Ang hugis pyramid na inang pugad ay mayroong taas na umaabot ng ilang km, at sa gitna ng nagliliwanag at malagintong karagatan na liwanag ay nagpakawala ito ng isang nakabibinging sigaw.
"Sha!"
Ang nakabibinging sigaw na ito ay nagresulta sa sabay sabay na pagsigaw ng maraming gintong insekto ng sundalo. Nahahati ang mga gintong insekto na ito sa dalawng uri. Isa sa mga uring ito nahahawig sa itsura ng isang tao na mayroong taas na umaabot sa 30m, nababalot ito ng armor habang makikita sa kanilang likuran ang mga pakpak ng insekto. Ang kanilang mata ay parang mga pulang mata ng langaw na makikita sa ating bahay.
Ang isa pang uri ay mas payat at mayroong taas na umaabot sa 100m. Nakakuba at nakakurba ang kanilang katawan habang ang kanilang ulo ay mukhang napupuno ng mga mata, umaabot ang bilang nito sa daan daan hanggang libo libong mata. Makikita naman sa kanilang lukuran ang daan daang pakpak.