Agad siyang lumapit sa batong mesa, at sa utos ni Jun Wu Xie, tinaas ang mga manggas at pinakita ang kanyang braso sa kanya.
Natapos agad siya at lumapit ang sunod na sundalo.
Natapos agad ang pagsusuri sa sampung sundalo, at makikita ang malamig na ekspresyon sa mukha ni Jun Wu Xie.
"Long Qi, sunduin mo si tito Fu. Kayong sampu, hintayin niyo ako sa dispensaryo." Inutos ni Jun Wu Xie habang patayo.
"Kamusta?" Kinabahan si Mo Qian Yuan.
"Pambatang laro. Hindi ba sila pwedeng mag-isip ng iba pa sa sumasabog na katawan?" Nanlalamig parin ang kanyang boses.
Nagulat si Mo Qian Yuan, larong pambata ang mga pagsabog na naganap sa kaharian? Anong nangyayari?
Agad na dumating si Titi Fu sa patyo, "Ano ang utos niyo, Binibini?"
"Sa pangalan ng aking lolo, pabuksan mo ang lahat ng tindahan ng damong-gamot at mga pagamutan. Utusan silang ipadala ang lahat ng kanilang mga tinda sa Palasyo ng Lin. Ngayon na." Hindi makakasagot sa tono ng boses ni Jun Wu Xie. Nagulat si tito Fu sa utos, ngunit nanatiling tahimik at umalis para gampanan ang mga utos.
Naguguluhan si Mo Qian Yuan at Long Qi na magkatabi sa mga utos ni Jun Wu Xiem ngunit dama nila ang bigat ng sitwasyon.
"Wu Xie, ano ang nangyayari? Bakit kailangan mo ng maraming damong-gamot? Tanong ni Mo Qian Yuan
Sinulyapan sila ni Jun Wu Xie at sinabing: "Mayroong nagbabalak na patayin ang buong Kaharian."
"ANO!?" Namutla si Mo Qian Yuan!
"Hindi aksidente ang mga pagsabog. Mayroong nagplano nito. Malapit ito sa nangyari kay Lin Yue Yang. Kay Lin Yue Yang, pagkatapos niyang sumabog, hindi makagalaw ang mga kasama niya. Sa nakita niyo ngayon, hindi ganun kadali. Kapag sila'y sumabog, kumakalat ang lason sa hangin. Sa isang singhot, malalason agad ang iba. At sa loob ng ilang araw, sasabog ang nahawa." Pinaliwanag ni Jun Wu Xie na parang wala lang. Natakot sila lalo sa lamig ng tonong gamit ni Jun Wu Xie sa kanyang pagkwento.
Sa balitang iyon, hindi lang si Mo Qian Yuan, pati si Long Qi na rin ay namutla.
Ang mga sundalo ang ilan sa mga naunang dumating sa iba't ibang lugar na may sumabog na katawan. Kapag sa hangin kumakalat ang lason, ibig-sabihin nun, nahawa ang lahat ng lumilibot na sundalo ngayon!
"Sino ang mapangahas?! Gusto ba nilang pumatay ng maraming inosenteng nakatira sa kaharian?" Namumuti na ang mukha ni Mo Qian Yuan. Ayon kay Jun Wu Xie, walang amoy at kulay ang lason, at mabilis mahawa. Pag pinabayaan, ang limampung pagsabog ay magiging mahigit sa sampung-libo!
Yumuko si Jun Wu Xie na nagiisip, nakatitig ng malamig sa lawa.
"Hindi ang mga tao ang habol nila, kundi ang hukbo. Pag kinulong mo ang aso, lalaban ito. Mahirap gumamit ng ganitong paraan sa Rui Lin, ngunit pag ang buong kaharian ay dinamay, hindi makakatakas ang hukbo."
Maganda ang pamamaraan nila, sayang nga lang, dahil siya ang kalaban nila!