Baixar aplicativo
77.27% Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 1207: Ang mga Salita ni Wen Yu (4)

Capítulo 1207: Ang mga Salita ni Wen Yu (4)

Editor: LiberReverieGroup

"At ang paraan na ginagamit nila upang kunin ang mga kayamanan ng palihim, ay hayaan ang

mga taong pinadala nila upang maging kasangkapan. At isa ako sa mga taong iyon ng panahon

na iyon…"

Si Wen Yu ng mga panahon na iyon,ay hinanap ang kinaroroonan ng libingan ng Dark Emperor

kasama ang kaniyang grupo. Naiisip niya na itinakda siya upang magdala ng kadakilaan at

paniniwala sa kapangyarihan na kaniyang pinagsisilbihan, hindi naisip na lahat ng iyon isang

malagim na trahedya para s akanila sa simula pa lamang.

"Sapagkat nakarating ka na sa kinaroroonan ng libingan ng Dark Emperor, kung gayon ay alam

mo kung nasaan iyon tama?" tanong ni Jun Wu Xie, sa wakas ay nasabi na niya ang tanong na

nais niyang itanong noon pa man.

Subalit, umiling si Wen Yu.

"Totoong nagtungo ako sa libingan ng Dark Emperor, ngunit hindi ko alam kung nasaan iyon."

"Bakit?" tanong ni Jun Wu Xie, bakas sa mukha ang pagkagulat.

Sumagot si Wen Yu: "Nang panahon na iyon, ang aking mga kasama at ako ay natunton ang

tinatayang kinaroroonan ng libingan ng Dark Emperor ngunit kami ay nilusob sa ilalim ng

nakakbulag na hamog at nawalan ako ng komunikasyon sa kanila, ang lakas mula sa paglusob

ay nagtapon sa akin ng hindi inaasahan sa libingan ng Dark Emperor. Gayunpaman, ay hindi ko

na nagawang makapasok pa sa pinakaloob at tanging sa labas lamang. Nagtamo ako ng

malubhang pinsala noong panahon na iyon at matinding nalason, sobrang mahina at lupaypay

para pumasok pa sa loob. Ang tanging bagay na nagawa kong makuha mula sa libingan ng Dark

Emperor ay ang piraso ng Soul Calming Jade…"

Nang mga sandaling iyon ay naisip ni Wen Yu na katapusan na niya at kahit nagawa niyang

makapasok sa libingan ng Dark Emperor, ay wala na siyang sapat na lakas upang umalis. Nang

sa huli ay nawalan siya ng malay dahil sa matinding kapaguran at kahinaan, nasiguro niyang

hindi na siya mabubuhay.

Ngunit, nang imulat niya ang kaniyang mga mata, nakita niyang wala na siya sa libingan ng

Dark Emperor, at dinala pa sa itaas ng Heaven's End Cliff.

Kung paano siya nakaalis sa lugar na iyon, hindi niya alam, ngunit matapos maghintay ng

mahabang panahon sa itaas ng Heaven's End Cliff, umaasa na magbabalik ang kaniyang mga

kasama, ay napilitan siyang harapin ang kalungkutan at kawalan ng pag-asa.

Walang sinuman ang bumalik.

Kahit isang tao lang!

Wala siyang magawa kundi ang kaladkarin ang kaniyang napinsalang katawan, at bumalik sa

Middle Realm, iniisip na ibalita lahat ng nangyari sa kanila sa Elder kung saang kapangyarihan

siya nagsisilbi.

Gayunpaman, sa sandaling nagawa na niyang magbalik sa kaniyang tahanan, nakita ng

dalawang mata niya ang eksena kung saan ang buong pamilya niya mula sa pinakabata ay

nilipol.

Sa sandaling bumaba sila sa Heaven's End Cliff, ang kapangyarihan kung saan sila kabilang ay

inihanda na ang kanilang sarili upang patahimikin silang lahat. Lahat ng miyembro ng pamilya

ng mga taong pinadala nila ay pinaslang, sa kadahilanan na maiwasan na mabunyag ang

anumang impormasyon tungkol sa paglalakbay!

Sa buong buhay ni Wen Yu, hinding-hindi niya malilimutan ang eksena kung saan ang buong

pamilya niya ay pinaslang. Ang kapangyarihan na pinagsilbihan niya ng may matinding

katapatan ay itinuring siya na parang isang pinabayaang bata, hindi nagpadala ng kahit

sinuman upang hanapin lahat ng nawawala, at sa halip ay pinatahimik bawat isang miyembro

ng kanilang pamilya.

Sa kaniyang malubhang nasugatan na katawan, ay hindi nagawa ni Wen Yu na ipaghiganti ang

kaniyang pamilya. Gumuho sa ilalim ng kawalan ng pag-asa at kalungkutan, pinili niyang ilayo

ang sarili malayong-malayo sa Middle Realm at itinago ang kaniyang sarili sa Lower Realm.

Ang Lower Realm ng mga taong iyon ay pira-piraso at ang nasiraan ng loob at galit na si Wen

Yu ay agad pinili na manirahan sa Fire Country at kaniyang tinulungan ang Emperor ng Fire

Country na siguruhin ang kaniyang mataas na posisyon, upang mamuno, kung saan ay naging

Grand Adviser siya ng Fire Country, at hindi na niya inalala pa ang kahit ano mula s akaniyang

nakaraan.

Maging ang Soul Calming Jade na hawak niya sa kaniyang kamay, na nakuha niya mula sa

libingan ng Dark Emperor, ay hindi na niya nais na itago pa.

Sa panahon na iyon ay alam niya, na ang isang malakas na bansang tulad ng Fire Country ay

siguradong pipiliin na alas ng may mga kapangyarihan sa Middle Realm, kaya naman, hindi

niya hinayaan na manatili ang Soul Calming Jade sa loob ng Fire Country. Kaya, isa sa mga

ginawa niyang paglalakabay, ay inihandog niya ang Soul Calming Jade sa umuunlad na Qi

Kingdom.

At simula sa sandaling iyon, ay tuluyan nan gang kinalimutan ni Wen Yu lahat ng may

koneksyon sa kaniyang nakaraan.

Ang tanging pagkatao niya ay ang Grand Adviser ng Fire Country.

Kung hindi dahil sa pag-ungkat ni Jun Xie ngayon, ay hindi na niya nais na maalala pa ang kahit

ano mula doon sa buong buhay niya.

"Your Majesty. Hindi mahalag kung sino si Wen Yu sa nakaraan. Sa kasalukuyan, ako ay si Wen

Yu lamang, ang Grand Adviser ng Fire Country." Saad ni Wen Yu habang nakatitig kay Jun Xie.


Load failed, please RETRY

Presentes

Presente -- Presente recebido

    Status de energia semanal

    Rank -- Ranking de Poder
    Stone -- Pedra de Poder

    Capítulos de desbloqueio em lote

    Índice

    Opções de exibição

    Fundo

    Fonte

    Tamanho

    Comentários do capítulo

    Escreva uma avaliação Status de leitura: C1207
    Falha ao postar. Tente novamente
    • Qualidade da Tradução
    • Estabilidade das atualizações
    • Desenvolvimento de Histórias
    • Design de Personagens
    • Antecedentes do mundo

    O escore total 0.0

    Resenha postada com sucesso! Leia mais resenhas
    Vote com Power Stone
    Rank NO.-- Ranking de Potência
    Stone -- Pedra de Poder
    Denunciar conteúdo impróprio
    Dica de erro

    Denunciar abuso

    Comentários do parágrafo

    Login