Pinanood ni Flame Emperor ang mga pangyayari sa layong daaan daang light years mula sa kaniya habang iniisip na nasa kontrol niya ang lahat.
Samantala, tumitingin naman si Luo Feng sa malaking buhawi na gawa sa buhanging pumapaligid sa kaniya. Mayroon itong daan daang milyang taas at naging makapal at siksik din ang buhanging bumubuo rito. Ang bawat isang butil ng buhangin ay mahina pero sa sandaling magsama sama ang mga ito, magiging sapat na ang kanilang lakas para maramdaman ni Luo Feng ang pagsakal na ginagawa ng mga ito sa kaniya.
"Tagamosha kong katawan." Sabi ni Luo Feng habang hawak hawak ang isang bato sa kaliwa niyang kamay.
Hu!
Agad na nawala ang bato sa loob ng isang iglap.
Hong! Long!
Binalot ng higanteng buhawi na gawa sa buhangin si Luo Feng at sa loob ng isang iglap ay agad siya nitong pinagpirapiraso. At pagkatapos ay sinakal siya ng mga ito hanggang sa mamatay, at mapulbos.