Dagdag ni Jun Wu Xie: "Tianong ko ang aking Grandfather kung paano napunta sa kaniyang
pag-aari ang Soul Calming Jade at ipinatawag si Lei Chen upang ipakita ng larawan ni Wen Yu
at tiniyak na iyon nga ang tamang tao."
"Sinasabi mo ba… ang Grand Adviser Wen Yu ay nagtungo sa libingan ng Dark Emperor?"
tanong ni Qiao Chu na ang mga mata ay nanlaki at hindi makapaniwala.
Kung totoo nga na nagtungo na doon noon si Wen Yu, kung gayon ang ibig ba sabihin niyon ay
alam niya kung nasaan ang eksaktong lokasyon ng libingan ng Dark Emperor? Kahit na wala sa
kanilang pag-aari ang mapa, maaari pa rin nilang mahanap ang lugar kung nasaan ang libingan
ng Dark Emperor!
Bagama't ang mga mapa na nasa kanilang pag-aari ay halos makukumpleto na, ngunit kung
makikita nila na buhay ang tao na nakapunta na sa libingan ng Dark Emperor,ay mas mabuti
iyon kaysa sa mga nakamit na nila sa ngayon!
"Hindi pa ako sigurado at palagay ko lamang iyon. Samakatuwid ay kailangan kong maglakbay
pabalik sa Fire Country at makausap si Wen Yu." kalmadong saad ni Jun Wu Xie. Sa
kasalukuyan, ang mga palatandaan na hawak niya sa kaniyang kamay ay hindi sapat upang
makabuo siya ng isang tiyak na konklusyon, ngunit gayunpaman, ang posibilidad ay mataas.
Kung si Wen Yu ay tunay ngang nakapunta sa libingan ng Dark Emperor, kung gayon sa ano
mang paraan, ay pipilitin niya si Wen Yu na dalhin sila sa lugar.
Kung iyan nga ang kaso, dapat na ika'y bumalik. Tungkol sa Condor Country, ang ilan sa amin
ay pupunta doon upang magmasid sa sitwasyon at matapos mong tanungin si Wen Yu, ay
maaari na natin planuhin ang ating susunod na hakbang." mahinahon na saad ni Hua Yao
habang nakatingin kay Jun Wu Xie.
Si Wen Yu ay maaaring maging isa pang pagkakataon para sa kanila, ngunit hindi pa rin talaga
sila susuko sa mapa na alam na nila kung nasaan ang lokasyon. Upang maiwasan ang anumang
hindi inaasahan na pangyayari, itutuloy nila ang dalawang linya ng impormasyon na mayroon
sila.
"Maari ring gumana ito. Sa aking palagay ang balita sa pagkatalo ng Condor Country ay hindi
pa nakakarating sa kanilang bansa kaya kunin natin ang pagkakataon upang pasukin ang lugar
at dakpin sila na walang malay. Kung matatagalan pa at mapagtanto ng Condor Country na
ang kaanib nilang hukbo ay natalo sa Qi Kingdom at kasangkot ang Fire Country, siguradong
matatakot sila na gumawa ng anumang pagkilos." Saad ni Qiao Chu na wala sa loob na kumibit
balikat, pinakita ang pagsang-ayon sa suhestiyon ni Hua Yao.
Si Jun Wu Xie ay bahagyang nabahala kaya ang kaniyang kilay ay nagsalubong at bahagyang
napakunot. Lahat ng kanilang misyon bago nito ay nagawa nila ng magkakasama at mayroon
siyang agam-agam tungkol sa paghihiwa-hiwalay nila ng ganito.
"Magiging maayos ang lahat, hayaan mo na sa amin ang tungkol sa Condor Country. Huwag
kang mag-alala, pupunta kami doon upang magmanman lamang sa sitwasyon at walang
katapangan, hindi kami gagawa ng anumang kilos na padalus-dalos. Maghihintay kami
hanggang sa makarating ka kaya hindi mo kailangan na mag-alala masyado." Pagtitiyak na
saad agad ni Fei Yan nang makita ang nakakunot na kilay sa mukha ni Jun Wu Xie, alam niya
ang eksaktong iniisip nito.
"Kayong lahat ay mag-ingat." paalala ni Jun Wu Xie, may pag-aalala pa rin siyang
nararamdaman.
"Huwag mo kaming maliitin." tumatawang tugon ni Qiao Chu habang tinatapik si Jun Wu Xie
sa balikat.
Matapos ang kanilang usapan, ay nagdesisyon silang maghiwalay pansamantala sa dalawa. Si
Jun Wu Xie ay babalik sa Fire Country kasama ang hukbo upang malaman kay Wen Yu ang
pinanggalingan ng Soul Calming Jade, habang ang iba pang lima na binubuo ni Qiao Chu at iba
pa ay magtutungo muna sa Condor Country upang masuri ang sitwasyon.
Ang grupo ay naghiwa-hiwalay na matapos niyon. Si Qiao Chu at ang iba pa ay agad na
naghanda sa kanilang pagpunta sa Condor Country.
Si Jun Wu Xie ay pansamantalang mananatili sa Imperial City ng Qi Kingdom at matapos ang
sitwasyon sa Qi Kingdom ay mapanatili sa mga araw na darating, ay aalis na siya at
pamumunuan ang hukbo pabalik sa Imperial Court!
Matapos ang pakikipag-usap kila Qiao Chu at sa iba pa, nagbalik si Jun Wu Xie sa kaniyang
silid.
Kabubukas lamang niya ng pintuan upang pumasok nang salubungin siya ng isang eksena na
nagpatigil sa kaniya.
Si Little Lotus ay luhaan ang mukha habang siya ay nakakulong sa ilalim ng hita ni Poppy at
nakasubsob ang mukha. Ang kamay ni Poppy na may mahaba at payat na daliri ay nakahawak
sa dulo ng tali sa likod ng bibero ni Little Lotus na suot ng bata, ang dulo ng daliri ni Poppy ay
nakakulot na isang kawit, tila buo ang hangarin na kalasin ang buhol, ang mukha nito ay
malapad at masama ang ngisi, walang pakialam sa takot na nararamdaman ni Little Lotus, at
tila tuwang-tuwa pa ito.
Si Lord Meh Meh at ang Sacrificial Blood Rabbit ay nanginginig ang apat na paa, nanginginig sa
tabi ng paa ni Poppy, nginguya pa ni Lord Meh Meh sa bibig ang laylayan ng pantalon ni
Poppy!