Hindi maitago ng babaeng nagmula sa lahi ng gold horn na si Se Si ang inggit sa kanyang boses.
"Kung ganoon ay magpunta na tayo sa ika 999 palapag." Ngiti ni Luo Feng.
"Opo." Bulong ni Sesi sa kanyang loob, inaasahan na niya ito.
…
Patuloy na umakyat si Luo Feng kasama si Se Si. Habang pataas ng pataas ay napansin ni Luo Feng na pakaunti ng pakaunti ang bilang ng mga nilalang mula sa gold horn na namimili. At noong marating nila ang higit sa ika 800 palapag ay madalas na isang receptionist na lang ang kanyang nakikita sa bawat palapag at walang ni isang taga gold horn na namimili.