Hindi naisip ni Jun Wu Xie na magiging ganito ang katotohanan. Si Wen Yu ay nakarating nga sa
libingan ng Dark Emperor ngunit hindi alam ang eksaktong kinaroroonan ng Dark Emperor.
Ang nakakapagtaka kay Jun Wu Xie ay kung paanong si Wen Yu na nakapasok na sa loob ng
libingan ng Dark Emperor, ay nagawang makaalis sa lugar na iyon?
Ilang misteryo ang nalutas, ngunit hindi niyon nabawasan kahit kaunti ang dami ng palaisipan
ni Jun Wu Xie, at sa halip ay mas lalong dumami.
" Naiintindihan ko, Grand Adviser. Ikaw ay magiging Grand Adviser ng Fire Country
magpakailanman." Saad ni Jun Wu Xie habang nakatingin kay Wen Yu. Ang mga dinanas niya
sa nakaraan ay pareho sa magulang ni Qiao Chu at ng iba pa at mapalad siya dahil siya ay
nabuhay, ngunit sa kasawiang-palad ay pinaslang ang buong pamilya niya.
Sa wakas ay ngumiti si Wen Yu. Ito ang unang pagkakataon na sinabi niya sa sinuman ang
mabigat niya lihim na itinago niya sa kaibuturan ng kaniyang puso simula ng talikuran niya ang
tunay niyang pagkatao. Ang lihim na iyon ay nagbigay sa kaniya ng matinding pagkabalisa na
naipon sa mahabang panahon sa kaniyang puso at ngayon na nagawa na niyang pakawalan
ang sarili, ay hindi na niya kailangan pasanin lahat ng iyon ng mag-isa.
"Bagama't ang inyong lingkod ay hindi alam kung bakit nais ng Kamahalan na tulungan ang Qi
Kingdom, ngunit may isang bagay na nais ipaalala ang inyong lingkod sa Kamahalan." Tila may
bigla siyang naalala at ang kaniyang ekspresyon ay bahagyang naging taimtim.
"Kaya pinakilos ng Condor Country ang kanilang hukbo ay dahil sa Soul Calming Jade, kung
gayon ang katotohanan na ang Soul Calming Jade ay nasa Qi Kingdom ay hindi na isang lihim.
Mayroong isang tao sa loob ng Condor Country ang siguradong nakipagsanib puwersa sa isa sa
mga kapangyarihan sa Middle Realm at bagamat ang hukbo na pinamunuan ng Kamahalan ay
sinugpo ang kanilang mga plano sa pagkakataong ito, sa oras na makarating ang balita sa
Middle Realm, ay magdudulot ito ng kaguluhan sa kanila. Kung ang Kamahalan ay tunay na
nais protektahan ang Qi Kingdom, ang tanging paraan ay patahimikin ang mga tao ng Condor
Country na may alam tungol doon, at… ilayo muna si Duke Lin sa Qi Kingdom pansamantala sa
lalong madaling panahon." Walang ibang nakakaalam ng mga pamamaraan ng Middle Realm
na higit pa sa kaniya.
Upang makamit ang kanilang layunin, ay gagawin nila ang lahat, kahit ano pa ang maging
kahinatnan. Ang libingan ng Dark Emperor para sa kanila, ay nagtataglay ng nakamamatay na
gayuma at hindi nila pakakawalan ang anumang bakas na maaaring magturo sa kanila doon.
Higit pa roon, sa mata ng karamihan ng tao sa Middle Realm, ang pamumuhay ng mga tao sa
Lower Realm ay kapareho sa insekto. Kahit patayin ang ilang milyon sa kanila, ay hindi
makakapagpakunot ng kanilang mga kilay kahit bahagya.
Ang mga salita ni Wen Yu ay nagdulot ng konting pagyanig sa puso ni Jun Wu Xie.
"Ang Kamahalan ay nakita na ang kapangyarihan ng inyong lingkod, at tila hindi na iyon
masama. Ngunit sa Middle Realm, ang mga taong may mas mataas na kapangyarihan kaysa sa
inyong lingkod, ay napakarami." Saad ni Wen Yu.
"Miyembro din ba ang Grand Adviser ng Twelve Palaces?" tanong ni Jun Wu Xie.
Mahinang ngumiti si Wen Yu at sinabi: "Marami talagang nalalaman ang Kamahalan sa Middle
Realm. Patawad ngunit, ang inyong lingkod ay hindi nagmula sa Twelve Palaces, ngunit mula sa
isa sa mga Temples ng Nine Temples. Ako'y nagtataka kung narinig na ng Kamahalan ang
tungkol sa Nine Temples?"
Tumango si Jun wu Xie. Bagama't narinig na niya ang tungkol sa kanila, ngunit wala siyang
nalalaman na kahit ano tungkol doon.
Maya-maya'y saad ni Wen Yu: "Ang Middle Realm ay binubuo ng One Region, Four Sides, Nine
Temples at Twelve Palaces, at ang lakas nila, ay nahahati rin sa mga ranggong iyon. Ang
pinakamalakas sa kanila ay ang Dark Regions, na dating pinag-isa ang Middle Realm, habang
ang kasunod ay ang Four Sides, sumunod ang Nine Temples, at sa huli ay ang Twelve Palaces
na humahawak sa pinakamababang baiting ng kapangyarihan sa kerarkiya. Bagama't ang
bilang ng mga tao sa Nine Temples ay kaunti lamang kumpara sa Twelve Palaces, ang
kapangyarihan nila ay di hamak na mas mataas kaysa sa Twelve Palaces."
Matinding nakinig si Jun Wu Xie, tinatatak bawat salita sa kaniyang isipan.
Matapos ang tatlong araw, ay idinaos ng Fire Country ang malaking seremonya upang hirangin
ang kanilang Empress at si Qu Ling Yue ay naging konsorte ng bagong Emperor sa Imperial
Harem bilang Empress.
Mula sa sandaling iyon, ang kurtina ay nagbukas, isang prologo para sa Iron Blood Empress.
Sa parehong araw, ay nag-impake ng mga damit si Jun Wu Xie para sa kaniyang paglalakbay, at
lumabas upang tahakin ang daan patungo sa Condor Country.
Ang Condor Country ay hindi malapit sa Fire Country. Ang dalawang bansang iyon ay
magkahiwalay ang ranggo bilang sa pinakamataas at iakawalang pinakamalaking bansa sa
Lower Realm, ang lupain nila ay malawak na nakalatag. Si Jun Wu Xie ay naglakabay nang
walang pagod at nangangailangan pa ng halos isang buwang paglalakbay bago niya marating
ang Imperial Capital ng Condor Country.