Napakurap si Little Jue at binuksan ang supot upang silipin ang laman nito. At agad
nagningning ang kaniyang mga mata.
Sa loob ng supot, naglalaman ang magaspang na mga batong jade na iba iba ang laki. Para kay
Little Jue na ang tanging pakialam ay ang katangiang spirit ng jade na bato, hindi mahalaga sa
kaniya kung ano pa ang hitsura ng mga batong jade na iyon.
Dahil sa supot ng mga batong jade na nasa kaniyang mga kamay, ang hinanakit sa mata ni
Little Jue ay tuluyang naglaho at tumalon siya sa isang tabi at nagsimula na itong kumain.
Nanghina na minasdan iyon ni Rong Ruo habang inoobserbahan ang mga kilos ni Fei Yan at
ang tanging nagawa niya ay lihim na mapailing habang sa puso ay pakiramdam niya na wala
siyang magawa tungkol doon.
"Limang araw pa at mararating na natin ang Heaven's End Cliff. Sa pagkakataong ito ay hindi
na tayo mahuhulog sa estado ng kawalang pag-asa tulad ng nangyari sa atin noon." Nakaupo
sa palibot ng apoy, hinimas ni Qiao Chu ang kaniyang kamao habang nagsasalita, tila hindi na
ito makapaghintay na makababang muli sa Heaven's End Cliff.
Ang nagdaang karanasan nila sa Heaven's end Cliff ay masasabing nag-iwan ng hindi
mabuburang marka sa kanila at hindi pa rin nila nagagawang kalimutan maski isang bagay
tungkol doon hanggang ngayon.
Ang lugar na iyon ay tila ang kanilang mga bangungot ay nagkatotoo, at ngayon sa ilalim ng
patnubay ng mapa na kumpleto, ay saka naihayag sa grupo ang tunay na mukha nito.
"Ang Dark Regions ay pinatunayan ang kanilang pangalan sa Middle Realm na nangunguna,
ang katotohanan na nagawa nilang bumuo ng isang libingan na tunay na masalimuot ay hindi
magawang mailarawan ninuman." Payo ni Fan Zhuo habang inilalabas ang mapa na binuo nila.
Ang walong mapa ay perpektong binuo ang ibaba ng Heaven's End Cliff kung saan pinakita ang
lahat ng nakatago sa mahiwagang hamog.
Ang panganib na binuo ng Dark Regions sa palibot ng libingan ng Dark Emperor, ay higit pa sa
naranasan nila sa huli nilang pagpunta doon.
Kahit na nasa kamay nila ang mapa, ang nakita nila ay nagdulot pa rin magpalabas ng butil ng
malamig na pawis. Dahil sa mas detalyadong mapa, ay mas lalo nilang napagtanto kung
gaanong mapanganib ang libingan ng Dark Emperor. Hindi nila lubos maisip, kung gaanong
pagsasakripisyo ang ginawa ng kanilang mga magulang noon, bago nila nagawang mahanap
ang eksaktong kinaroroonan ng libingan ng Dark Emperor.
"Ang Dark Emperor ang haligi ng Dark Regions at kahit na ilang taon na itong pumanaw, ang
Dark Regions ay iginagalang pa rin siya bilang ang walang katulad at kataas-taasang pinuno.
Sinasabi mula sa matagal na panahon ang mga tao ng Dark Regions ay iginagalang ang Dark
Emperor na halos nakakahibang ang pagsamba at nang bumagsak ang Dark Emperor, ay
walang kaguluhan na sumabog sa loob ng Dark Regions at ang Night Regime na ginawa ng
Dark Emperor ay dinala lahat ng mga kayamanan na pag-aari ng Dark Emperor ng ito'y
nabubuhay pa sa loob ng libingan, upang manatili sa tabi ng Dark Emperor. Ang ganoong
halimbawa, kung nangyari sa ibang kapangyarihan, ay maaring imposibleng makamit." Saad ni
Rong Ruo, ang boses niya ay naantig.
Kahit na iyon ay isang pinuno, o kahit sinong kataas-taasan, kung ang kampon nito ay
mananatiling tapat matapos ang pagsalin ay imposibleng malaman ninuman. At ang mga
tauhan niya na walang itatagong kahit ano at dalhin lahat upang ibaon sa ilalim ng lupa,
habang gumawa at umisip na gumawa at magtayo ng hindi mabilang na hadlang, ang ganoong
karisma ng lalaki at dedikasyon ng kaniyang mga tauhan para sa kaniya ay hindi isang bagay na
posibleng taglay ng isang karaniwang tao.
"Nang ako ay bata pa, ay may mga narinig akong ilang kuwento tungkol sa Dark Regions. Ang
sabi, matapos bumagsak ng Dark Emperor, ang Dark Regions ay inalis ang kanilang mga sarili
at hindi na muling tumapak sa Middle Realms matapos nun. Hindi sila nanguna na humamon
kanino man at wala rin ang may lakas ng loob na hamunin sila. Bagama't ang Dark Emperor ay
wala na sa paligid, ang Night Regime na ginawa mismo ng Dark Emperor ay nasa Dark Regions
pa rin. Ang kuwento ay bawat isang tao na nasa Night Regime ay walang-katulad na
mandirigma at bawat isa sa kanila ay magagawang tumbasan ang Elders ng Twelve Palaces.
Ngunit hindi ko alam kung totoo nga ba iyon." Nang marinig ni Qiao Chu ang usapan ng mga
kasama, ay agad nasabik si Qiao Chu.
Tumango si Rong Ruo tanda ng pagsang-ayon at ang kaniyang sulyap ay di-namamalayan na
natuon kay Jun Wu Yao ngunit agad din niyang iniwas ang tingin at patuloy na nagsalita:
"Totoo iyan. Ang lakas ng Dark Emperor ay naghari sa lahat ng nasa Middle Realm at ang Night
Regime na nasa ilalim niya ay nagdala ng walang katapusan na takot sa puso ng mga tao. Ang
sabi, sa oras na pakilusin ang Night Regime, ang lahat ay umaatras, sapagkat walang nangahas
na harapin sila."