kang munting nilalang upang patayin…" Naningkit ang
mata ni Jun Wu Yao, habang ang itim na mga mata ay sumasabay sa lumalalim na ngiti, dahan-
dahang napupuno ng maliwanag na liwanag ng lila.
"Paumanhin, ngunit ang munting nilalang na hinahanap mo upang pasalangin ay aking
iniirog."
Sa sandaling ang lila na liwanag ay tuluyang binalot ang mga mata, isang bola ng itim na usok
ang biglang lumitaw sa tabi ni Jun Wu Yao! Walang tigil na umikot-ikot ang usok sa tabi nito,
na parang masamang kuko at pangil, na nakahandang gutay-gutayin ang sinuman sa isang
iglap!
Sa sandaling iyon, ang lalaking nakaberde at si Elder Hui ay natigagal at hindi makagalaw.
Ang mata nila ay napako sa pares ng kulay lila na mata ni Jun Wu Yao at isang nakakamanhid
katawan na kilabot ang biglang dumaklot sa kanilang puso!
Sa ilalim ng Heavens, ang tanging nagmamay-ari ng ganoong pares ng demonyong lila na mata
ay isang lalaki lamang!
"Dar… Dark… Emperor…" Lahat ng lakas ng lalaking nakaberde ay nawala sa knaiya at agad
siyang natumba at nabuwal sa lupa, ang mukha niya ay napuno ng kawalang pag-asa!
Mala-demonyong lila na mata, itim na spirit power…
Ang nakabibighaning lalaki na nakatayo sa kanilang harapan ay sa katunayan ang alamat na
Dark Emperor, ang tanging nilalang na pinag-isa ang buong Middle Realm!
Paano nangyari ito!
Nawala lahat ng pagnanasa ng lalaking nakaberde na lumaban, ang puso niya ay napuno ng
takot at pagkataranta.
Habang ang mukha ni Elder Hui ay puting-puti, wala ni anumang bahid ng kulay.
Bagama't siya ay isang Elder sa Flame Demons Palace at nagtataglay ng dominanteng
kapangyarihan, ngunit sa sandaling nakita niya ang pares ng demonyong lilang mata na iyon,
ang lahat ng iyon ay wala ng halaga.
Ang Dark Emperor…
Ang tunay na Emperor ng Middle Realm!