Sa tindi ng pagkakahawak ni Luo Feng sa damong nasa kaniyang harapan, agad na napulbos at nawala ang mga ito.
"Nabigo ako! Nabigo ako ng palakihin ang ikatlo kong katawan!"
Naramdaman ni Luo Feng na parang nawalan siya ng saysay. Hindi pa siya nainis nang ganito mula noong hindi na magawa pang magimprove noon ng katawang lupa niya. Walang tigil niyang inimprove ang kaniyang sarili mual noong umalis siya sa Daigdig at pumasok sa kalawakan. Marami na siyang sinakripisyong pagod para umakyat nang walang tigil sa hagdan ng pagiging isang hindi mapapantayang nilalang. Pero kinakailangang aminin ni Luo Feng na naging malaki ang tulong ng Tagamosha niyang katawan at ng kaniyang Golden Horned Beast sa prosesong ito. Kasing importante ng talento ang isang malakas na willpower at determinasyon.
"Napakaimportante ng ikatlo kong katawan para sa magiging improvement ko at sa magiging estado ko sa kalawakan sa nalalapit na hinaharap. Kagaya na lang ni Immortal Knight!"