"Dakilang Tiyahin!" Nang makita ni Lin Que na kinuha ng lalaki si Lin Feng, ang puso niya ay tila piniga.
"May sasabihin ka?" tanong ni Qu Xin Rui at malamig na ngumiti kay Lin Que.
Nanigas si Lin Que sa kaniyang puwesto, nakabuka lang ang kaniyang bibig habang patuloy na
nanginginig. Sumalampak siya sa sahig at muling lumuhod tanda ng pagsunod at hindi na nangahas
magsalita pang muli.
"Dakilang Tiyahin, patawarin mo ako! Alam ko na ang aking kasalanan! Alam ko na ang aking kasalanan!"
Hindi niya na inisip pa ang sakit na nararamdaman. Nang marinig niya ang utos ni Qu Xin Rui na
disiplinahin siya, alam niya na nasa malaking gulo siya at wala siyang ibang magagawa kung bhindi ng
magmakaawa.
"Ama! Tulungan mo ako… tulungan mo ako…" puno ng takot ang boses ni Lin Feng.
[Nagkamali siya, napagtanto niya na malaki ang kasalanang nagawa niya ngayon. Hindi sumagi sa isip
niya na si Jun Xie ay ang Emperador ng Fire Country. Kung alam niya lang, maiintindihan niya kung ano
ang tunay na pakay ni Qu Xin Rui sa pagkuha ng loob ni Jun Xie at hindi siya mangangahas na pagsalitaan
ng masama si Jun Xie.]
Ngunit hindi alam ni Lin Feng kung bakit hindi niya napigilan ang sarili kanina na magsalita laban kay Jun
Xie at maging kay Qu XIn Rui.
Nakakalungkot naa walang pakialam si Qu Xin Rui, at mas lalong nakakalungkot na pati si Lin Que ay
walang pakialam..
Si Lin Feng ay hinila pababa ng hagdan ng lalaki, ang kaniyang mga sigaw ay pahina ng pahina habang
nawala ang pigura ng lalaki sa hagdan.
Sumandal si Qu Xin Rui sa kaniyang silya, ang kaniyang kamay ay nakahawak sa kaniyang ulo habang
tiningnan si Ling Que na nakaluhod sa kaniyang harap at nagsabing, "Ako na ang magdidisiplina sa kaniya
ng ilang araw at ibabalik ko siya sa iyo pagkatapos. Maari ka nang tumayo."
Si Lin Que ay tahimik ng ilang sandali bago nauutal na nagsabing, "Nagpapasalamat ako sa pag-aalala ng
Dakilang Tiyahin."
Tumayo siya at bumalik sa kaniyang inuupuan at hindi na nagsalita pagkatapos.
Sa basahan makikita ang dugo ni Lin Feng na nagkalat. Ang amoy ng dugo ay nalalanghap ng lahat ng
bisita sa loob ng silid.
Nagpatuloy sa pagtugtog ng musika na tila walang gulong nangyari.
Isang ngiti ang bumalik sa mga labi ni Qu Xin Rui nang hinarap si Jun Xie sa kaniyang tabi. "Young Master
Jun, huwag mong bigyan ito ng pansin. Hayaan mong mag-alok ako ng tagay."
Itinaas ni Jun Xie ang kaniyang kopa, tinanggap ang alok ni QU xin Ruin a pagtagay.
"Huwag mong hayaan na masira ang kasiyahan dahil lang sa ignoranteng tao. Tungkol doon sa sinabi ko
kanina, hinihiling ko na pag-isipan ito ni Young Master Jun. Kung ikokonsidera mong tumulong, kung
ikaw at ako, o ang buong Fire Country, ang lahat ay magbebenepisyo mula rito. Sa buong mundo, wala ni
isang pinuno ang nagtataglay ng Purple Spirit." Nagpatuloy na magsalita si Qu Xin Ruin a tila walang gulo
naa nangyari kanina lamang, ang kaniyang ngiti ay napakatamis.
Hindi alam ni Jun Wu Xie kung paano nalaman ni Qu Xin Ruin a siya ang Emperador ng Fire Country
ngunit hindi siya magpapaliwanag pa ng detalye. At dahil sinabi sa kaniya ni Qu Xin Rui na pag-isipan ito,
kung kaya naman napagpasyahan niya na pag-isipan ito nang "mabagal".
"Pag-iisipan ko ito ng maigi."
Ngumiti si Qu XIn Rui. Hindi siya nniniwala na walang tao sa sanlibutan ang hindi maghahangad sa
kapangyarihan ng Purple Spirit.
Kahit ang Emperador ay nag-aalala na sa kanilang pagtanda at ang kamatayan.
Inangat ni Qu Xin Rui ang kaniyang kopa nang may mapansin siya sa balat ng kaniyang kamay. Biglang
ngbago ang ekspresyon ng kaniyang mukha.
Isang malakas na kalabog ang narinig nila!
Napatingin ang lahat sa kaniya dahil sa gulat.
Malakas na ibignsak ni Qu Xin Rui ang Kopa sa sahig dahil sa galit, mababakas sa kaniyang mukha ang
poot.
"Dito na nagtataposs ang piging ngayong araw at ang lahat ng bisita ay maaari nang umuwi!" Madilim
ang mukha ni QU Xin Rui habang hawak ang kaniyang isang kamay at biglang tumalikod at naglakad
papunta sa likod.
Biglang natapos ang salu-salo para sa kaarawan ni Qu Xin Rui at nagulat ang mga panauhin sa mga
nangyari. Ngunit dahil ito ay inutos ni Qu Xin Rui, sila ay hindi na nagtagal pa sa silid at lumabas at
umuwi na maliban na lamang kay Lin Feng na hindi uuwi sa gabing iyon.