Nanatiling tahimik ang limang mga tagasunod habang nakaluhod.
Nagmukha namang matindi si Sky Wolf "Kahit na ipakita ng taong ito ang kaniyang sarili sa hinaharap, muli nanaman siyang mawawala sa oras na matanggap ko ang balita." Napagtanto ito ni Sky Wolf at mabilis na nakapagdesisyon. "Ihanda ang mga Ice tablet." Sabi nito gamit ang malalim niyang boses.
"Opo master." Sagot ng mga tagasunod.
Inikot ng isa sa mga ito ang kaniyang kamay at naglagay ng isang malaki at hugis bar na yelong tablet sa lupa. Naglakad pababa ng trono si Sky Wolf at pumunta sa tablet.
"Ikuwento mo ang tungkol sa dalawang laban." Sabi ni Sky Wolf.