Kasalukuyan na isang nagyeyelong lupain ang training grounds ni Bolan sa primal region ng Virtual universe.
May sapat nang snow ang lugar na ito para ibaon ang isang nakatayong tao hanggang sa kanyang tuhod.
Makikita ang nakaindian seat na si Bolan sa snow, wala itong pangitaas na damit habang nakapikit na nananatili roon.
"Bolan." Isang nanlalamig na boses ang maririnig sa paligid.
Hua!
Tumayo si Bolan kasabay ng pagbaba ng snow sa lahat ng direksyon, agad siyang napalingon para tumingin. Isang matangkad at payat na lalaking may matang maihahalintulad sa isang makamandag na ahas at katawang pinagmumulan ng paggalaw na ginawa ng origin laws ang nagpakita sa nagyeyelong lupain at tumingin kay Bolan. "Nagawa nang pumasa ni Luo Feng sa ikapitong level. Kaya bakit hindi ka naaapektuhan nito?"
"Guro." Yuko ni Bolan, hindi na siya nagsalita pa.