"Huwag Feng, huwag kang magpanic," umiiyak na sinabi ng nanay niyang si Gong Xin Lan, "Muntik nang malunod ang kapatid mo kanina pero nailigtas na siya ngayon."
"Nalunod? Anong nangyayari ma?" Hindi maintindihan ni Luo Feng ang nangyayari. Paanong nangyari ang isang bagay na kagaya nito sa kanyang kapatid sa loob ng headquarter city? Hindi ba't lagi niyang kasama ang isa sa kanilang kasambahay?
"Ganito kasi ang nangyari Feng: Dinala nitong hapon ang kapatid mong si Hua ng kasambahay natin para maglaro. Alam mo namang madalas na nagpupunta ang kapatid mo sa park hindi ba…. Pero sa oras na ito ay nakilala na niya ang mga magulang ng kanyang girlfriend sa park. Inimbita ng mga magulang ni Nan ang iyong kapatid na makipagusap sa kanila sa isang tabi."
Napasimangot si Luo Feng nang marinig niya ito dahil hindi pa sinasabi nila Luo Hua at ng kanyang girlfriend ang kanilang relasyon hanggang ngayon.