Baixar aplicativo
53.84% Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 841: Pambibintang (2)

Capítulo 841: Pambibintang (2)

Editor: LiberReverieGroup

Alam ng lahat ang kakayahan ni Jun Xie. Kahit na tinalo ni Jun Xie ang kaniyang mga nakalaban sa isang kisap-mata lang, hindi niya ito inatake ng sobra. Ngunit ngayon, sa harap ng lahat, inatake ni Jun Xie si Qu Ling Yue hanggang sa magsuka ito ng dugo. Nang makita nila ang kalagayan ni Qu Ling Yue, alam ng lahat na hindi na maganda ang nangyayari.

Sa nakikita nila, nagtamo ng internal injuries si Qu Ling Yue!

Nagsipasok ang mga guwardiya habang nagkakagulo sa loob ng battle arena. Hawak nila ang mga espada sa kanilang mga kamay habang nakatingin kay Jun Xie.

"Ikaw si Jun Xie?"

Inilibot ni Jun Wu Xie ang kaniyang tingin sa mga guwardiya.

"Oo."

"Hindi pinapahintulutan ng Spirit Battle Tournament na magdulot ng malubhang pinsala ang isang contestant sa kapwa nito contestant. Walang malay ngayon si Qu Ling Yue dahil sa natamo nito, nasa bingit ito ng kamatayan. Masyadong naging brutal ang iyong atake at nilabag mo ang alituntunin ng Spirit Battle Tournament. Kailangan mong sumama saamin." Malamig na salaysay ng guwardiya.

Mas lalong nag-ingay ang battle arena. Mayroon ngang ganoong alituntunin ang Spirit Battle Tournament, pwede silang makipaglaban pero hindi nila pwedeng patayin ang kanilang makakalaban. Kung sila ay papatay mayroon iyong kaakibat na parusa.

Tinapunan naman ni Jun Wu Xie ng malamig na tingin ang mga guwardiya saka ngumisi. Itinaas niya ang kaniyang dalawang kamay at sa ginawa niyang iyon nakaramdam ng panlalamig at paninigas ng katawan ang mga guwardiya!

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo!?"

Nagtaas ng kilay si Jun Wu Xie at nagsalita: "Di ba sabi niyo ay kukunin niyo ako?" Pinagdikit niya ang kaniyang mga palad, nagyeyelo ang mga tingin nito.

[Ang bilis nilang naparito.]

Nakahinga ng maluwag ang mga guwardiya. Alam nilang green spirit user si Jun Wu Xie at wala sa kanila ang makakapantay dito. Buti na lang at pumayag si Jun Xie. Agad pinosasan si Jun Xie ng isa sa mga guwardiya saka sinama palabas.

Hinayaan naman ni Jun Wu Xie na isama at itapon siya sa kulungan ng mga guwardiya habang ang buong Imperial Capital ay nag-iingay.

Ang Young Miss ng Thousanf Beast City na si Qu Ling Yue ay malubhang napinsala sa Spirit Battle Tournament. At ang may sala ay walang iba kundi si Jun Xie!

Mabilis na kumalat ang balitang iyon sa mga tao.

Sa oras na iyon ay mag-isang nakaupo si Jun Wu Xie sa kulungan ng Imperial Capital. Sa loob ng madilim na kulungang iyon ay maduduming dayami lang ang naroon.

Sumalampak si Jun Wu Xie sa maduming dayami at tinitigan ang posas sa kaniyang mga kamay. Isang malungkot na ngiti ang gumuhit sa kaniyang mga labi.

"Meow."

[Sa iyong nauna at kasalukuyang buhay, Mistress, ito ang unang beses na nasa piitan ka!]

Nagpaikot-ikot ang pusa kay Jun Wu Xie.

"Sa buhay, laging may unang beses kang mararanasan." Marahang saad ni Jun Wu Xie. Parang walang gaanong pakialam si Jun Wu Xie sa kaniyang kalagayan. Ang nasa isip niya ngayon ay kung ano ang nangyari kay Qu Ling Yue.

Iniisip niya iyong mabuti. Bago ang laban ay hindi naman nagpakita ng kakaiba si Qu Ling Yue. Pero bago pa man siya umatake ay nagsimula na itong magsuka ng dugo at humandusay sa lupa. Sigurado siyang hindi niya pa nagagalaw kahit hibla man lang ng buhok ni Qu Ling Yue. Kay imposibleng napinsala niya ito.

Hindi niya gaanong binibigyang pansin si Qu Ling Yue ngunit hindi mahirap isipin na inosente ito. Para sa isang simpleng babaeng katulad ni Qu Ling Yue, hindi ito makakaisip na gumawa ng patibong.

Sigurado si Jun Wu Xie na ang nangyari ngayon araw ay kagagawan ng isang tao. At iyon ay para isisi sa kaniya!

"Ang Emperor kaya, o ang Fourth Prince?" Kakaiba ang plano nito. Gumuhit ang mapait na ngiti sa labi ni Jun Wu Xie at bumakas ang nanlalamig na tingin sa mga mata nito.


Load failed, please RETRY

Presentes

Presente -- Presente recebido

    Status de energia semanal

    Rank -- Ranking de Poder
    Stone -- Pedra de Poder

    Capítulos de desbloqueio em lote

    Índice

    Opções de exibição

    Fundo

    Fonte

    Tamanho

    Comentários do capítulo

    Escreva uma avaliação Status de leitura: C841
    Falha ao postar. Tente novamente
    • Qualidade da Tradução
    • Estabilidade das atualizações
    • Desenvolvimento de Histórias
    • Design de Personagens
    • Antecedentes do mundo

    O escore total 0.0

    Resenha postada com sucesso! Leia mais resenhas
    Vote com Power Stone
    Rank NO.-- Ranking de Potência
    Stone -- Pedra de Poder
    Denunciar conteúdo impróprio
    Dica de erro

    Denunciar abuso

    Comentários do parágrafo

    Login