Baixar aplicativo
12.35% Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 193: KAILANGAN KONG MAGPALAKAS (3)

Capítulo 193: KAILANGAN KONG MAGPALAKAS (3)

Editor: LiberReverieGroup

Tumawa si Jun Wu Yao sa kaniyang tanong. "Ikinagagalak ko ito."

Isang napakayabang na sagot.

Piniling manahimik ni Jun Wu Xie, sinusubukang basahin ang isip ng lalaking ito.

"Gawin mo ang gusto mong gawin. Nasa tabi mo lang ako lagi para protektahan ka. Ako ang iyong kapatid hindi ba, at ikaw ang aking nakababatang kapatid na dapat kong protektahan. Tama?" Ginulo ni Jun Wu Yao ang kaniyang buhok. Kahit na sibil siya kung pakitunguhan ni Jun Wu Xie ay gumagaan pa rin ang kaniyang loob.

Nagulat si Jun Wu Xie.

Kapatid?

Hindi ba't isang kapamilya iyon?

Nanatili namang nakatayo si Jun Wu Xie sa harap ni Jun Wu Yao, ang kaniyang mga tingin ay nagbago kumpara sa kanina. Tumango lang siya at tumalikod na para pumasok sa study room.

Nagmamadali siyang sabihin kay Jun Xian at Jun Qing na hindi na siya sumasangayon na hukayin nila ang libingan ng kaniyang ama.

Kahit na ang ibig sabihin nito ay ang sumalungat sa ninanais ng Qing Yun Clan, hindi nila ito aatrasan!

Pinanuod na lang ni Jun Wu Yao ang nagmamagdaling si Jun Wu Xie. Hindi maaalis sa kaniyang labi ang ngiti.

"Ito ang unang beses na maayos akong kinausap ng babaeng iyon at napakasarap sa pakiramdam." Mag-isa sa bakuran si Jun Wu Yao at kinakausap ang sarili.

Isang anino naman ang biglang sumulpot sa kaniyang tabi. Hindi ito halos makita dahil nasasapawan ito ng anino ni Jun Wu Yao.

"Sa palagay ko'y nakikita na ni Missy kung paano mo siya itrato." Saad ng anino sa mababang boses. Nakita nito at narinig ang kanilang usapan kanina. Lihim niyang pinanuod si Jun Wu Yao dahil sa tingin niya ay may mali dito.

"Bukod kay Jun Xian at Jun Qing wala na siyang kinakausap ng maayos." Maganda ang pakiramdam ni Jun Wu Yao. Alam niya kung paano itrato ni Jun Wu Xie ang Crowwn Prince at ikinatigas ito ng kaniyang puso. Kaya naman ng makita niya ang mga tingin ni Jun Wu Xie bago ito umalis ay muling nagpalambot sa kaniyang nararamdaman.

"Talagang mahalaga para kaay Miss ang kaniyang pamilya." Paaalala ng anino sa kaniya.

Bagaman masyadong masaya ang kaniyang Kamahalan para ito ay mapansin pa niya.

"Tama."

Tumingin ang anino sa masayang mukha ng kaniyang Panginoon, nagdadalawang isip ito kung dapat niya ba itong paaalalahan na kaya nagbago ang trato nito sa kaniya ay hindi dahil sa kung anuman ang naiisip nito ngayon.

Halata namang nakampante lang ang babae sa sinabi niyang 'kapatid'!

Malinaw na kapatid lang ang turing ng babaeng iyon sa kaniyang Panginoon at hindi na hihigit pa doon.

"Magsaliksik ka tungkol sa Qing Yun Clan." Utos ni Jun Wu Yao. Kung mapagdedesisyunan ni Jun Wu Xie ang gumanti, ang lipulin ang delegesayon ng Qing Yun Clan ay umpisa pa lang. Ang Jun Wu Xie na kilala niya ay lilipulin silang lahat.

"Masusunod po, Panginoon." Sagot na lamang niya. Hindi niya alam kung matatawa o maiiyak na lang siya sa alam niyang iniisip ng kaniyang amo.

Ang pagiging maaalalahanin ay alam niyang hindi ugali ng kaniyang Panginoon.

"Panginoon, ang iyong lingkod ay narinig na ang Qing Yun Clan ay may kaugnay sa isa sa mga taga-palasyo. Tignan niyo po ito…"

Nawala ang ngiti sa labi ni Jun Wu Yao at napalitan ng labis na pagkamuhi ang kaniyang kalooban.

"Ang Twelfth Palace ay mahaba ang koneksyon, pero nakikisali pa sila sa kaganapan sa Lower Three Realms?"

Tumingin ang anino sa hindi maipintang mukha ng kaniyang Panginoon. 'Sinasabi nitong mahaba ang koneksyon ng mga ito? Siya din naman ay ganoon din.'

"Kahit alin pang palasyo sila nakaugnay, lahat ng karapat-dapat mamatay ay papatayin." Humalakhak si Jun Wu Yao sa isiping iyon.


Load failed, please RETRY

Presentes

Presente -- Presente recebido

    Status de energia semanal

    Rank -- Ranking de Poder
    Stone -- Pedra de Poder

    Capítulos de desbloqueio em lote

    Índice

    Opções de exibição

    Fundo

    Fonte

    Tamanho

    Comentários do capítulo

    Escreva uma avaliação Status de leitura: C193
    Falha ao postar. Tente novamente
    • Qualidade da Tradução
    • Estabilidade das atualizações
    • Desenvolvimento de Histórias
    • Design de Personagens
    • Antecedentes do mundo

    O escore total 0.0

    Resenha postada com sucesso! Leia mais resenhas
    Vote com Power Stone
    Rank NO.-- Ranking de Potência
    Stone -- Pedra de Poder
    Denunciar conteúdo impróprio
    Dica de erro

    Denunciar abuso

    Comentários do parágrafo

    Login