Bumulong si Babata at nilabas ang kaniyang mga emosyong itinago niya sa loob ng libo libong taon. Ang sakit sa pagkamatay ng kaniyang master, ang thrill ng paghihinganti nila para rito, at ang napakarami nilang ala ala ni Hu Yan Bo…
"Ok na ako ngayon, Luo Feng." Tingin ni Babata sa kaniya "Maraming salamat."
"May utang na loob ako kay Hu Yan Bo, at kahit na nagawa kong irespeto siya bilang aking guro noon, ito ay isang bagay na dapat kong gawin. Babata, maaari na ba kitang ipasok muli sa aking world ring?" Tango ni Luo Feng.
"Makakakuha ako ng gabay mula sa ibang mga emperor sa loob ng singsing. Gagawin ko ang lahat para maging isang undying sa lalong madaling panahon." Tango ni Babata "Maaapektuhan ka lang ng kasalukuyan kong lakas, pero maaari naman kitang kontakin gamit ang aking subsidiary AI."
Sa loob ng isang utos sa kaniyag isipan, nilagay ni Luo Feng si Babata pabalik sa kaniyang world ring.