Kahit ang maliit na itim na pusa ay mahimbing na natutulog sa kaniyang kandungan, naramdaman niya pa din ang mga
titig na may higit na pagkamuhi. Binuksan ng pusa ang kaniyang mga mata at tiningnan ang amo niyang kalmanteng
nakaupo.
Walang kahit na anong emosyon ang mababatid sa kaniyang mukha at tila ito'y kalmado na parang inukit sa bato.
Tinakpan ng pusa ang kaniyang mga mata gamit ang maliit na kamay nito. Para sa iba, ang reaksiyon ng kaniyang amo ay
pa bang katulad ng isang batang autistic.
Isa sa mga bagong disipulo ang nagsimulang maglakad palapit sa kay Jun Wu Xie.
"Ikaw ba ang nag-iisang pinili ni Master Gu?!" Hindi pa rin nito matanggap ang nangyari at hindi na napigilan ang sariling
lumapit at magtanong.
Dahan-dahang umangat ang ulo ni Jun Wu Xie at matalim na tiningnan ito. Tiningnan niya lamang ito saglit at muling
hinaplos ang maliit na itim na pusa sa kaniyang kandungan nang hindi pinapansin ang kaharap.
Ikinagalit ng kaharap ang hindi pagpansin sa kaniya. Ang batang ito ay isang arogante! Ni hindi man lang nagsalita ng
kahit isang salita at binigyan pa siya ng matalim na titig! Paano niya ito nagagawa?!
Kung ang maliit na itim na pusa ay nakapagsasalita lamang, malamang napagsabihan niya na ang nagbabaga sa galit na
kaharap ng kaniyang amo ng "Hindi arogante ang amok o, medyo hindi lang siya nakakapagsalita!"
Sa una at kasalukuyang buhay niya, hindi siya namuhay sa kahit anong mataong lugar. Kahit pagkatapos niyang sumali sa
organisasyon, independente na siya. At ito ang kauna-unahang pagkakataon na titira siya sa isang lugar kasama ang
maraming tao.
Noong nasa Phoenix Academy pa siya, kaunti lamang ang nakatira sa buong silangang bahagi at wala siyang naging
problema rito. Pero ngayong nasa Zephyr Academy siya, ang buong lugar ay puno ng mapangmata at mapanghamak na
tao kung kaya naman mas pinili niyang gumawa ng pader na maghihiwalay sa kaniya sa mga tao.
At dahil sa hindi matibag-tibag na pader na ginawa ni Jun Wu Xie sa sarili, mas lalong hindi siya maintindihan ng mga tao
sa paligid at iniisip na siya ay arogante at hambog.
Sinaway na sila ng lalaki bago pa man pumutok sa galit ang batang lumapit kay Jun Wu Xie. Pinagsabihan niya ang lahat
para maiwasan ang karagdagan pang gulo na maaring mangyari. Habang pinagsasabihan niya ang lahat, hindi niya
mapigilang daanan ng tingin ang maliit na pigurang nakaupo lamang sa isang sulok.
Ang batang iyan ang pinili ni Gu Li Sheng?
Ang katangian nito ay medyo mahirap intindihin.
Bago siya pumunta sa oryentasyon ng mga bagong disipulo, nagtagpo na sila ni Gu Li Sheng at sinabi nga nito na ang
napili nito ay kasama sa pagtitipon. Nabuhay ang kuryusidad niya sa kung sino ang maaring napili ni Gu Li Sheng habang
naglalakad siya papunta sa silid-aralan. Ngunit, sa buong diskusyon kasama ang mga bagong disipulo, wala siyang
napansing hindi pangkaraniwan sa batang si Jun Xie. Ang bukod tanging napansin niya lamang ay ang ugali nito. Simula
ng dumating siya, hindi man lang tumapon ng tingin sa kaniya ang bata at walang ibang ginawa kung hindi ang laruin ang
kaniyang ring spirit. Hindi niya maintindihan kung ano ang espesyal sa batang ito.
Iniisip niya na dahil nagdesisyon si Gu Li Shen na kumuha ng isang disipulo lamang, maaring ito ay ekstra-ordinaryo at
bukod tangi sa lahat. Pero ngayong nakita niya na ang batang disipulo, mukhang hindi nakamit ang kaniyang inaasahan.
Kahit pinigilan niya ang nagbabadyang kaguluhan kanina, hindi niya din nagustohan ang naging asal ni Jun Wu Xie.
Mahihirapan itong makitungo sa mga susunod na araw niya dito sa Zephyr Academy dahil sa pagiging independente
niya.
Tinapos niya na ang pagtitipon ng mga bagong disipulo ilang sandal bago ang hapunan.
Hindi na tumutol pa ang mga bagong disipulo at wala na rin silang upang kumprontahin si Jun Wu Xie, kahit na gustong-
gusto nilang puntahan ito sa sulok at turuan ng leksiyon dahil sa aroganteng asal nito. Ngunit, bago pa makalabas ang
lahat sa pintuan, lahat sila ay hindi nakagalaw.
Si Fan Jin ay may malaking ngiti sa kaniyang mga labi habang nakatayo sa harap ng pintuan. Dahil sa matangkad niyang
pigura, mabilis na nahanap ng kaniyang mga mata si Jun Wu Xie sa dagat ng mga kabataan sa silid na mag-iisang
naglalakad. Sa kabila ng mga titig ng mga nabiglang bagong disipulo, malalaki ang ginawang hakbang ni Fan Jin tungo kay
Jun Wu Xie.
Ano ang nangyayari…
Pumunta talaga si Senior Fan para lang sunduin ang aroganteng batang iyan?!