Kalmadong tiningnan ni Fan Zhuo si Gongcheng Lei. Nang unang malaman ni Jun Wu Xie na may taong naglalagay ng
gamut sa kaniyang pagkain, naramdaman niya at ng kaniyang kapatid na mayroong kakaibang nangyayari pero wala ang
nagsuspetsa kay Gongcheng Lei. Malaki ang utang na loob ni Gongcheng Lei sa kaniyang ama na si Fan Qi dahil sa
pagsagip sa buhay nito. Simula ng bata pa ito, nasa tabi na ito ng kaniyang ama at sa lumipas na mga taon, naging ito sa
kanila. Ang batang si Fan Zhuo ay hindi pinagdudahan si Gongcheng Lei na siyang naglalagay ng gamut sa kaniyang
pagkain.
Kung hindi niya nakitang muli si Ah Jing, at kung hindi nito nakita ang ekspresiyon ni Gongcheng Lei noon, siguro ay
hanggang ngayon, patuloy niya pa ring titingnan ito ng may pagmamahal at pagrespeto.
Pero ngayon…
Kumurba ang mga labi ni Fan Zhuo upang ngumiti. Ang matamis nitong ngiti na kasing-ganda ng buwan, ang ngiti nitong
walang sino man ang hindi magkakagusto.
"Ano ang nakita ni Tiyon Gongcheng?"
Nanginig ang katawan ni Gongcheng sa nerbiyos habang inangat ang tingin sa kay Fan Zhuo. Akala niya ay tapos na ang
isyung ito at wala na siyang gagawin pa. Hindi niya inaasahan na hahatakin siya ni Ning Rui at ilalagay s asitwasyong iyon.
Wala siyang magawa kung hindi ang pilitin ang sarili na uliting muli ang kwento. "Nang araw na iyon, nakatayo ako sa
labas ng pintuan upang magbantay nang may marinig ko ang Headmaster at ang nakatatandang Young Master na nag-
aaway. Noong una, akala ko ay may kkaunti lang silang hindi pagkakaintindihan kaya naman hindi ko na binigyan ng
pansin. Ngunit nang may naamoy akong dugo ay napagtanto kong may kahinahinalang naganap. Sa panahong tumakbo
na ako papunta sa loob ng opisina, naabutan kong hindi na humihinga ang Headmaster at nakita ko ang nakakatandang
Young Master ay hawak pa rin ang espada na pun to ng dugo habang nakatayo sa loob ng opisina.
Nanatiling nakangiti pa rin si Fan Zhuo.
"Tiyo Gongcheng, ilang taon ka nang nakasama ng aking ama?"
Nanigas si Gongcheng sa kaniyang kinatatayuan at saglit na nagdalawang-isip bago sumagot ng "mahigit sampung taon
na…"
"Mahigit sampung taon na… naalala kona bago pa kami dumating ng aking kapatid at bago pa ikinsal ang aking ama ay
nasa tabi ka na niya." Mukhang inaalala ni Fan Zhou ang nakaraan.
Hindi sumagot si Gongchen Lei at nanlamig ang kaniyang mga kamay at paa,
"Lagi kong iniisip na si Tiyo Gongcheng Lei ay mananatiling tapat sa aking ama at ngayon, mukhang nagkamali ako sa
pagbasa sa mga tao." Sabi ni Fan Zhuo at oagkatapos ay nagpakawala ng malalim na buntong-hininga.
Nagulat si Goncheng Lei at labis na nag-aalala pagkatapos ay nilingon niya si Ning Rui. Si Ning Rui ay nakakunot ang mga
noo, biglang naramdaman niya na ang pagbabalik ni Fan Zhuo ay higit na makakasira sa kaniyang mga plano.
"Little Zhuo, ano ba ang sinasabi mo? Hindi mo baa lam ang katangian ng tiyuhin mong si Gongcheng? Nasa tabi siya ng
iyong ama ng mahabang panahon at kalian ba siya nagpakita ng hindi matapat sa iyo? Mukhang hindi mo pa matanggap
ang nagawa ng iyong kapatid pero iyon ay ang katotohanan." Maagap na sabi ni Ning Rui. Nang ibinunyag ni Fan Zhuo
ang katotohan sa kanila ni Fan Jin, naging kaduda-duda na an gang krimeng hinabi sa pangalan ni Fan Jin at kung
hahayaan niyang magpatuloy ito, lalabas ang masangsang na amoy ng krimeng pilit nilang pinagtatakpan.
At dahil handa naman na ang mga pangkat ng disipulo para sa paglalakbay, ang tanging gusto ni Ning Rui ay ang matapos
na kumprontasyong ito.
Nanatiling nakangiti si Fan Zhuo habang tiningnan niya ang namumutlang si Ning Rui at napansin niya ang panginginig sa
mga labi ni Ning Rui dahil sa kaba atbago nagsalita "Sinasabi mo ba Tiyo Ning na binabaliktad ko ang katotohanan? Ito ay
mas naging interesante.Sinabi ni Tiyo Gongcheng na ang tanging nasa silid lamang ay ang aking ama at ang
nakatatandang kapatid ko at si Tiyo Gongcheng ay nakatayo sa labas sa buong panahong iyon at walang iabng lumapit sa
lugar na iyon. AT pagkatapos mamatay ng aking ama, saka niya lamang napansing mayroong mali. Ang lahat ng iyon ay
nagyari sa loob ng iisang araw lamang, tama ba?"
Dahil hindi malaman ni Ning Rui kung saan patungo ang mga sinasabi ni Fan Zhuo. Ang tanging nagawa ni Ning Rui ay
ang tumango bilang pagsang-ayon.
Mahinang tumawa si Fan Zhuo, ang matangkad ngunit maliit niyang pigura ay marahang bumaling sa karwahe na nasa
bukana ng Zephyr Academy nang biglang siyang may tinawag.
"Kuya, ano ang iyong masasabi?"
Ang katagang "Kuya" na tinawag ni Fan Zhuo ay tila isang kidlat at kulog sa paningin ni Ning Rui at Gongcheng!
Ibinaling nilang dalawa ang kanilang mga ulo at ang kanilang mga mata ay nakatingin sa karwahe sa harap nila, ang
natatanging tao na tinatawag ni Fan Zhuo na "Kuya" ay walang iba kung hindi ang lalaking iyon!