"Ang dahilan kung bakit naging maingat at malihim ang Twelve Palaces sa kanilang
paghahanap sa libingan ng Dark emperor ay dahil sa Night Regime. Ang Night Regime ay tapat
lamang sa Dark Emperor at kung matuklasan nila na ang Twelve Palaces ay nakatuon ang
tingin sa libingan ng Dark Emperor, ay siguradong lalabas ang mga ito sa kanilang
pinagtataguan at wawasakin sila. Naisip ko na kahit ang Twelve Palaces ay hindi maglalakas-
loob na direktang harapin ang Night regime." Saad ni Rong Ruo.
Ang Dark Regions sa Middle Realm ay immortal na alamat sa kanila mismong sarili at ang
taong responsable sa paggawa ng alamat ay ang Dark Emperor.
Isang lalaki na makapangyarihan na nakagawa upang lahat sa buong Middle Realm ay yumuko
sa kaniya at hirangin siya na Emperor!
"Glog… Sa palagay mo ba, kapag nalaman ng Dark Regions na nanghimasok tayo sa libingan ng
Dark Emperor, sila ay…" Saad ni Qiao Chu na malakas na napalunok habang itinataas ang
kamay at gumuhit ng linya sa kaniyang leeg.
Ang harapin ang Twelve Palaces ay hindi nila kinakatakutan. Ngunit kung iyon ang Night
Regime…
"Nandito na tayo sa antas kung saan hindi na natin magagawa ang isipan pa ng lubusan ang
tungkol diyan at ang magagawa na lamang ay maging maingat sa bawat hakbang na ating
gagawin." Saad ni Hua Yao habang bumubuntong-hininga. Kung maaari lamang, ay hindi nila
nais na makaharap pa ang Night Regime.
Lumalim din ang tingin ni Jun Wu Xie. Wala siyang lubusan na nalalaman sa Middle Realm
ngunit ayonsa sinasabi ni Qiao Chu at ng iba pa, ay hindi mahirap intindihin kung gaano
kalakas ang Night Regime.
Mula sa isang tabi ay minasdan ni Jun Wu Yao ang nababahalang tingin ni Jun Wu Xie at isang
bahagyang ngiti ang kumislap sa kaniyang mata.
Si Ye Mei at Ye Sha ay tahimik na nakatayo sa isang tabi, pinipilit supilin ang daluyong ng
kapalaluan sa kanilang puso.
[Kayong lahat na mga kabataan, wala kayong dapat ipag-alala tungkol sa Dark Regions o Night
Regime na gaganti sa inyong lahat!]
[Kayo ay pamumunuan ng walang ibang kundi ang Dark Emperor mismo upang maghukay sa
"kaniyang" libingan! Kahit na malaman pa ng Dark Regions ang tungkol doon, ay wala silang
gagawin sa inyo at mangyari pa'y masayang sasalubungin si Lord Jue sa Dark Regions na
kumakanta at sumasayaw!]
[Bukod pa doon, hangga't nasa tabi ninyo si Lord Jue, sabihin pa na hukayin ang libingan, kahit
pa ubusin ninyo ang laman nito, walang maglalakas loob na gumawa maski isang ingay sa Dark
Regions!]
Ang dalawang lalaki na alam ang buong katotohanan sa likod ng lahat ng iyon ay hindi
nangahas na magsalita ng kahit ano tungkol doon, itinagong mabuti ang lahat ng iyon sa
kanilang mga sarili na halos magtamo sila ng pinsala sa loob ng kanilang mga katawan.
Halos hindi nila lubusang maisip kung anong uri ng pag-iisip mayroon ang kanilang Lord Jue
habang inaakay ang Young Miss at ang kaniyang mga kasama upang hukayin ang sariling
libingan…
Walang magawa ang dalawang lalaki kundi ang itikom ang mga bibig, upang pigilan ang
rumaragasang emosyon sa kaibuturan ng kanilang mga puso.
Matapos ang sandaling pahinga, ang lahat ay muling sumakay sa mga karwahe upang
ipagpatuloy ang kanilang paglalakbay patungo sa Heaven's End Cliff. Limang araw ang
nagdaan na parang kisap ng mata at ng sila'y makarating muli sa Heaven's End Cliff, ay malaki
ang ipinagbago nito kaysa noon.
Sa matarik at maulan na dulo ng banginn matapos ang makapal na kagubatan, ang makapal na
alingasaw ng dugo ay maamoy sa hangin. Ang alingasaw ay matindi at iyon ay nakakasulasok
habang ang isang bahagi ng lupa ay naging pula dahil sa dumanak na dugo. Mga walang buhay
na katawan ang nakakalat sa lupa habang ang walang tigil na tunog ng labanan ay
umalingawngaw sa dulo ng bangin.
Ang masangsang na amoy ng dugo ay nagdulot sa mga nagtatakbuhang kabayo na
makaramdam ng panganib at binagalan ang kanilang takbo.
Ang takbo ng mga karwahe ay bumagal at nagising si Jun Wu xie sa kaniyang pagkakahimbing.
Bahagyang iminulat ang mata at ang amoy ng maalingasaw na dugo ay sumalubong sa
kaniyang ilong at dahil doon ay napasimangot siya.
"Gising na agad?" Tila hindi pansin ni Jun Wu Yao ang anuman sa labas at nanatili lamang ito
na nakamasid kay Jun Wu Xie at may ngiti sa mukha.
"May nangyayari sa labas." Saad ni Jun Wu Xie. Ang masangsang na dugo ay isang amoy na
pamilyar sa kaniya.
"Hayaan mo na iyon kay Ye Sha at Ye Mei." Saad ni Jun Wu Yao na nakangiti pa rin. Sa oras na
makababa sila sa Heaven's End Cliff ay wala na gaanong pagkakataon upang sila'y magpahinga
at hindi niya nais na mayroong tao o bagay na gagambala kay Jun Wu Xie sa kaniyang
pagpapahinga.
Si Ye Sha at Ye Mei na nasa labas ng karwahe ay agad nagtungo sa harapan upang tuklasin ang
sitwasyon sa labas matapos matanggap ang utos sa kanila at hindi ganoon katagal bago sila
makabalik.
Ngunit ang ekspresyon sa mukha ni Ye Sha ay tila nabalutan ng yelo.
"Dalawang pangkat mula sa Twelve Palaces ang naglalaban." Simpleng pagbabalita ni Ye Mei.