Si Lei Chen ay nasa ilalim ng impluwensiya ng gamot at ibinahagi lahat ng nalalaman nito bilang tugon sa mga tanong ni Jun Wu Xie. Base sa mga impormasyong nakuha niya kay Lei Chen, napagtanto ni Jun Wu Xie na ang orihinal na kopya ng mapa ay nasa pangangalaga ng eperador ng Yan Country.
"Ang mga bagay ay mas naging mahirap gawin. Kung nasa kamay nga ng emperador ang mapa, siguradong mas mahihirapan tayong makasalamuha ito." Saad ni Fan Zhuo habang diretso ang mga mata na nakatingin kay Jun Wu Xie. "Sa mga nalaman natin ngayon, mukhang hindi tayo pwesdeng lumayo kay Lei Chen."
Tumango si Jun Wu Xie bilang pagsang-ayon, "Si Lei Chen ang magiging tulay natin para makausap ang emperador."
Ang emeprador ng Yan Country ay hindi maganda ang pakiramdam nitong mga nakaraang taon at bibihira itong umalis sa Imperial Palace. Kung wala si Lei Chen bilang tulay, ang natatanging paraan para makaharap nila ang emperador ay ang pumasok ng sapilitan sa Imperial Palace. Ngunit hindi nila kabisado ang loob ng Imperial Palace at ang sapilitang pagpasok dito ay higit na delikado at baka sila ay mahuli ng magagaling at makapangyarihan na exponent na nasa tabi ng emperador.
Walang kumpiyansa si Jun Wu Xie sa ganoong paraan.
"Maari pa rin nating magamit si Lei Chen ngunit si Lei Chen ay kasalukuyang pinupuntirya ng kung sino man. Kung patuloy tayong malapit sa kaniya, ang reputasyon ng Zephyr Academy ay…" Hindi itinuloy ni Hua Yao ang kaniyang saloobin at makahulugang tiningnan si Fan Zhuo.
"Sa tingin ko kahit nasira ang pangalan ng Zeohyr Academy ngayon, malilinis din natin ito isang araw. At kung totoo nga na may taong intensiyon nasirain ang pangalan ng Zephyr Academy, ano naman ngayon? Ang importante ay maipanalo natin ang Spirit Battle Tournament ngayong taon, maititikom ng lahat ang kani-kaniyang bibig." Saad ni Fan Zhuo sa nag-aalalang si Hua Yao para kay Fan Jin, kung kaya, ngumiti na lamang siya at tila hindi nag-aalala.
"Hindi na kailangan." Biglang sabi ni Jun Wu Xie.
Ang mga mata ng kaniyang mga kasama ay nalipat sa kaniya.
"Little Xie, snabi mo bang hindi na kailangan?" tanong ni Fan Zhuo, ang kaniyang mga mata ay puno ng pagtataka.
Si Jun Wu Xie ay nanatiling nakatingin kay Lei Chen at tinanong ang kaniyang kasamahan, "Lahat ba kayo ay naisip na madali nating makukuha ang mapa sa emperador ng ganoon kadali?"
Nagulat sila sa tanong ni Jun Wu Xie.
Maliban sa mapa na ibinigay ni Fan Zhuo, bago nila makuha ang dalawa pang piraso ng mapa, kailangan nilang makipaglaban sa may hawak sa mapa. Ang Imperial Palace ay hindi maihahalintulad sa palasyo ng tagapagmanang prinsipe dahil hindi sila dito makakapasok at makakaasli ng basta basta.
"Hindi papayag ang labing dalawang palasyo na mawala ang mapa." Saad ni Jun Wu Xie nang walang ipinapakitang emosyon. Sa mga tao na katulad ni Ke Cang Ju at Ning Rui, ang mga mapang iyon ay malaking pagkakataon para sa kanila ngunit isa ring napakalaking peligro. Kung ang mga mapa na ipinagkatiwala sa kanila ay naiwala, siguradong ikagagalit ng labing dalawang palasyo iyon!
Kung kaya sigurado siya na poprotektahan nito ng maigi ng emperador ng Yan Country sa lubos ng kaniyang makakaya.
At kung kukuhanin ito ni Jun Wu Xie sa kamay ng emperador, paniguradong may maigting na paglalaban ang magaganap.
Bumalik ang tingin ni Jun Wu Xie sa kay Lei Chen. Kung nakaya niyang maiangat ang posisyon ni Mo Qian Yuan, maari niya ring gawin it okay Lei Chen. Ngunit bago iyon, kailangan niya ng karagdagang impormasyon tungkol sa Yan Country.
Kung titingnan, ang posisyon ni Lei Chen ay matatag. Ngunit kung ikokonsidera niya ang mga kaganapan na kung saan pili na pinababagsak si Lei Chen ng kung sino man at sa mga ibinunyag ni Lei Chen na impormasyon, malinaw na ang posisyon ng tagapagmanang prinsipe ay hindi katulad ng ipinapakita nitong imahe.
Naramdaman ni Qiao Chu ang hindi pagiging desidido ni Jun Wu Xie kaya tinanon niya ito, "Ano ang intensiyon mong gawin Little Xie?" kahit walang ano mang rason, nang makita niya ang ekspresyon ni Jun Wu Xie, nararamdaman niyang may di kaaya-ayang mangyayari sa nalalapit na panahon.
Ngunit umiling si Jun Wu Xie. Kinalkula niya ang panahon kung gaano katagal eepekto ang gamot bago nagsalitang muli.
" Mauna na kayo."