Sa Huge Pit Quarters, umupo ang nakabronze armor na si Luo Feng sa isang upuang gawa sa bato at nag-isip.
"May mga tinatagong blood river crystal si Qi Niu. Pero ganito lang karami ang naaabsorb na kristal ng isang pangkaraniwang fighter kahit na mas marami pa ang kakailanganin kong kristal. Kaya siguradong may limit ang bilang ng mga kristal na maaari niyang ibigay sa akin, at natatakot ako na baka isang hanggang dalawa na lang ang ibigay niya sa akin." Iniling ni Luo Feng ang kanyang ulo. Mukhang hindi pa nga ito sapat para sa kanya.
"Kung ganoon…" naniningkit na sinabi ni Luo Feng. "May isang paraan na lang ang natitira."
Sou!
Isang malabong imahe ang lumipad sa mga cloud layer hanggang sa marating nito ang ika-18 na layer. Iyon ay ang taga-Moshang si Luo Feng, at isang kulay silver white na pyramid ang nagpakita sa tabi nito. Agad itong pumasok sa hatch at sumakay sa spaceship.
Sa loob ng control room.