Baixar aplicativo
56.65% Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 885: Piging Sa Palasyo (4)

Capítulo 885: Piging Sa Palasyo (4)

Editor: LiberReverieGroup

Naisip pa lang ni Lei Chen tumayo upang sumunod ng hatakin ni Lei Yuan ang manggas ng kaniyang kasuotan.

"Second Brother, anong ginagawa mo?" nakasimangot ang mukha na tanong ni Lei Chen sa bilugan na si Lei Yuan.

Mahina ang boses na sumagot si Lei Yuan: "Ang aking Royal Brother ay sadyang matalino, sigurado na iyong mapagtatanto kung ano ang sinasabi ni ama. Dahil sa ang intensiyon ni ama ay mas magkasalamuha pa si Fourth Brother at Jun Xie, mas makabubuti na ang aking Royal Brother ay hindi tataliwas sa nais ni ama. Alam kong malapit ka sa Zephyr Academy. At kahit na isakripisyo mo ang isang Jun Xie para kay Fourth Brother hindi ba't nasa sa'yo pa rin ang iba?"

Nasaksihan ni Lei Yuan ang katapangan ni Jun Xie noon. Ngunit nagsalita ang Emperor na nais niyang magkalapit si Jun Xie at Lei Fan sa isa't isa. Hindi ba masyadong halata naman ang kanilang ama?

Naningkit ang mata ni Lei Chen at lumingon upang tingnan ang trono at nakitang abal ito. Ang tingin ng Emperor ay nasa gawi ni Jun Xie ng mga sandaling iyon at saglit na nag-isip si Lei Chen bago siya nagdesisyon na hayaan na ang nauna niyang intensiyon, naupo na lamang siya upang lunurin ang kaniyang lungkot.

Si Lei Fan ay nakatayo na noon sa tabi ni Jun Xie at nakangiti siyang tumingin kay Jun Xie at sinabi: "Tingin ba ni Jun Xie na ang piging ngayon ay masaya?"

Nanatiling tahimik si Jun Wu Xie at hindi nagsalita.

Tila nakasanayan na ni Lei Fan ang malamig at malayong pagkatao ni Jun Xie at hindi niya iyon gaanong pansin.

Kaya lamang, nang magtatanong na sana si Lei Fan kay Jun Xie ay may dumating na guwardiya mula sa labas ng palasyo upang maghatid ng balita.

"Ako'y magbabalita Your Majesty, ang Grand Adviser ay nandito."

Mabilis na nakuha ng balitang iyon ang atensyon ng Emperor at magsasalita sana siya ng mapatingin siya kay Jun Xie at mabilis na sinabi: " Bigla kong naalala na masyado pang bata si Jun Xie at hindi masisiyahan sa isang walang buhay na piging dito. Little Fan, bilang isang Prince, kailangan mong maging mabuting punong-abala kay Jun Xie. Ang mga ganitong sayawan at pagtatanghal ay maaaring hindi niya gusto, kaya naman bakit hindi mo dalhin si Jun Xie sa Imperial Garden upang maglakad-lakad. Ngayong taon ay nagtanim tayo ng mga bagong tubong chrysanthemum doon."

Ang biglaang suhestiyon ng Emperor ay nagdulot ng gulat sa lahat ng dumalo sa piging. Kababalita lang na ang Grand Adviser ay dumating kaya bakita hindi inuutusan ng Emperor ang mga guwardiya na papasukin ang bisita at sa halip ay inuutusan si Lei Fan na samahan si Jun Xie sa isang pamamasyal sa Imperial Garden?

Karamihan sa mga naroon sa piging ay sinarili na lamang ang kanilang naisip tungkol sa naging kilos ng Emperor at ang bata at walang muwang na mga kabataan ng War Banner at Dragon Slayer na hindi pa nakikita ang lahat ay lihim na nainggit sa pagkiling na pabor ng Emperor na pinapakita kay Jun Xie.

Ang Emperor na nag-ayos ng isang magarbong piging ay nagawa pa na mag-alala kung ang batang si Jun Xie ay mababagot at inutusan ang Prince na si Lei Fan na samahan si Jun Xie na maglakad-lakad sa paligid ng Imperial Palace. Isang malaking karangalan iyon!

Tumango si Jun Wu Xie , hindi siya tumutol ni konti sa suhestyon ng Emperor.

Isang tingin ng tagumpay ang ibinato ni Lei Fan kay Lei Chen at inakay na si Jun Xie palayo sa piging na may maliwanag na ngiti sa mukha. Nang silang dalawa ay lumakad na palabas ay may nakita siyang isang elegante at marikit na anyo sa labas.

Isang kaakit-akit na lalaki natila nasa edad na dalawampu, ang kasuotan ay isang mahabang roba na kulay pilak, ang mga kamay ay nasa kaniyang gilid at nakatayo sa labas. Ang magandang anyo sa kaakit-akit nitong mukha ay para bang maliwanag na buwan sa kalangitan at ang nakakuha talaga sa atensiyon ni Jun Wu Xie ay ang buhok ng lalaki.

Ang kaniyang ulo ay mayroong buhok na kulay pilak na tinalian palikod ng isang kulay pilak na tali. Sa kaniyang mukha ay makikita ang isang banayad na ngiti. Nang makita niya ang anyo ni Jun Wu Xie at Lei Fan, tinignan niya ang mga ito na may nakangting mga mata ngunit walang sinabi na kahit ano.

Pagkaalis ni Jun Wu Xie at Lei Chen, ang lalaking may kulay pilak na buhok na nakatayo sa tapat ng pintuan ay magalang na nagtanong sa junior eunuch na nasa tabi niya: "Ang batang umalis kasama ng Fourth Prince, sino siya?"

Matapat na sumagot at junior eunuch: "Siya ay isang disipulo mula sa Zephyr Academy na nagngangalang Jun Xie, isa siya sa mga bisita ng Kamahalan na inimbitahan ngayong gabi."

"Oh? Iyon pala si Jun Xie." saad ng lalaki, ang kaniyang labi ay napangiti at ang mga paa ay biglang pumihit, iniba ang direksiyon ng paglalakad.


Load failed, please RETRY

Presentes

Presente -- Presente recebido

    Status de energia semanal

    Rank -- Ranking de Poder
    Stone -- Pedra de Poder

    Capítulos de desbloqueio em lote

    Índice

    Opções de exibição

    Fundo

    Fonte

    Tamanho

    Comentários do capítulo

    Escreva uma avaliação Status de leitura: C885
    Falha ao postar. Tente novamente
    • Qualidade da Tradução
    • Estabilidade das atualizações
    • Desenvolvimento de Histórias
    • Design de Personagens
    • Antecedentes do mundo

    O escore total 0.0

    Resenha postada com sucesso! Leia mais resenhas
    Vote com Power Stone
    Rank NO.-- Ranking de Potência
    Stone -- Pedra de Poder
    Denunciar conteúdo impróprio
    Dica de erro

    Denunciar abuso

    Comentários do parágrafo

    Login