Isang makapigil-hiningang tanawin ang napakalaking katawan ng grand emperor monster na may habang umaabot sa 3000m. Agad namang nagtipon-tipon sa paligid ng lawa ang naglalakasang tauhan mula sa iba't ibang bansa, kasama na rito ang mga hindi maikukumparang star traveller fighters. Naramdaman ng bawat isa sa kanila ang pagtigil ng kanilang mga puso at pagtigil sa pagdaloy ng kanilang mga dugo habang tinitingnan ang tanawing ito. Hindi ito kapanipaniwala, sobrang hindi kapanipaniwala!
Makikita naman sa kalangitan sa ibabaw ng lawa si Hong na humihila sa bangkay ng grand emperor monster papunta sa lupa bago bumaba ng dahan-dahan na nakapagpalatag sa katawan ng halimaw sa lupa.
Pu tong!
Ang bawat isang galamay na may habang umaabot sa 1500m ay nagsimulang magsibagsak sa lupa na nagresulta sa pagyanig ng lupa na para bang may isang lindol na nagaganap.
"Napakalakas."