Kasalukuyang nasa loob si Rong Jun ng training grounds sa primal universe, isa itong napakarangya at sinaunang city sa kalawakang ito.
Sa balkonahe ng isang skyscraper.
"10 taon na ang nakalilipas mula noong dumating kami rito sa primal chaos city." Makikitang nakatayo sa tuktok ng skyscraper ang nakapaa at may magulong buhok na si Rong Jun habang dala-dala ang kanyang ground splitting blade, tinitingnan nito ang city na nasa kanyang ibaba. Ito ay isang city na pinakapamilyar sa kanya at isang city na bumuo sa karamihan ng kanyang mga alaala. "Ama, ama…"
Mahinang bumulong si Rong Jun.
"Gaano katagal!"
"Gaano pa ba katagal bago ako maging isang undying at makuha muli ang pangalang Tuman. Gaano pa ba katagal bago ko magawang patayin ang hayop na iyon!" mahinang sinabi ni Rong Jun. "Mahirap po ito para sa akin ama, napakabigat po talaga nito sa aking puso." Napuno ng luha ang mga mata ni Rong Jun sa mga oras na ito.