Tumingin si Sky Wolf kay Luo Feng mula sa trono habang isang sense ng pagkatuwa ang nagflash sa kaniyang mga mata. Nagecho ang kaniyang boses sa buong palasyo.
"Tao, alam mo naman na sigurong pinapunta kita rito dahil gusto kong bumili ng isang anonymous scanner mula sa iyo. At alam mo rin siguro kung gaano ko na kagustong kumonekta sa mundong nasal abas matapos makulong dito nang mahabang panahon."
"Nagmula ka sa lahi ng demonyo at ako naman ay nagmula sa lahi ng sangkatauhan!" sabi ni Luo Feng habang nakatingala kay Sky Wolf "Alam mo naman siguro na magkalaban ang ating mga lahi kaya tatanggihan lang ng virtual universe ang iyong diwa. Hinding hindi ka makakapasok sa virtual universe kahit na mayroon ka pang scanner."