Baixar aplicativo
45.39% Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 709: Ang Paghahanda sa Laban (8)

Capítulo 709: Ang Paghahanda sa Laban (8)

Editor: LiberReverieGroup

"Hindi dapat natin malaman pa ang tungkol sa Three Realms. Ang sakit ng aking apo ay

nabigyang lunas ng ating Young Miss Jun at ang matinding pag-aalala na gumambala sa aking

puso ng pagkatagal-tagal sa wakas ay nawaksi na naging dahilan upang makamit ko ng hindi

inaasahan na mapagtagumpayan na makuha ang purple spirit." Kuwento ni Wen Xin Han.

Kahit si Wen Xin Han mismo ay hindi inaasahan na magtatagumpay siya maitaas ang kaniyang

sarili sa purple spirit.

Hindi lamang nagawa ni Jun Wu Xie na isalba ang buhay ng apo nito, nagawa rin nito na pawiin

ang tali sa puso niya kaya nagawa niya maabot ang mga bagay na hindi niya inaasahan.

Makalipas ang isang buwan na makuha ni Wen Xin Han ang kaniyang purple spirit, isang

misteryosong tao ang nagpakita sa kaniyang tirahan. Nanirahan si Wen Xin Han sa isang liblib

na lugar sa bundo ng mahabang panahon at ang lugar kung saan siya nakatira ay hindi niya

binangiit kahit kanino ngunit ang taong iyon ay nagawa siyang mahanap. Bago makapagsalita

si Wen Xin Han, ang taong iyon ay bigla siyang inatake.

Bago pa lang si Wen Xin Han noon sa antas ng purple spirit at ang kaniyang spirit power ay

labis na lumakas. Inisip niya na kayan niyang talunin ang kaniyang kalaban ng ganun lang kadali

ngunit hindi inaasahan ay inabot ang kanilang labanan ng tatlong araw at tatlong gabi at hindi

pa rin natukoy kung sino ang nagwagi. Natapos lamang ang labanan sapagkat hindi na nila

kayang ipagpatuloy pa iyon kaya nagdesisyon sila na tumigil na.

Pagkatapos ng lahat ang lalaking iyon ay nagbigay kay Wen Xin Han ng imbitasyon at sinabi sa

kaniya ang tungkol sa Three Realms.

Noon lang nalaman ni Wen Xin Han na ang lugar kung nasaan sila ay tinatawag na Lower

Realm at ang nasa itaas nila ay ang lugar na tinatawag na Middle Realm. Ang misteryosong

lalaki na iyon ay sinabing siya ay mula sa Middle Realm, sa isang lugar na kung tawagin ay

Temple of the Dragon.

Ayon sa lalaki, tanging ang mga tao na may purple spirit lamang ang maaaring pumasok sa

Middle Realm at ang mga indibidwal na nakagawa ng bagay na iyon noon sa Lower Realm ay

nakakatanggap ng imbitasyon mula sa Middle Realm at ang bisa ng imbitasyon na iyon ay isang

taon lamang, iyon ang dahilan kung bakit ang mga purple spirit na nagmula sa Lower Realm ay

unti-unting nawawala.

Sa loob ng isang taon, kung sasang-ayon si Wen Xin Han ay kailangan niyang ipaalam iyon sa

pamamagitan ng sulat at saka nila aayusin ang paglipat ni Wen Xin Han sa Middle Realm.

Kung sakaling tumanggi si Wen Xin Han ay wala siyang dapat gawin at ang alok ay lilipas

pagkatapos ng isang taon.

Sa mahabang kasaysayan ng Lower Realm ay may mangilan-ngilan na bilang ng purple spirits.

Ngunit matapos makamit ang hindi malalampasan na katanyagan, ang mga purple spirits na

iyon ay bigla na lamang mawawala ng walang bakas.

Tanging isa o dalawa na purple spirits lamang ang mapag-uusapan ng mga tao sa bandang huli,

ang bilang ng purple spirits ay tuluyan ng naglaho sa Lower Realm hanggang sa Wen Xin Han

ang unang tao sa nagdaang siglo ang nagkaroon muli ng imbitasyon sa Middle Realm.

Ang tao na nagbigay ng imbitasyon kay Wen Xin Han ay nangako na kung tatanggapin iyon ni

Wen Xin Han ay magkakaroon pa siya ng hindi mapantayan na kapangyarihan, kapangyarihan

na mas malakas pa sa purple spirit.

Upang makamit ang purple spirit dapat ay matindi ang paghangad niya na maabot ang

kapangyarihan at mahigitan pa iyon, ang pangako na makakuha ng higit pang kapangyarihan

kaysa sa mayroon na ang isang tao ay isang tukso.

"Ang taong iyon na sa aking palagay ay nasa kwarenta anyos ay kayang makipaglaban sa akin

sa parehong lakas. At dahil doon, ako ay napaisip kung paano ang isang lalaki na katulad niya

ay nagtataglay ng napakalakas na kapangyarihan, ngunit sa halip ay sinabi niya sa akin na hindi

lamang siya, kahit ang mga kabataan sa Middle Realm ay kayang gawin iyon. Tulad ng kay Gu

Ying, kahit na hindi ko pa nakikita kung gaano kalakas o kahina ang kaniyang spirit power,

minsan ay napansin ko ang inilalabas niyang purple spirit at naisip ko na ang magkaroon ng

gayong kapangyarihan sa murang edad ay maaaring nagmula sa Middle Realm." Buntong-

hininga na sabi ni Wen Xin Han. Hindi niya hangad na idawit ang kaniyang sarili sa mga gulo sa

loob ng Zephyr Academy dahil may mga tao na mula sa Middle Realm na sangkot.

"Young Miss Jun, hangga't maaari ay huwag mo galitin ang mga tao na nagmula sa Middle

Realm." Matapat na nakatingin si Wen Xin Han kay Jun Wu Xie. Ang makita niya ang lakas ng

Middle Realm, kahit si Wen Xin Han na isang purple spirit ay hindi nangahas na maging

kampante.


Load failed, please RETRY

Presentes

Presente -- Presente recebido

    Status de energia semanal

    Rank -- Ranking de Poder
    Stone -- Pedra de Poder

    Capítulos de desbloqueio em lote

    Índice

    Opções de exibição

    Fundo

    Fonte

    Tamanho

    Comentários do capítulo

    Escreva uma avaliação Status de leitura: C709
    Falha ao postar. Tente novamente
    • Qualidade da Tradução
    • Estabilidade das atualizações
    • Desenvolvimento de Histórias
    • Design de Personagens
    • Antecedentes do mundo

    O escore total 0.0

    Resenha postada com sucesso! Leia mais resenhas
    Vote com Power Stone
    Rank NO.-- Ranking de Potência
    Stone -- Pedra de Poder
    Denunciar conteúdo impróprio
    Dica de erro

    Denunciar abuso

    Comentários do parágrafo

    Login