Itinaas ni Luo Feng na nasa gitna ng maraming tao ang kanyang ulo para tingnan ang napakalayong ere sa ibabaw ng palasyo na gawa sa ilaw. Makikita rito ang nasa 68 na uri ng kayamanan, nagresulta ito sa matinding ganid mula sa kanyang loob, walang sinuman sa 10,000 na explorer ang ayaw magkaroon ng kahit anong kayamanan na matatagpuan dito, ang tanging pumipigil sa kanila ay ang kawalan ng sapat na lakas at kapangyarihan para kunin ang mga ito.
"Kaawa-awa, walang sinuman ang nagtangkang bumangga sa ikasiyam na prinsipe. Wala tayong magagawa kundi maupo at panoorin ang pagkuha ng prinsipe sa mga kaymanang ito kung hindi magiging magulo ang lahat." Dumapo ang tingin ni Luo Feng sa kanyang harapan, sa lugar na kinatatayuan ng napapaligirang prinsipe.
...
"Iniisip niyo na ba ang pagkuha sa mga ito?"