Baixar aplicativo
79.64% Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 1244: Ako ang Emperor ng Fire Country (1)

Capítulo 1244: Ako ang Emperor ng Fire Country (1)

Editor: LiberReverieGroup

Ang pagbisitang iyon ng Emperor ng Fire Country ay isang malaking panggigipit sa Emperor ng Condor Country. Sa hindi malamang dahilan, kumalat ang balitang iyon sa mga pinuno ng iba't-ibang bansa.

Dahil kakagaling lang nila sa giyera, ibig sabihin ay hindi lang ito simpleng pag-uusap.

Habang nag-iisip ang Emperor ng Condor Country kung kailan darating ang mga delegado ng Fire Country, may ilang sumulpot sa harap mismo ng gate ng Condor Country's Imperial Palace!

Elegante ang suot ng mga ito, dahilan para madali silang makilala.

Ang grupo ay pinangungunahan ng isang maliit na binata. Malamig ang tinging binibitawan nito at ang kumikinang na korona sa ulo nito ay naging sanhi para matigagal ang mga tao.

Nitong mga nakaraang araw, maraming mga pinuno galing sa iba't-ibang bansa ang nagkalat sa Imperial Capital ng Condor Country kaya hindi na bago sa kanila ang makakita ng Emperor subalit iba ang dating sa kanila ng ngayo'y nasa kanilang harapan.

Nagmadaling pumasok ang mga guwardiya sa loob ng Imperial Palace upang dalhin ang balita sa Emperor ng Condor Country.

"Nandito na? Agad!?" Wala pang dalawang oras simula ng matanggap niya ang balita at ngayon ay naririto na ang mga ito sa labas ng Palace gate!

"Ilan sila?" Tanong ng Emperor ng Condor Country.

"Walo." Agad na sagot ng guwardiya.

Nakahinga ng maluwag ang Emperor. Walo lang ang mga ito, ibig sabihin ay hindi ito maghahamon ng giyera. Gayong lihim na niyang inihanda ang kaniyang sarili, hindi pa ito ang tamang oras para makipaglaban sa Fire Country.

"Papasukin mo sila." Pagkasabi noon ay agad niya ring ipinatawag si Elder Huang. Kinakabahan pa rin siyang harapin ang mga taga-Fire Country.

Ilang sandali lang ay nasa main hall na ang delegado ng Fire Country, habang ang Emperor ng Condor Country ay pilit na kinakalma ang kaniyang sarili. 


Load failed, please RETRY

Presentes

Presente -- Presente recebido

    Status de energia semanal

    Rank -- Ranking de Poder
    Stone -- Pedra de Poder

    Capítulos de desbloqueio em lote

    Índice

    Opções de exibição

    Fundo

    Fonte

    Tamanho

    Comentários do capítulo

    Escreva uma avaliação Status de leitura: C1244
    Falha ao postar. Tente novamente
    • Qualidade da Tradução
    • Estabilidade das atualizações
    • Desenvolvimento de Histórias
    • Design de Personagens
    • Antecedentes do mundo

    O escore total 0.0

    Resenha postada com sucesso! Leia mais resenhas
    Vote com Power Stone
    Rank NO.-- Ranking de Potência
    Stone -- Pedra de Poder
    Denunciar conteúdo impróprio
    Dica de erro

    Denunciar abuso

    Comentários do parágrafo

    Login