Saglit na tumayo na tila nanigas si Long Qi bago siya tumayo ng deretso at linagay ang kanyang kanang kamao sa kaniyang kaliwang dibdib, yumukong bahagya, at tahimik na nilisan ang kwarto.
Sinilip ni Jun Wu Xie ang nakasaradong pinto at bumalik sa kanyang ginagawa.
"Malamig sa labas, mainit-init sa loob. Ang kasabihan palang 'yon ay para sa mga taong katulad mo." Isang mapang-asar na boses ang nanggaling sa bintana.
Kumunot ang noo ni Jun Wu Xie at siya'y napatingin sa pinanggalingan ng boses. Nakaupo si Jun Wu Yao sa pasimano ng bintana ng nakahalukipkip ang kanyang mga braso sa kanyang dibdib. May malabong ngiti na naiwan sa kanyang mga labi sa kanyang pagtingin kay Jun Wu Xie.
Ngayon, wala siyang maamoy na bakas ng dugo sa kanya.
"Ang paggawa ng mali at hindi ng walang parusa ay maliit na bagay. Hindi ko naisip na maghahanda ka pa ng gamot para sa kanya." Nawala na ang pagkalibang sa kanyang mga mata habang siya'y nakatingin sa kanya.
Sa sumunod na araw pagkatapos humingi ng tawad ni Long Qi sa kanya at ng kaparusahan, hindi na niya ito inisip. Naggiit ng sariling kaparusahan ang lalaking ito sa pamamagitan ng paghampas ng 150 na beses hanggang sa makalat na ang kanyang likuran, gayunman, hindi siya sumigaw ng kahit isang beses at parang walang nangyari sa sumunod na araw.
Alam rin ni Jun Wu Yao ang mga nangyari pero wala itong kinalaman sa kanya at wala rin siyang interes dito kaya't halos nakalimutan na niya ito kung hindi dahil sa mga kilos ni Jun Wu Xie ngayon.
"Ayaw na ayaw ko yang amoy na yan." sinabi ni Jun Wu Xie.
Marahang tumawa si Jun Wu Yao at lumundag papasok sa kanyang kwarto.
"Talagang hindi patas si Wu Xie. Bakit nung ako ang nasugatan, hindi mo ako binigyan ng gamot?" Lumapit siya at sumandal gamit ang isang kamay sa pader sa likod ni Jun Wu Xie.
Ang itim na buhok ni Jun Wu Yao na nakabagsak sa tabi ng magandang mukha ni Jun Wu Xie, na medyo kumiliti sa kanyang pisngi.
Sumimangot si Jun Wu Xie at tinabi ang buhok.
"Dahil sa iyong pangalan." Sinulyapan niya habang patabi, at kalmadong naglakad papalayo.
Jun Wu Yao, walang gamot, hindi kayang gamutin. (TL: literal na translasyon ng kanyang pangalan, 无药,无药可救)
Hindi na napigilang tumawa ni Jun Wu Yao pagkatapos marinig ang paliwanag niya. Hinatak niya si Jun Wu Xie at yinakap ng mahigpit.
Ang kanyang mabining katawan ay nagdala ng onting amoy ng mga damong-gamot, na nakakapagpagaan ng pakiramdam ng kung sino man.
Hindi siya lumaban, tahimik lang na nanatili sa kanyang yakap maliban sa kanyang mga mata na may masamang tingin sa kanya.
"Naglinis ako ng maayos ngayon. Eto, amuyin mo ako, may naiwan ba dun sa ayaw mong amoy?" Binulong niya sa kanyang tenga ng may isang mababang boses at onting pangaasar.
"Hindi." Naramdaman ni Jun Wu Xie na parang may mali ngunit hindi niya maisip kung ano ito.
"Wag kang mag-alala, basta't hindi mo gusto, hindi ko hahayaang manatili." Sinabi niya at hinigpitan pa ang kanyang yakap. Napagtanto niya na kahit ano pa ang gawin niya, wala siyang magiging reaksyon. Hindi siguro niya naiintindihan kung bakit niya ito ginagawa.
Parang isang blankong papel, na walang laman.
Mas mapipilitan kang markahan ang papel.