Baixar aplicativo
13.44% Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 210: Coercion (1)

Capítulo 210: Coercion (1)

Editor: LiberReverieGroup

Kinaumagahan, hindi na nag-antay ang Qing Yun Clan para sa morning court na magsimula. Sumugod ang mga ito sa main hall ng Imperial Palace.

Nakaupo naman si Mo Qian Yuan sa kaniyang trono kaharap ang kaniyang mga heneral at opisyales nang sila ay magulat sa agad na pagpasok ng Qing Yun Clan.

"Nasaan ang Soul Jade?" Hindi na naisip ni Jiang Chen Qing na nakakawalang respeto kay Mo Qian Yuan bilang Emperor ang kanilang pagsugod sa main hall. Humarang naman ang mga heneral at opisyales sa gitna.

Maaaring hindi nito napansin, ngunit sa katotohanan ay wala talaga itong pakialam na magbigay ng respeto para sa tagapamahala ng isang napakaliit na kaharian!

Ipinagwalang bahala ni Mo Qian Yuan ang hindi kasiya-siyang pangyayari at nakangiting nagsalita: "Masyado kayong maaga." Bumaling siya sa kaniyang tauhan at nag-utos, "Bigyan niyo ng mauupuan ang ating mga bisita."

Isang grupo ng eunuch ang dumating at may dalang upuan. Naupo naman ang mga taga Qing Yun Clan.

"Isasantabi muna namin sa ngayon ang kahangalan ni Yun Xian. Ngunit gusto ko lang klaruhin na inaasahan namin ang kasunduan ng dating Emperor at Qing Yun Clan. Hindi namin gustong manggulo sa Qi. Gusto din namin malaman na ibigay niyo na agad Kamahalan ang Soul Jade nang makabalik na kami sa Qing Yun Clan." Diretsong sabi ni Jiang Chen Qing. Maaaring gumamit din siya ng magalang na salita ngunit ang tono nito ay salungat sa kaniyang sinasabi.

Kahit ang mabait at pasensyosong si Mo Qian Yuan ay nainis ngunit kailangan niyang kumalma sa harap ng Qing Yun Clan.

Naiinis din siya sa sarili niya dahil hindi siya sumangayon sa suhestiyon ni Jun Wu Xie na patayin ang mga mayayabang na ito nang sa gayon ay wala sa harap niya ang mga ito ngayon.

"Ahh, nagpunta kayo dito para diyan. Pumayag na ako kahapon tungkol doon ipinag-utos ko navring kunin ang Soul Jade kagabi ngunit nagkaproblema." Pinaghandaan na ni Mo Qian Yuan kagabi pa ang kaniyang sasabihin.

"Problema? Anong problema?" Dumilim ang mukha ni Jiang Chen Qing sa kaniyang narinig.

Kung hindi rin sana nagpadala si Bai Yun Xian ng hindi kanais-nais na mensahe, hindi rin sana sila naglikom ng mabibigat na kakampi.

Bilang karespe-respeto at tinitingalang Elder sa Qing Yun Clan, hindi niya mapapansin ang maliit nq Kingdom of Qi. Pagkarating na pagkarating nga nila dito ay gusto niya na agad umalis.

"Ang Soul Jade ay nasa kaharian nga, alam niyo din na ang ating mga ninuno ay hinati ito sa dalawa at ipinagkaloob ang kalahati nito kay Jun Qing, ang kalahati naman ay nasa Imperial Palace. Sampung taon ang nakakalipas, ang panganay ni Jun Xian ay namatay sa isang laban. Inilibing ni Jun Xian ang kalahati ng Soul Jade kasama ni Jun Gu. Ang kalahati naman ay nakaselyo kasama ang dating Emperor sa Royal Tomb nang ito ay sumuko sa kaniyang sakit..." Mahaba at mahinahong salaysay ni Mo Qian Yuan. Ang dating Emperor ay nakakulong pa rin sa piitan ngunit ibinalita nang patay na ito. Palabas lang ang libingan ng dating Emperor at ang katawang nakalibing talaga doon ay isang patay nang preso.

Dalawang tao lang silang nakakaalam ng tungkol doon.Si Mo Qian Yuan lang at si Jun Wu Xie.

Habang isinalaysay ni Mo Qian Yuan ang kaniyang mga sasabihin, nadako ang kaniyang tingin kay Qin Yu Yan. Hindi na siya umaasang magbabago ang mapagmataas na si Jiang Chen Qing. Ngunit umaasa pa rin siya sa Eldest Miss na respetuhin ang kabanalan ng mga yumao, at sumuko na sa kanilang gusto.

Ngunit nang matapos si Mo Qian Yuan sa kaniyang sinasabi ay nagdilim ang mukha ni Jiang Chen Qing. Tumayo ito at sumigaw: "Kalokohan! Bakit niyo inilibing ang Soul Jade!? Kamangmangan! Hukayin niyo ang dalawang kalahati ng Soul Jade ngayon! Wala akong pakialam kung kailangan niyong hukayin ang mga libingan, kailangan ko ang Soul Jade sa kamay ko ngayon din!"

Ayaw nitong idaan sa maayos na usapan, ang gusto ni Jiang Chen Qing ay ang hukayin ni Mo Qian Yuan at ng Jun Family na hukayin ang puntod!


Load failed, please RETRY

Presentes

Presente -- Presente recebido

    Status de energia semanal

    Rank -- Ranking de Poder
    Stone -- Pedra de Poder

    Capítulos de desbloqueio em lote

    Índice

    Opções de exibição

    Fundo

    Fonte

    Tamanho

    Comentários do capítulo

    Escreva uma avaliação Status de leitura: C210
    Falha ao postar. Tente novamente
    • Qualidade da Tradução
    • Estabilidade das atualizações
    • Desenvolvimento de Histórias
    • Design de Personagens
    • Antecedentes do mundo

    O escore total 0.0

    Resenha postada com sucesso! Leia mais resenhas
    Vote com Power Stone
    Rank NO.-- Ranking de Potência
    Stone -- Pedra de Poder
    Denunciar conteúdo impróprio
    Dica de erro

    Denunciar abuso

    Comentários do parágrafo

    Login