Dahil mismo sa dahilang ito kaya hindi ilalantad ng mga assassin ng Mountainshade Black Market ang kanilang mga katauhan kahit ano ang mangyari.
Kung ilalantad ng mga assassin ang kanilang mga katauhan, talagang ipinagbabawal ito at sila ay mapapatay rin ng kidlat ng Nine-Nine Heavenly Tribulation Oath.
Kung mayroong magkukunwaring miyembro ng Mountainshade Black Market, hindi rin siya mapapatawad!
Mayroong malinaw na patakaran na nakatakda sa sulat na ang kahit anong sect o taong maglalakas loob na magkunwaring miyembro ng Mountainshade Black Market, paniguradong papatayin sila ng Mountainshade Black Market.
Upang maprotektahan ang patakarang ito, nakaisip ang Mountainshade Black Market ng isang patakaran na ang lahat ng miyembro ng Mountainshade Black Market na naabot na ang Saint Stage ay kinakailangan sumumpa sa Nine-Nine Heavenly Tribulation Oath na kanilang papatayin ang sino mang magkukunwaring miyembro nila.