Baixar aplicativo
17.02% Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 266: Hidden Cloud Peak (2)

Capítulo 266: Hidden Cloud Peak (2)

Editor: LiberReverieGroup

Hindi sumagot si Jun Xie sa mga nangyari, tinanggap niya ang mga ito.

Ke Cang Ju?

Ipapakita niya sa kanya kung sino ba ang mas malaking diyablo sa kanila!

Kasisimula lang ng laro. Walang pagmamadali!

Sa inaasahan, sa daan-daang mga naiwan, mahigit sampu lang sa kanila ang napili ng mga Tanda para makapasok sa Inner House at mababa sa isang-daan ang tinanggap sa Outer House. Ang mga natira ay pinaalis sa bundok.

Natapos ang araw ng may maraming luha, at dinala ng mga disipulo ang mga napili sa kanilang mga tuktok.

Sinama si Jun Wu Xie kay Qiao Chu, at ang disipulong nagdala sa kanila ay ang muntik nang mapaaway kay Jun Wu Xie, ngunit ngayon, wala na ang nakaraan niyang yabang. Maaaring dahil ito sa mga sinabi ni Jun Wu Xie sa kanya na tutulong pa sa kanya, ngunit may kagandahang-loob ang disipulo patungo sa kanila.

"Hindi naman masama ang Hidden Cloud Peak, at wala silang masyadon pinapagawa. Hindi siguro ito makakapagod para sa inyo." Nagsalita ang disipulo at tumigil, tumingin sa kanyang paligid. At nang sigurado nang wala nang nasa paligid niya, tumingin siya sa kanila at binulong: "Tandaan niyo ito. Pagdating niyo sa Hidden Cloud Peak, wag kayong lalaban kay Tandang Ke."

Tinignan ni Jun Wu Xie ang disipulo. Narinig niya mula kay Bai Yun Xian ang patungkol sa mga peligro ng Hidden Cloud Peak, ngunit hindi niya inasahang makarinig ng babala mula sa disipulo mula sa angkan ng Qing Yun.

Nang mapansin ang pagtingin sa kanya ni Jun Wu Xie, tumalikod ang disipulo.

"Ang ating bakbakan ay nagdala sa pagiging disipulo natin. Kung nabastos kita, sana'y mapatawad mo ako." Sinabi ng disipulo.

"Saang tuktok galing ang aking senior?" Tinanong bigla ni Jun Wu Xie.

"Ako? Galing ako sa Cloud Treading Peak, ngunit hindi direktang disipulo ni Tandang Mu. Wala akong ginagawang importante doon. Ako si Rong Heng." Timawa si Rong Heng at nagatubili bago magpatuloy: "Nais kong magpasalamat sa kanina. Linista ko ang lahat ng sinabi mo, ngunit baka hindi ko makuha ang mga damong-gamot na sinabi mo. Kakailanganin kong ibigay ang reseta sa aking amo."

Ang biglaang pagiba ng pakikitungo ni Rong Heng ay mayroon namang rason. Ang mga sinabi ni Jun Wu Xie kanina ay maaaring mag-ayos sa kanyang mga ugat at maaaring magdulot ng kanyang breakthrough. Magbabago ang kanyang buhay, at para roon, mapagpasalamat siya.

Tumango si Jun Wu Xie at tahimik bag sinabing: "Kung may oras kayo sa loob ng kalahating buwan para pumunta sa mga pintuan ng Hidden Cloud Peak, hintayin mo ako doon isang oras bago ang tanghaling-tapat, mayroon akong ibibigay sa iyo."

Hindi naramdaman ni Jun Wu Xie na may utang si Rong Heng sa kanya, dahil ang mga ginawa niya ay para lang maakit ang atensyon ni Mu Chen at nasama lamang ang pasasalamat ni Rong Heng. Ang mga intensyon ni Rong Heng sa likod ng kanyang mga babala sa kanilang dalawa ay magbibigay sa kanya ng gantimpala.

Hindi mapapatawad ni Jun Wu Xie ang anumang kamaliang ginawa sa kanya, ngunit ibabalik ang kagandahang-loob na natatanggap niya. Kung makikinabang siya sa iba, tinitiyak niyang mababalik niya ito ng higit pa.

Walang malay si Rong Heng sa mga kayamanang matatanggap niya, at hindi alam ang ibibigay ni Jun Wu Xie sa kanya. Tumango lang siya at pinakita sa kanila ang daan.

Sa mga pintuan ng Hidden Cloud Mountain, may nakasalubong silang ibang grupo ng mga natanggap.

Hindi sila napili at aalis dapat, ngunit dinala sila doon ng isang disipulo. Nasa labing-dalawa hanggang labing-tatlo sila, at nang makita si Jun Wu Xie at ang kanyang grupo, kita sa kanilang mukha na masaya sila ngunit mayroon paring sama ng loob para kay Jun Wu Xie.

"Hindi ba 'yan ang ating kilalang nakatatandang disipulo? Dahil sa kanyang pagkakakilala, hindi niya magawang maglakad ng mabili?" Kinutya sila Jun Wu Xie at Qiao Chu ng isang binata mula sa grupo.


Load failed, please RETRY

Presentes

Presente -- Presente recebido

    Status de energia semanal

    Rank -- Ranking de Poder
    Stone -- Pedra de Poder

    Capítulos de desbloqueio em lote

    Índice

    Opções de exibição

    Fundo

    Fonte

    Tamanho

    Comentários do capítulo

    Escreva uma avaliação Status de leitura: C266
    Falha ao postar. Tente novamente
    • Qualidade da Tradução
    • Estabilidade das atualizações
    • Desenvolvimento de Histórias
    • Design de Personagens
    • Antecedentes do mundo

    O escore total 0.0

    Resenha postada com sucesso! Leia mais resenhas
    Vote com Power Stone
    Rank NO.-- Ranking de Potência
    Stone -- Pedra de Poder
    Denunciar conteúdo impróprio
    Dica de erro

    Denunciar abuso

    Comentários do parágrafo

    Login