Baixar aplicativo
75.99% Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 1187: Pagbati, aking Mistress (2)

Capítulo 1187: Pagbati, aking Mistress (2)

Editor: LiberReverieGroup

"Sino ka!" Tanong ni Jun Qing sa nangangalit na ngipin habang tinatawag ang huling patak ng

kaniyang lakas, upang maingat na sipatin ang red robed man.

Bahagyang lumipat ang paninigin ng red robed man, at sinuyod lahat ng naroon sa loob ng

silid, ang kaniyang sulyap ay lumagpas sa pusang itim na galit na naktitig sa kaniya, at sa huli

ay natuon sa anyo ni Jun Wu Xie.

"Hindi ko talaga naisip na magiging ganito kabata." malaki ang hakbang ng red robed man at

nagtungo kay Jun Wu Xie na kasalukuyang nasa braso ni Jun Qing.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo!?" Nang makita ni Jun Qing na naglalakad iyon patungo sa

kanila ay bawat himaymay sa kaniyang katawan ay tila sasabog!

Bahagyang itinaas ng red robed man ang kaniyang kilay at tumngin kay Jun Qing na ngayon ay

halos na hangganan na ang lakas, nagbabanta itong ngumiti at sinabi: "Hindi na masama, sa

pag-aakalang kaya mo pa rin tumayo hanggang ngayon. Pinapakita lamang niyan na mayroon

ka ngang kakayahan. Ngunit… kahit ano pa man ang nais ko gawin ngayon, tingin mo ba ay

may natitira ka pang lakas na pigilan ako?"

Nang sabihin iyon, ay yumuko ang red robed man at inunat ang kamay papunta kay Jun Wu

Xie.

Nang siya ay malapit na, ay labis na pagtataka ang biglang kumislap sa mata ng red robed

man.

"Sa'yo, bakit napapansin ko ang amoy ng munting ungas na iyon…"

Sa sandali ng pag-aalinlangan ng red robed man, ang pusang itim ay nagbago ng anyo at

naging isang black beast at lumundag patungo doon, ginamit ang matalim na mga kuko at

pangil upang palayuin ang lalaki kay Jun Wu Xie!

Umurong ang red robed man, naniningkit ang kaniyang mga mata habang nakatitig sa black

beast na nakalabas ang pangil.

"Arh… Isa ka ring spirit body?"

"Rawr!!" Nagpakawala ang itim na halimaw ng mababang atungal, ang tunog ay nagpagulat at

gumising kay Lord Meh Meh at sa Sacrificial Blood Rabbit. Sa sandaling minulat nila ang

kanilang mga mata, ay nakita nila ang black beast na nahaharap sa red robed man at dala ng

malakas na pakiramdam, ay agad nilang napagtanto na ang red robed man ay isang kaaway!

Sa sandaling ang dalawang Spirit Beast ay aatake na, bigla nilang nadiskubre na ang kanilang

lakas ay halos naubos at kahit na nais lamang nilang tumayo, ay napagtanto nilang hindi nila

iyon magawa!

Bahagyang tumawa ang red robed man, nakatingin sa agresibong asal ng black beast, bakas pa

rin sa mata ang pagtataka habang ibinalik ang tingin kay Jun Wu Xie.

"Hindi kailangang mabigla. Wala naman akong gagawin na masama." kibit-balikat ng red

robed man.

Nagsalubong ang kilay ni Jun Wu Xie, ang mga alon sa loob ng kaniyang soul ay nagalaho na,

ngunit ang mga natirang epekto ay nagpahina pa rin sa kaniya habang ang mabangong amoy

na kumalat sa loob ng silid ay tila pamilyar sa kaniya.

Ang amoy na iyon, kahalintulad niyon ang amoy ng evil flower sa kaniyang nakaraan na buhay.

"Sino ka ba?" nagbabantang tanong ni Jun Wu Xie, naniningkit ang mga mata.

Ibinukas ng red robed man ang kaniyang mga braso at sa harap ng lahat, ay itinaas niya ang

laylayan ng kaniyang kausotan at lumuhod sa isang tuhod sa harapan ni Jun Wu Xie!

"Pagbati, aking Mistress, ako ang iyong ring spirit."

[Ano!?]

Sa sandaling binitawan ng red robed man ang mga salitang iyon, ay hindi makapaniwalang

napatitig si Jun Qing at Long Qi.

[Ring spirit!?]

[Paano nangyari iyon!?]

Hindi pa sila kailanman nakakita ng ring spirit na nagkatawang tao kahit kailan. Higit pa doon…

si Jun Wu Xie ay mayroon ng ring spirit, kaya paano nangyari na may ikalawa?

Kahit saang lupain, simula sa kauna-unahang panahon hanggang sa ngayon, wala pang tao na

nagkaroon ng dalawang ring spirit. Hindi magawang maniwala ni Jun Qing at Long Qi sa mga

sinasabi ng red robed man.

Ngunit…

Ang mga mata ni Jun Wu Xie ay nagpakita lamang ng patak ng sorpresa, ngunit walang

ipinakitang kahit anong ekspresyon ng hindi paniniwala, at kahit maging ang black beast na

nakatayo sa harapan ni Jun Wu Xie ay binawi na ang agresibong asal.

"Isa kang plant ring spirit?" Ang mga nakakagulat na salitang iyon na lumabas mula sa bibig ni

Jun Wu Xie ay nagpapakita lamang na pinaniniwalaan niya ang mga sinabi ng red robed man,

at talagang hindi iyon mapaniwalaan ni Long Qi at Jun Qing!


Load failed, please RETRY

Presentes

Presente -- Presente recebido

    Status de energia semanal

    Rank -- Ranking de Poder
    Stone -- Pedra de Poder

    Capítulos de desbloqueio em lote

    Índice

    Opções de exibição

    Fundo

    Fonte

    Tamanho

    Comentários do capítulo

    Escreva uma avaliação Status de leitura: C1187
    Falha ao postar. Tente novamente
    • Qualidade da Tradução
    • Estabilidade das atualizações
    • Desenvolvimento de Histórias
    • Design de Personagens
    • Antecedentes do mundo

    O escore total 0.0

    Resenha postada com sucesso! Leia mais resenhas
    Vote com Power Stone
    Rank NO.-- Ranking de Potência
    Stone -- Pedra de Poder
    Denunciar conteúdo impróprio
    Dica de erro

    Denunciar abuso

    Comentários do parágrafo

    Login