"Mahalaga ang oras sa lugar na ito kaya huwag niyo itong sayangin." Tumalon ang nakablack robe na receiver sa balkonahe at lumapag sa lupang nasa ilalim nito. Sumunod sa kanyang tumalon ang 1,000 na henyo na parang isang napakalaking grupo ng mga insekto na bumalot sa kalangitan para lumapag sa napakalawak na kalsadang matatagpuan sa harapan ng building.
"Sumunod kayo sa akin, pupunta tayo sa mansyon ng may-ari ng city na ito," sabi ng nakablack robe na receiver. "Doon namamalagi ang may-ari ng city na iyon, ang lugar na iyon din ang core ng buong Primal chaos city."
"May-ari ng city?"