"Naiintindihan ko," sagot ni Luo Feng.
"Wala na akong sasabihin pang kahit ano sa mga oras na ito Luo Feng, pakiusap!" Pakiusap ni Jia Yi.
Kung pag-uusapan ang lakas ng mga fighters ay mayroon lang iilang fighter sa buong daigdig ang may kakayahang pumatay ng isang grupo ng emperor level monsters. Sila ay sina Hong, Thunder God, Luo Feng, Mo Henderson at iilan pang mga fighters.
Ka.
Matapos ibaba ang telepono ay agad na lumingon si Luo Feng sa lahat ng tao na nasa kanyang bahay. Tiningnan din siya nina Luo Hong Guo at ng iba pa.
"Mag-ingat ka." Dalawang salita lang ang nabanggit ni Luo Hong Guo.
Tumango si Luo Feng.
Sa loob ng isang isip, whoosh! Tatlong kulay itim na robot ang nagpakita sa kuwarto na gumulat sa lahat ng nasa bahay.
"xxxx…" nagbigay si Luo Feng ng isang utos gamit ang wikang ginagamit sa buong kalawakan.