Ibinaba niya ang tingin sa maliit na itim na pusa na nakasandal sa kaniya. Umupo siya para bumangon at umalis sa higaan.
Nagulat si Fei Yan sa nakita niya at mabilis niya itong pinigilan: "Hindi ka pa magaling!"
Pinilit pa rin ni Jun Wu Xie ngunit nahilo siya sa pagkalapat ng kaniyang paa sa sahig. Para siyang matutumba. Lalapitan sana siya ni Fei Yan para alalayan ito ngunit hininto niya muna ang sarili niya at nagtungo ito sa pinto.
Malungkot ang sumalubong na paligid sa kaniya. Walang laman na bakuran, sirang mga gusali at mga matataas na damo at mga bato sa daan ang natatanaw niya. Ang nilalakad niyang gusali ay parang akademya ngunit sira at abandonada para okopahan ng batang babae sa tabi niya at ang Master nito.
Narinig na ni Jun Wu Xie ang mga akademya at maraming kabataan ang nagpatala dito pagkatapos ng pag gising ng kanilang Ring Spirits para mag-aral sa ilalim ng Master. Pag-aaralan dito ang tungkol sa Ring Spirits at Spiritual Powers.
Dapat ay nakapagpatala na si Jun Wu Xie sa akademya sa edad niya ngayon ngunit ang mga naganap na kaguluhan sa Qi Kingdom ay naging hadlang para sa pagkakataon niyang makapag-aral.
Habang naglalanghap ng hangin sa bakuran si Jun Wu Xie ay nakaamoy siya ng alak. Iniangat nito ang kaniyang ulo at tinungo kung saan ito galing.
Sa gilid mg bakuran sa Lotus Pond, isang lalaking may balbas ang nakaupo, kinukuha ang takip ng alak sa kaniyang kamay. Kalahati ng mukha nito'y natatakpan ng balbas ngunit kita din sa mukha nito ang pamumula at napapapikit na ito sa kalasingan. Nakuha ang atensyon ni Jun Wu Xie sa likod ng lalake. Isang bulaklak ng lotus na napapaligiran ng duckweeds.
"Hoy! Hindi ka dapat gumalaw ng ganito! Hindi ka pa magaling!" Tinungo agad ito ni Fei Yan ang nkatayong si Jun W Xie sa bandang Lotus Pond. Tiningna ni Fei Yan ito at lumipat sa mabalbas na lalake na inoobserbahan si Jun Wu Xie habang hawak ang takip ng alak. "Master! Hindi siya nakikinig, pinipilit niyang lumabas kahit hindi pa siya magaling."
Nakatingin lang ang tinawag ni Fei Yan na Master kay Jun Wu Xie. "Hayaan mo siyang tingnan ito. Sa kaniya amg Ring Spirit na ito, at ito ang kinalabasan ng mga nangyari. Normal lang sa kaniya ang mag-alala."
Iyon lang ang nag-iisang Lotus sa lawa at iyon ang Snow Lotus. Pagkatapos ng atake ng nakaputing lalake, ang Snow Lotus ay nawala ang taglay na kapangyarihan nito, at hindi na mababalik sa anyong tao. Ang mga magagandang talutot nito'y lumiit at dikit-dikit. Ang dulo ng talutot ay naging kayumanggi na, at halos ang ganda nito ay nawala na kumpara noon.
Tahimik na pinagmamasdan ni Jun Wu Xie ang Snow Lotus. Makalipas ang isang oras ay tinanong niya ang mabalbas na lalake na nakaobserba sa kaniya kanina pa.
"Hindi na ba ito masasalba?"
"Ang buhay nito ay nasira, ngunit pag manatili muna ito sa lawang ito at posibleng maisalba pa ito. Kapag piniliti naman itong galawin, sa dalawang Linggo lang ay maglalaho lang ito sa hangin." Walamg pakundangan na sagot ng mabalbas na lalake.
Nakasimangot si Jun Wu Xie at binaba nito ang tingin sa nakapulupot na pusa sa braso niya at nanahimik lang ito.
"Sa halip na ibuhos mo ang pag-alala mo diyan, mag-isip ka rin para sa sarili mo. Malala ang mga sugat mo at ang dinig ko kay Qiao Chu ay nakalaba niyo ang mga tao mula sa Middle Realm. Gumamit ka ng natatanging teknik para pag-atake sa kalaban, tama ba?" Nagdalawang isip ang mabalbas na lalake ngunit dagdag pa nito: "Huwag kang mag-alala, ako ang Master ni Hua Yao at ng iba pa."
Tiningnan lang ito ni Jun Wu Xie at hindi pa rin ito umimik.
Wala ng nagawa ang mabalbas na lalake sa maliit at walang ekspresyong mukha ni Jun Wu Xie. "Sige, kung ayaw mong pag-usapan, hindi mo kailangan sumagot. Mahirap gamutin ang sugatang kaluluwa. Mas maingat ka na dapat simula ngayon."
Tinungo ni Jun Wu Xie ang mga mata niya sa Snow Lotus at nagtanong: "Masasalba mo ito?" Hindi niya mawari ang Little Lotus at Drunk Lotus Spirit. Ngunit ramdam niya ang munting buhay nito sa lawa kaysa sa masamang araw na iyon para sa kanila.